Episode Six

2101 Words
Xavier's Point of View             Si Nico.             “A-anong ginagawa mo rito?” ang tanong ni Xander. Napatingin naman sa kanya si Nico.             “Hmm, paano ko ba ipapaliwanag? May mali sa kinikilos niyong dalawa,” ang komento naman ni Nico. “Kaya sinundan kita. I’m here to investigate. Narinig ko at nakita ko ang ginawa niyo.”             Napatingin naman kami ni Xander sa isa’t-isa.             “A-anong narinig at nakita?” ang tanong ko naman.             “Na nagkapalit kayo ng katawan,” ang tugon naman ni Nico. “July pa lang at maaga para sa April Fool’s.”             Napabuntong-hininga naman ako.             “Nico,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Totoo ito. Walang biro.”             “Kung ikaw talaga si Xavier; tatanungin kita ng isang bagay na siya lang ang nakakaalam,” ang tugon naman ni Nico. Tumango naman ako.             “Ano ang palayaw ko na ginagamit ng pamilya ko?” ang tanong niya.             “Nic-nic,” ang tugon ko naman. “Aksidente kong narinig yun nang pumasok ako sa kuwarto; naka-loudspeaker ka nun habang kausap mo ang nanay mo. Nasira kasi ang earphones mo nung araw ding yun.”             “Xavier! Ikaw nga yan!” ang sabi niya. Napatango naman ako. “Pero paanong nagkapalit kayo ng katawan?”             “Wala kaming kaide-ideya,” ang tugon ko naman. “Kaya rin kami narito kasi naghahanap kami ng solusyon para bumalik sa dati.”             “Baka naman nakulam kayo,” ang komento ni Nico. Napatingin kami ni Xander sa isa’t-isa.             “Kalokohan,” ang reaksyon naman ni Xander. “Imposible.”             “Sabi nung nagpalit ang katawan,” ang sarkastikong tugon ni Nico sabay tingin sa kanya.             “Okay, fine,” ang pagsuko naman ni Xander. “Kung totoo man yan. Sino namang mangkukulam sa amin?”             “Well, isang taong malaki ang galit sa inyo,” ang tugon naman ni Nico. “O isa sa inyo.”             “Wala akong alam o maalalang nakaaway ko,” ang tugon ko. Napatingin naman ako kay Xander at hinintay siyang sumagot. Tumingin naman siya sa akin at napailing.             “Sigurado ka?” ang tanong naman ni Nico sa kanya. Napasimangot naman si Xander.             “Uhm, magka-away kami ng girlfriend ko ngayon,” ang tugon niya.             “Girlfriend?!” ang sabay naming pag-uulit ni Nico.             “What’s with the reaction?” ang nagtataka niyang tanong.             “Hindi kasi namin alam,” ang tugon ko. Naalala ko ang babae kanina sa elevator. “Ah, baka siya yung babaeng yumakap sa akin sa elevator”             “What?” ang retorikal na tanong ni Xander.”May sinabi ba siya?”             “Tinanong niya lang kung galit pa ako... este ikaw”             “Anong sinabi mo? Anong ginawa mo?” ang natataranta niyang tanong.             “Sabi ko busy ako,” ang tugon ko.             “s**t,” ang pagmumura naman ni Xander. "Mas lalong magtatampo sa akin yun."             “Bakit ba kayo nag-away?” ang tanong ko.             “Mind your effin’ business” ang masungit naman niyang tugon.             “Okay lang na hindi mo sabihin sa akin; titignan ko na lang ang rason sa memorya mo,” ang tugon ko.             “What the hell, Xavier!” ang galit niyang tugon. “Don’t you dare!”             Napaikot naman ako ng mga mata.             “Gwapo ka lang talaga, no?” ang retorikal kong tanong. “Kulang ka sa talino.”             “What do you mean?”             “Kung kaya kong tignan ang mga memorya mo; hindi na ako magtatanong,” ang paliwanag ko naman. Tumikhim naman si Nico kaya natigilan kami ni Xander sa pakikipagtalo sa isa’t-isa. “Sa tingin mo ba may kakayahang mangkulam ang girlfriend mo?”             “Of course not! Hinding-hindi niya gagawin sa akin yun,” ang tugon naman ni Xander.             “Hindi natin alam,” ang tugon ko naman. “Baka naman nambabae ko o-“             “Hindi ako ganyan, Xavier,” ang depensa ni Xander.             “I’m just assuming since hindi ko naman alam kung anong rason ng pag-aaway niyo.”             “We just had a misunderstanding. Wala kasi kaming oras para sa isa’t-isa,” ang paliwanag niya. Napatingin naman ako kay Nico.             “Wala na bang iba?” ang sunod na tanong ni Nico. "Isang tao na pwedeng gumawa nito?”             Napanganga si Xander na tila ba may naalala.             “Kung meron man; isang tao lang ang naaalala ko” ang tugon ni Xander. “Si Blue.”             "Kung iisipin mo, may dahilan nga siya para kulamin ka” ang komento Nico. “Matapos ng ginawa mo sa kanya; imposibleng hindi siya magtanim ng galit sa’yo.”             “Bakit? Ano bang ginawa ko?” ang tanong naman ni Xander. Napa-ikot naman ako ng mga mata.             “Seryoso ka?” ang reaksyon ko naman. “Tinatanong mo talaga yan?”             “Masama bang humindi?” ang tanong naman ni Xander. Malala na talaga siya.             “Hindi,” ang sagot naman ni Nico. “Ang masama dun ay ang mga sinabi mong masasakit sa kanya. Hindi pa natapos dun; at talagang pinahiya mo siya sa harap ng ibang tao. Lalo na at pinakita mo ang pagiging homophobic mo.”             “Bakit kasalanan ko pang iba ang opinyon ko sa ibang tao?” ang muli niyang pagbato ng tanong.             “Kahit kailan talaga; napakakitid ng utak mo,” ang komento ko. Bigla naman niya akong kwinelyuhan.             “Anong sinabi mo?” ang tanong  galit niyang tanong.             “Huy! Chill lang, Xander,” ang pag-awat naman ni Nico sabay hila kay Xander palayo.             “You have to apologize,” ang sabi ko kay Xander.             “Never!” ang matigas naman niyang pagtanggi.             “You have to,” ang giit ko. “Or else, hindi tayon babalik sa dati.”             “At gaano ka nakakasiguro na may mangyayari?” ang tanong niya pabalik.             “Hindi ko alam. At wala ka sa posisyon magtanong dahil pareho lang tayo ng sitwasyon,” ang komento ko naman.             “Fine!” ang pagsuko naman niya. “Pero hihingi ako ng kapatawaran dahil gusto ko lang bumalik sa rati. My opinion and my stand won’t change. I still hate gays!”             This person... Nakakasuka siya. Napabuntong-hininga naman si Nico; tulad ko ay hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Xander.               “O siya, hanapin na lang natin si Blue nang matapos na ang problema niyo,” ang komento ni Nico. “Hindi ba sa dorm din siya nakatira?”             “Oo, madalas ko siyang nakikita,” ang tugon naman ni  Xander. Hindi ko lang alam kung anong Room number niya.”             “Tanungin na lang natin yung nasa reception area ng dormitory,” ang suhestyon ko naman.             “Tara,” si Xander bago lumabas ng lecture room. Nagkatinginan naman kami  ni Nico bago sumunod sa kanya. Kaagad kaming bumalik ng dormitory. Pumunta kaagad kami sa Reception Area kung nasaan ang Dorm Leader.             “Hannah,” ang pagtawag ni Xander sa kanya. Kaagad naman siyang napatingin. “Anong room number ni Blue?”             Napakunot naman ng noo ang dorm leader.             “Bakit ko naman sasabihin sa’yo, Xavier?” ang masungit na tanong ni Hannah. “Isa sa policy natin dito sa dormitory ang hindi pagbigay ng personal details ng isa’t-isa which includes Dorm Room Numbers.”             “Sabihin mo sa akin,” si Xander. “Ibiigay ko ang number ni Xander.”             Napatingin naman si Hannah sa akin. Pinilit kong ngumiti at kinindatan siya.             “211,” ang kaagad namang sinabi ni Hannah.             “Tara,” si Xander. Kaagad naman kaming sumunod.             “Hindi ako makapaniwala na gusto mong makipagdate dun kay Hannah,” ang komento ko naman habang paakyat ng hagdanan.             “Sino bang nagsabing idedate ko yung si Hannah?” ang tugon naman niya. “Ginamit ko lang naman ang tinatawag kong “Xander Card.”             Nagkatinginan naman kami ni Nico.             “Xander Card?” ang reaksyon ko naman.             “It’s when I use my charm to persuade someone,” ang paliwanag naman ni Xander,             “Aaaah, GL card,” ang tugon ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng Room 211. Kaagad namang kumatok si Xander. Naghintay kami ng sasagot. Muli namang kumatok si Xander. Bumukas naman ang pinto. Ang roommate ni Blue.             “Si Blue?” ang tanong naman ni Xander. “Kailangan namin siyang maka-usap.”             “Pasensya na pero wala siya rito,” ang tugon naman ng roommate ni Blue.             “Please,” ang paki-usap ni Xander.             “Wala talaga siya rito; simula kahapon hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Sa palagay ko ay umuwi siya sa kanila. Ganun ang ginagawa niya pag malungkot siya o kaya may prinoproblema niya,” ang paliwanag naman ng roommate ni Blue. “Ano bang kailangan niyo sa kanya?”     “Uhm, may mga note kasi ako sa kanya,” ang singit ko. “Gusto ko lang makuha.”     Binuksan naman niya ang pinto at pinapasok ako. Anong gagawin ko?     “Doon niya linalagay ang mga notes niya. Tignan mo na lang diyan. Sasabihin ko na lang na pumunta ka rito para bawiin ang mga notes mo,” ang tugon niya sabay turo sa side table na puro papel. Naglakad ako papunta dun at umarteng naghahanap. Natigilan ako nang may nahulog mula sa bulto ng mga papel. Isang itim na notebook. Pinulot ko naman yun at tinignan ang laman. Halos mawalan ako ng hininga sa aking mga nakita. Mga guhit na hindi ko maintindihan; may mga nakasulat din sa ibang lenggwahe. Iba ang naramdaman ko nang mahawakan ang itim na notebook.     “Nahanap ko na,” ang sabi ko bago nagpasalamat. Binitbit ko ang itim na kuwaderno palabas. Nadatnan kong nakaupo si Xander sa tabi ng pintuan. Ramdam ko ang pagkasiphayo niya. Kahit naman ako ay ganun din ang nararamdaman.     “Paano na ito?” ang tanong niya sabay tingin sa akin.     “Sa totoo lang; hindi ko rin alam,” ang tugon ko. “Pero sa ngayon, iisa lang ang solusyon na nakikita ko.”     “Ano?” ang tanong naman niya.     “Kailangan nating gampanan ang buhay ng isa’t-isa. Ako bilang ikaw, at ikaw bilang ako,” ang paliwanag ko. “Kailangan nating mahanap si Blue”     “Pero paano?”     Pinakita ko naman ang itim na kuwaderno.     “Malakas ang kutob ko na ito ang magdadala sa atin sa solusyong hinahanap natin,” ang paliwanag ko. Pumunta kami sa kuwarto namin ni Nico. Tinignan namin ang laman ng itim na kuwaderno.     “Ano yang mga nakasulat?” ang tanong ni Nico. “Ang creepy; pati yung ibang nakaguhit.”     “Mukhang Latin ang lenggwaheng nakasulat,” ang komento ni Xander. “Mukhang kailangan nating i-translate ang mga nakasulat dito.”     “Matatagalan tayo kapag ginawa natin,” ang tugon ko naman.     “We don’t have any choice, Xavier,” ang komento naman niya. “I don’t wanna be stuck inside your body. I don’t want to be an effin’ loser.”     Dinampot ko naman ang unan sa kama ko at ipinalo sa kanya.     “Ganito na nga ang sitwasyon natin, ganyan pa rin ang iniisip mo,” ang naiinis kong komento. Tinignan naman niya ako ng masama. “Just so you know, ayoko rin. I rather be a loser than a homophobic caveman.”     “What did you just say?” ang galit na tanong ni Xander sabay tayo.     “You heard what I said,” ang tugon ko.     “Huy! Tama na yan,” ang pag-awat naman ni Nico sabay pwesto sa pagitan namin ni Xander. “Walang patutunguhan yang pag-aaway niyo. Kung gusto niyong bumalik sa dati; kailangan niyong pagtiisan ang isa’t-isa at magtulungan.”     Natigilan naman kami ni Xander.     “Fine,” ang pagpayag naman ni Xander. Napabuntong-hininga naman ako.     “Simulan na natin ang pagtratranslate,” ang sabi naman ni Xander. Kumuha ako ng ilang papel at kinopya ang mga nakasulat sa unang pahina. Kinuha ko ang aking phone at nagsimulang magtranslate.  Librum de carmine cantatum: Book of Spells.     “Si Blue nga,” ang bulong ko sa aking sarili. “Si Blue nga ang may gawa.”     “Heto; may nakita ako,” ang anunsyo naman ni Nico. “Mihi vindicta: Cantatio... Revenge Spell”     “Si Blue nga ang may gawa nito,” ang galit na sinabi ni Xander. “I’ll kill him.”     “At sa tingin mo mas makakatulong yang gusto mong gawin sa sitwasyon natin ngayon?” ang retorikal ko namang tugon. “Kung tutuusin; ikaw ang may kasalanan nito.”     “Putting the blame on me again?” ang tanong niya.     “Hanggang kailan mo idedeny na ikaw ang puno’t-dulo ng kung anong nangyayari sa atin,” ang sarkastiko kong komento.     “Then, I’m sorry,” ang tugon naman niya. Napatingin naman ako sa kanya.     “That’s the most sincere apology I have ever heard,” ang komento ko naman. Kinuha ko muli ang itim na kuwaderno. Natigilan ako nang may malaglag mula sa mga pahina ng kuwaderno. Napatingin ako. ID card ni Blue. Dinampot ko naman yun at tinignan. Kung titignang mabuti; may itsura rin si Blue kapag nakasuot siya ng normal. Blue Diamond Rodriguez. Ang ganda ng pangalan niya. Parang pangalan lang ng isang character sa libro. Tinigan ko ang likod ng ID. “Alam ko na kung saan natin siya pupuntahan.”     Pinakita ko naman ang likod ng ID.     “Pero ang layo nito,” ang komento ni Nico. “Aabutin ng apat o limang oras ang byahe papunta sa lugar na ito.”     “Gaano man yan kalayo; pupuntahan pa rin namin,” ang tugon naman ni Xander. “Xavier, tara na.”     “Ngayon na?” ang tanong ko naman.     “This can’t wait,” ang tugon naman niya. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Lumabas kami ng kuwarto at bumaba ng dormitory hanggang sa makarating kami sa parking lot. “Sakay na.”     Sumakay naman ako sa kotse niya.     “Alam mo ba kung paano makakarating sa lugar na to?” ang tanong ko naman.     “Problema ba yan?Eh di gumamit tayo ng GPS,” ang tugon naman ni Xander. Hindi pa rin ako sanay na makita ang sarili kong mukha. Pakiramdam ko ay kausap ko ang aking sarili.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD