Xander’s Point of View MINULAT ko ang aking mga mata. Kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo at sakit sa aking ulo. Napahawak ako doon. Naramdaman ko naman ang bendang nakabalot sa aking ulo. Napatingin ako sa paligid. Sa mga putting pader at kisame, kaagad kong naintindihan kung nasaan ako. Nasa ospital. Malinaw sa aking ala-ala ang nangyari kanina?... kahapon? Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. “That b***h,” ang bulong ko sa aking sarili nang maalala si Paige at ang ginawa niya sa akin… hindi, ang dapat niyang ginawa kay Xavier. Napayukom ang aking mga kamao sa galit. I know she’s evil but I didn’t know she would come in great heights for Mikael. “Ano bang nakita ni Xavier at ni Paige sa taong yun?” Napatingin ako sa labas ng

