Xavier’s Point of View GISING na ako ngunit hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata. Kakaiba ang pakiramdam. Parang lumambot yata ang sofa. Hindi na rin magaspang sa balat ang tela sa aking balat. Minulat ko ang aking mga mata. Kaagad bumungad sa akin ang putting kisame. Kaaagad kong naramdaman ang kung ano mang nakapalibot sa aking kanang kamay. Medyo nakakaramdam ako ng pagkirot doon. Bukod pa dun ay, nakakaramdam ako ng hilo. May sakit baa ko. Inalis ko ang kumot at tinignan ang kumikirot kong kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Naka-arm support ang aking kamay. Napatingin ako sa kabila kong kamay. Makinis na ito at hindi na balbunin. Napahawak ako sa aking ulo; kaagad kong naramdaman ang bendang nakapulupot dito. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking puso sa

