Xander’s Point of View
PAGKAALIS ng dalawa ay naupo ako para muling tignan ang mga recipe book at maghanap ng pwedeng magawa para sa contest. I was skimming through the pages of the recipe book when I heard footsteps. Napatingin naman ako at napakunot ng noo nang makita kung sino ang pumasok sa club room.
“A-anong ginagawa mo rito?” ang tanong ko. Napangiti lang naman siya at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa akin. Naupo si Trisha sa tabi ko.
“Nakasalubong ko sila Xavier at Mikael,” ang paliwanag niya. “at sinabi nila na narito ka.”
Tumango naman ako.
“Hindi ka ba galit?” ang tanong ko sa kanya.
“Bakit naman ako magagalit?” ang tanong niya pabalik.
“I dunno know. Maybe, for keeping this a secret,” ang tugon ko. Napatingin ako sa labas ng bintana. Tanaw ko ang mga sumasayaw na dahoon sa puno.
“Xander,” ang pagtawag niya sa akin. “I understand. More than you thin I can.”
Muli kong binaling ang tingin ko sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Pinilit kong ngumiti.
“Trisha, sorry,” ang paghingi ko ng tawad. “Sorry for dragging you in this mess. Sorry for keeping you as a secret. Gusto lang naman kitang protektahan.”
“Ssssh,” ang pagpapatahimik niya sa akin.
“I know you’re already having a hard time,” ang komento naman niya sabay kuha sa ulo ko at ipinahiga sa balikat niya. Nagsimula akong lumuha.
“Hindi ko naman ginustong maging ganito,” ang sabi ko. “How I wish I could be a better person.”
“Hindi ka masamang tao, Xander,” ang pagtatama naman niya. “Hindi ka masama dahil iba ang pananaw mo. Ang hindi ko lang naman maintindihan, bakit sobra na lang ang galit mo sa kanila?”
“Nagsimula ito nung junior high school ako,” ang pagsisimula ko. “nung una, they’re catcalling me. Okay lang, nasanay naman ako. Pero nung Senior High, hinipuan ako ng isa sa mga kaklase ko sa Shower room.”
Napasinghap naman siya sa kanyang narinig at napatakip ng kanyang bibig.
“Sa sobrang galit ko, nabugbog ko ang kaklase kong yun,” ang aking pagpapatuloy. “It became a big mess. Hindi ko masabi sa iba ang tunay na nangyari. Hindi ko kayang sabihin na… na…”
“Xander, enough,” ang pagpigil niya sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Sorry, hindi ko na dapat tinanong pa.”
“It still haunts me up to this day, Trisha,” ang sabi ko. “Kung pwede ko lang kalimutan ang lahat.”
“Xander, wala na tayong magagawa,” ang tugon naman ni Trisha. “Parte na yun ng pagkatao mo. Hindi ka na makakabalik sa nakaraan pero may magagawa ka pa sa kasalukuyan at sa mga araw pang darating.
Alam kong mahirap… pero isipin mo na lang ang mga taong kagaya ni Xavier.”
“Kapatid ko si Xavier,” ang argyumento ko.
“Kapatid mo man o hindi, walang pinagka-iba yun,” ang sabi niya. “Ang gusto ko lang naman sabihin ay may mga taong katulad ni Xavier.”
Tumango naman ako.
“Ano nga bang ginagawa mo rito at nagkukulong ka sa club room ng School of Home Economics?” ang pag-iiba naman niya ng usapan.
“Uhm, I’m looking for a recipe,” ang tugon ko naman. “There’s going to be a culinary cookoff during the University Meet and I’m— I mean, Xavier is selected to join.”
“Anong klaseng recipe ba?” ang tanong naman ni Trisha.
“Dessert,” ang simple ko namang tugon.
“Sa tingin ko, mas makakabuti kung si Xavier ang tatanungin mo,” ang komento niya. “After all, siya naman dapat ang sasali at hindi ikaw.”
“I was thinking the same thing,” ang pagsang-ayon ko naman.
“So, Xavier and Mikael are an item?” ang tanong niya sa akin.
“There’s nothing I can do about it,” ang tugon ko.
“Does it bother you?” ang muli niyang pagtanong.
“Not really,” ang tugon ko sabay iling. Natigilan naman kami nang may malakas na ingay na nagmula sa labas. Nagkatinginan naman kami ni Trisha. Kaagad akong tumayo upang tignan ang pinagmulan ng ingay. Pagkabukas ko ng pinto ay sumilip ako sa labas. Walang tao. Ang nakita ko lang naman ay isang natumbang basurahan sa tabi ng pinto.
Xavier’s Point of View
NARITO na kami sa soccer field at naghahanda para sa soccer practice. Kasalukuyan kaming nagwawarm-up sa gabay ni Mikael. Hindi na naging mabigat ang aking pakiramdam nang magpunta ako ngayon rito. Okay naman na kami. Narito rin si Nico as usual. Natigilan naman kami nang may makita. Isang grupo ng mga lalakeng estyudante galing sa Montecillo University. Suot nila ang kanilang uniporme.
“A-anong ginagawa nila rito?” ang gulat na tanong ni Nico.
“Sino ba sila?” ang pabulong kong tanong kay Nico. Napatingin naman siya sa akin.
“Sila ang Soccer Team ng Montecillo University,” ang paliwanag naman niya. Nagpunta naman sa likod ko ang mga miyembro ng soccer team naming habang si Mikael ay tumabi sa akin. Kapwa kami napatupi ng mga kamay habang hinihintay sila.
HINDI naman nagtagal ay tumigil sila nang nasa tapat na namin ang kanilang grupo. Lumapit naman sa akin ang isa sa kanila. Sa hula ko ay magkasingtangkad sila ni Xander. Kaagad kong napansin ang pin na nakadikit sa kanilang uniporme. May kulay ginto, pilak at tanso. Hindi ko alam kung anong pinagkakaiba ngunit wala ako ngayon sa lugar upang magtanong.
“Are you the team captain?” ang tanong niya sa akin. Napatango naman ako. “The name’s Josh Sandoval. Montecillo University’s Soccer Team Captain.”
“Xander Ventura,” ang tugon ko naman. Inalok naman niya ang kanyang kamay. Batid kong hindi nakikipag-kamay si Xander sa kung sino-sino lang kaya naman tinitigan ko lang naman yun bago tumingin sa kanya. “What do you want?”
“A quick chat with you,” ang tugon naman niya. Kaagad kong naramdaman ang pag-iiba sa kanyang awra. Nanlamig ang paligid ngunit hindi ako nagpatinag. “Just here to check the number team. Pero hindi naman yun tatagal… dahil ngayong taon, Montecillo University na ang uupo sa trono. And you trying hards will be thrown.”
“Aba, iba rin ang tabas ng dila nitong hayop na ito, ah,” ang pagalit na reaksyon ni Nico sabay martsa paharap ngunit kaagad naman siyang pinigilan ni Mikael. Napahakbang naman ang ilan sa kanila kaya muling nagpunta si Nico sa likuran namin nila Mikael.
“If you’re just here to pick up a fight, don’t waste our time,” ang komento naman ni Mikael.
Napangiti naman itong Josh Sandoval na ito at napatingin sa paligid.
“Not bad,” ang komento niya. “But Montecillo is the best.”
“Patunayan mo ang sinasabi mo sa mismong University Meet,” ang komento ko. “Baka nakakalimutan mo, hindi lang Richmond ang kalaban niyo.”
“It was nice meeting you,” ang sabi niya. “I’ll see you, then.”
Matapos maglakad ng palayo ng Team Captain ay sumunod na rin ang iba. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sa totoo lang, magkatulad sila ni Xander; mataas ang lipad. Pero… napapansin kong nag-iiba si Xander. Sana tuluyan nang magbago ang pananaw niya kahit na naging hindi maganda ang naging kasaysayan niya sa mga taong katulad ko. Hinihiling ko na lamang na mabigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon upang makapagbigay din siya ng pangalawang pagkakataon sa ibang tao.
“Okay, let’s continue our practice,” ang anunsyo sabay palakpak. Bumalik naman sila sa kani-kanilang mga pwesto upang ipagpatuloy ang warm-up. Nasanay naman na ako sa naging routine namin. Mabuti na lamang ay meron si Nico upang gabayan ako.
PAGKATAPOS ng soccer practice…
“Xander!” ang pagtawag ni Jace. “Sabay na tayong pumunta sa dorm.”
“Mauna ka na,” ang tugon ko naman. “May kailangan akong puntahan.”
“Saan?”
“Magkikita kami ni Xavier,” ang tugon ko naman. Napatango naman siya at nagpaalam. Sumabay naman ako kila Nico at Mikael. Magkasabay kami ni Mikael samantalang si Nico ay nasa bandang likuran at abala sa pakikipag-text kung kanino man.