Xavier’s Point of View “Xander!” ang pagtawag ko sa kanya habang naglalakad siya palayo. Napatingin naman ako kay Blue. “Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang niyang gustong ibigay yan sa’yo, Blue. Pero isa lang ang masasabi ko, madalang lang siya kung magpakita ng ganito. Alam kong galit ka but don’t be the person you hate on the first place.” Pagkasabi ko niyon kay Blue ay nagsimula akong maglakad palayo. Hinabol ko si Xander pababa ng hagdanan. Natigilan naman ako nang makita siyang nakatayo; nakakuyom ang kanyang mga kamay. Napatingin ako sa tinititigan niya. Si Mikael. “Xavier,” ang pagtawag niya nang makita ako ni Mikael. Hahakbang na sana siya papalapit ngunit biglang nagsalita si Xander. “Don’t you dare,” ang sabi ni Xander sa

