Episode Thirty

1926 Words

Xavier’s Point of View             “Mga anak, heto,” ang singit ni Aling Flora paglabas niya. May bitbit siyang plato at linapag sa isa sa mga bangko. “Tikman niyo ang suman dito sa Baler.”             Tumayo naman ako at kumuha para sa amin ni Mikael. Inabot ko ang kay Mikael sa kanya bago bumalik sa aking upuan. Sinuri ko ang aking hawak na suman. Hindi siya katulad ng pangkaraniwang ang balot ay dahon ng saging, bagkus ay kulay dilaw ito.             “Ano pong ginamit na pamabalot sa suman?” ang tanong ko kay Aling Flora.             “Dahon ng niyog,” ang tugon naman niya bago muling pumasok sa loob. Tinanggal ko naman ang balot ng suman at bumungad sa akin ang kulay ube na malagkit. Kaagad ko naman yung tinikman. Masarap. Hindi siya tulad ng ordinaryong suman na kailangang isawsa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD