Xander’s Point of View Isa-isang tinawag ng mga hurado ang bawat kalahok. Tulad ng naunang event ay nagtanong ang mga judge tungkol sa mga ginawa naming pagkain. Karamihan ng mga nauna ay puro tsokolate ang gawa nila. “Xavier Ventura from Richmond University,” ang anunsyo naman ng game master. Kinuha ko naman ang mga panghimagas na ginawa ko at pinatong sa tapat nila. Nagkatinginan naman ang mga judges. Hindi ko alam kung maganda bai tong senyales. “Mr. Ventura, what do you call this dessert?” ang tanong ng lalaking judge. “Sakura Garden,” ang tugon ko naman. “And could you explain to us what you did here?” “On the left side is a red bean filled sakura flavored mochi while on the right, is a raindrop cake. In

