Xander’s Point of View
NAPATINGIN ako sa malaking orasan na nakasabit sa pader sa harapan. Bago matapos ang soccer practice nila Xavier ay nag-send ako ng message sa messenger. Pinapapunta ko siya rito para maka-usap tungkol sa paligsahan. Sa tingin ko ay makakatulong ang mga recipe book sa club room. Nakamasid naman ako sa labas ng bintana. Nakabukas naman ito kaya dama ko ang pag-ihip ng hangin. Sa kalayuan ay tanaw ko ang soccer field. Kanina pa naka-alis si Trisha dahil may pupuntahan daw siya. Narinig ko namang nagbukas ang pinto kaya kaagad akong napalingon. Si Xavier nga.
“Bakit mo ako pinapunta rito?” ang tanong naman niya sabay patong ng kanyang bag sa mesa. Lumapit naman ako sa kanya.
“Malapit na ang University Meet,” ang sabi ko. Napakunot naman siya ng noon ang marinig ang sinabi ko.
“Hindi na bagong balita yan,” ang komento naman niya. “Kaya nga kami nagpra-practice dahil diyan. Naalala ko… dumalaw kanina ang Soccer Team ng Montecillo.”
“A-anong sinabi mo?” ang gulat kong tanong. Hindi ko inaasahan ito. Napatango naman siya bilang pagkumpirma. “Anong nangyari?”
“Wala naman,” ang simple niyang tugon. “Pumunta lang sila para yabangan kami. Kukunin daw nila ang pagiging overall champion sa taong ito.
Naramdaman kong nang-init ang ulo ko kaya napahampas ako sa mesa.
“Kalma,” ang komento naman ni Xavier. Sinubukan ko namang pakalmahin ang aking sarili. Huminga ako nang malalim nang ilang beses.
“Anyway,” ang pag-iiba ko sa usapan habang umiiling. “I guess you haven’t still received the memo. Kasali ang Culinary Club sa University Meet.
“Huh?” ang gulat naman niyang reaksyon. “Wala akong nababalitaan tungkol diyan.”
“That’s why I’m telling you now,” ang komento ko naman sabay ikot ng aking mga mata. “The point is…isa ka sa mga kasali.”
“Ano namang sasalihan ko?” ang tanong niya.
“Dessert Category,” ang sagot ko naman sabay tingin sa isa sa mga nakapatong na libro sa mesa. Itinuro ko naman ang pahinang napili kong gawin. Tinignan naman niya yun. “We’re not both sure if… hanggang kalian tayo sa ganitong sitwasyon. Kaya naisip kong kailangan ko ring matutunan kung anong gagawin mo. You know, just in case na hindi pa tayo makabalik sa dati.”
“Kung ako sa’yo, hindi yan ang gagawin ko,” ang komento naman niya sabay tingin sa akin. “Masarap ang mga cheesecake at madaling gawin pero hindi yan pang-contest.”
“So, what do you recommend?” ang tanong ko naman.
“Sa ganung kompetisyon, tatlong bagay ang kailangan mong isipin,” ang paliwanag niya. “Appearance, flavor, at texture.”
“Okay?” ang reaksyon ko. To be honest, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tatlong yun. “I don’t know what those mean.”
“Appearance. Ibig sabihin, dapat kaaya-aya sa mata,” ang pagsisimula niya. “Flavor. Alam kong naiintindihan mo yun. Texture, dapat hindi iisa ang nararamdaman ng dila mo.”
“If that’s the case, meron ka bang naiisip gawin?” ang tanong ko. Napangiti naman siya.
“Wala sa mga librong yan ang kasagutan sa iyong tanong,” ang tugon naman niya bago isinara ang mga recipe book na kinuha ko. “Tulungan mo akong magbalik.”
Kaagad naman ang sumunod at inayos ang mga recipe book.
NAGTUNGO naman kami sa dorm room ni Xavier. May inilabas naman siyang kuwaderno mula sa isa sa mga shelf. Inilapag naman niya yun sa mesa.
“What’s that?” ang tanong ko.
“Dito ko isinusulat ang mga recipe na gusto kong gawin,” ang paliwanag niya. “Yung iba ako mismo ang gumawa.”
“You can do that?” ang tanong ko. Namangha ako sa aking narinig. Napakamot naman siya ng ulo at tumango.
“Pero yung iba, hindi ko pa nagagawa,”
“Anong naiisip mong gawin?” ang tanong ko naman. Hindi naman siya umimik, bagkus ay binuklat niya ang kanyang kuwaderno.
“Sa tingin ko… ito,” ang saad niya sabay abot sa akin ng hawak niya. Tingnan ko naman ang recipe na pinili niya. “Sakura garden.”
“Sakura garden?” ang pag-uulit ko. Binasa ko naman ang recipe. May tatlong gagawin. Sakura Yokan. Sakura Mochi at Sakura tea.
“Why did you choose this?” ang tanong ko.
“Appearance, flavor and texture,” ang tugon niya. “Tara!”
“Saan tayo pupunta?”
“Sa supermarket,” ang tugon naman ni Xavier. “Mamimili ng mga gagamitin. Kung gusto mong ma-perfect ang recipe na ito. Kailangan mon ang magsimula ng maaga.”
“Point taken,” ang tugon ko naman. Sabay naman kaming lumabas ni Xavier ng kuwarto upang magtungo sa supermarket.
“TARA sa Asian section,” ang sabi niya nang makarating kami sa supermarket. Kumuha naman ako ng basket at sabay kaming nagtungo kung nasaan ang Asian section. Hawak-hawak niya pa rin ang kuwaderno na pinakita niya sa akin kani-kanina lang. “Una nating kukunin ay… red bean paste.”
Sabay naman naming hinanap yun sa hilera ng mga bote at lata. Nang mahanap niya yun ay kaagad niya itong kinuha at linagay sa basket. Kumuha din siya ng pickled Sakura leaves, dried sakura flowers, agar powder, at malagkit na bigas. Kumuha rin siya ng white chocolate, green at red food coloring. Nang makuha ang lahat ng kailangan naming ay pumila na kami upang magbayad.
“Madali lang ba gawin ito?” ang tanong ko.
“Madali lang naman,” ang tugon ni Xavier. “Kung susundin mo ang tamang paraan at pagsukat ng mga sangkap. Lalo na ang paggawa ng Yaka. Pwedeng sobrang tigas o kaya naman sobrang lambot.
“Bukod dun sa tatlo mong nabanggit, may iba pa bang dahilan kung bakit ito ang napili mo?” ang sunond kong tanong.
“Himala,” ang komenyo naamn niya. “Ang dami mong tanong ngayon. Parang noon lang, hindi mo man lang ako mabati ng Hi or Hello.”
“I have no other choice,” ang paglilinaw ko naman. “And I am not that outgoing, Xav—Xander.”
“Sakura,” ang sabi niya lang kaya natigilan ako. ‘Alam mo ba kung ano yun?”
“Uhm, Japanese word for cherry blossoms,” ang tugon ko; its’ a no brainer. Napatango naman siya.
“Sa Japan, ang cherry blossoms ay sumisimbolo ng oras ng pagbabago at optimism,” ang paliwanag niya. “Sumisimbolo rin ito ng bilis ng panahon.”
Nakinig naman ako sa mga sinasabi niya.
“Alam mo, maikli ang buhay,” ang sunod niyang sinabi. “Kailangan mong mabuhay nang naayon sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo. Ang takot ay parte ng pagiging tao pero hindi nun ibig sabihin na kailangan mong matakot ng habang buhay.”
“You sound like an old person,” ang komento ko sabay tawa. “Is that what you get from that guy?”
Sinuntok naman niya ang braso ko sabay sabing, “Bakit ba ang init ng ulo mo kay Mikael?”
“Cause he’s already going to steal you from me,” ang tugon ko naman. “We just bonded again.”
Napasimangot naman siya.
“I’m just kidding,” ang tugon ko naman. “Men would always be men. There would always be an unspoken competition between us.”
“Xander, maraming salamat,” ang out of the blue niyang pasasalamat sa akin.
“Para saan?” ang tanong ko. “I don’t know what you are being thankful for.”
“Hindi mo man kami tanggap ng buo,” ang saad niya. “sinusubukan mo pa rin.”
Napabuntong-hininga naman ako. Napatingin ako sa mga produktong naka-display sa malapit.
“I actually don’t know how to feel about you and Mikael,” ang pagtatapat ko. “I don’t hate you at all. Though the guy ticks me off, I don’t hate him either. Xavier, sorry. I truly am.”
“Para saan?”
“Naging mahirap din sa parte mo,” ang tugon ko. “My opinion is mine alone. Sorry for shoving it in your throat.”
Napailing naman siya.
“Hindi ko rin alam kung anong mga pinagdaanan mo,” ang paglilinaw niya.
“So, are we good?” ang tanong ko naman. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. “Ngayon, kailangan ko na lang gumawa ng paraan para maalis ang sumpa sa atin ni Blue.”