Episode Twenty-nine

1969 Words
Xavier’s Point of View             “Halina kayo sa hapag kainan,” ang pagtawag naman ni Aling Flora. Nagtungo kami sa kusina upang maghapunan.             “Na-miss ko ang ganitong lutong bahay,” ang komento ni Nico nang makita ang pagkain sa mesa. May nalutong adobo, inihaw na bangus at sinigang.             “Sa susunod, sa inyo naman tayo bumisita,” ang suhestyon naman ni Samantha.             “Sige,” ang pagpayag naman ni Nico.             “Maupo na tayo,” ang anunsyo naman ni Aling Flora. Magkatabi kami ni Mikael. Kinuhanan ko naman siya ng makakain.             “Naks, asawang-asawa,” ang pabulong namang tukso sa akin ni Nico.             “Huwag kang magsimula, Nico,” ang suway ko naman. “Kumain ka na lang.”             “Oo na,” ang pagsuko niya habang pilit na pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Habang kumakain ng hapunan ay napuno ang kusina ng kwentuhan at paghalakhak. Ngayon ko lubos naintindihan kung saan nakuha ni Samantha ang pagkakalog niya. Nakakatuwa ang kanyang mga magulang; lalo na si Mang Kiko.             “Anong pangalan ng lider na nagsabi ng kwak-kwak?” ang tanong ni Mang Kiko sa amin. Natigilan naman kami upang mag-isip. Ano nga ba? Sa totoo lang ay wala akong maisip na sagot sa bugtong ni Mang Kiko.             “Samantha?” ang hula ni Nico kaya natawa kami. “Palagi kasi siyang naka-pout na parang bibe kapag nag-se-selfie.”             “Hoy!” ang reaksyon naman ni Samantha sabay hampas sa braso ni Nico.             “Hindi,” ang tugon naman ni Mang Kiko.             “Wala akong maisip,” ang saad ko dahil sa pagkasiphayo.             “Ako rin,” ang sabi naman ni Mikael sabay kamot ng ulo. Napatingin naman kami kay Xander. Napakibit-balikat lang naman siya sabay abot sa baso ng tubig para uminom habang nakamasid sa amin.             “Suko na?” ang tanong naman ni Mang Kiko. Napatango namman kami. “Ang tamang sagot ay Justin.”             “J-Justin?” ang pag-uulit ko. Napakunot ako ng noo. Hindi ko makuha kung nasaan ang joke sa pangalang ‘yun. “Bakit po Justin?”             “Justin Bibe,” ang tugon ni Mang Kiko. Justin Bibe? Napatingin ako kay Mikael.             “Justin Bieber,” ang bulong niya sa akin.             “Ah,” ang reaksyon ko sabay tawa.             “Hay naku. Hindi talaga mawawala sa magkakaibigan yung slow makakuha ng joke, ‘no?” ang komento naman ni Samantha. Natawa naman sila samantalang napailing lang naman ako. Nang matapos ay nagpresinta kami nila Nico na magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan.             “Huwag na kami na,” ang pagtanggi naman ni Aling Flora. “Mga bisita kayo.” “Isa pa, gawain yan ng mga babae,” ang dagdag ni Mang Kiko.             “Wala naman pong pambabae at panglalakeng gawain sa loob ng kusina,” ang tugon ko naman. “Parte po ng magiging trabaho naming sa hinaharap ang mag-ayos at maglinis sa kusina.”             “Kung sa bagay,” ang komento ni Mang Kiko. “Nag-iiba na ang panahon ngayon. Hindi katulad ng dati. Nakakatakot ang mga pagbabago. At dahil sa dahilang yun, may mga taong nananatili pa rin sa nakaraan. Pero madalas ang pagbabago ay may magaganda ring dulot. Tulad ng Kalayaan para sa iba.”             Napatango naman kami at ngumiti.             “Sige, kayo na muna ang bahala diyan,” ang paalam ni Mang Kiko bago lumabas ng kusina sakama si Aling Flora.             “Do you need help?” ang tanong naman ni Mikael sa amin.             “Hindi na kailangan, Mikael,” ang pagtanggi ko naman. “Kaya na namin ito ni Nico. Samahan mo na lang sila Xander sa labas.”             “Are you sure?” ang tanong niya. Tumango naman ako pero hindi pa rin siya lumalabas. “Mikael, labas na.”             “Sandali lang,” ang sabi niya sabay nakaw ng halik sa aking pisngi. Natigilan naman ako at pinanood siyang lumabas ng kusina.             “Magsusumbong ako kay Xander,” ang komento naman ni Nico. Napakunot naman ako ng noo at napatingin sa kanya.             “Sino bang kaibigan mo?” ang tanong ko.             “Sino bang roommate ko?” ang tanong naman niya pabalik.             “Ah, ganun?” ang reaksyon ko sabay tawa. “Sira ka talaga.” Ipinagpatulog ko naman ang pag-aayos.             “Anong balak niyong gawin pagkabalik natin?” ang tanong naman ni Nico. Tinabihan ko naman siya at kinuha nag isa pang sponge sa gilid ng lababo.             “Hanapin si Blue at subukang kausapin ulit siya,” ang tugon ko habang linalagyan ng sabaon anhg sponge para pabulahin ito. “Yun lang naman ang tanging magagawa namin, eh.”             “Paano kung hindi pa rin siya pumayag?” ang sunod niyang tanong.             “Muli naming susubuhan, Nico,” ang tugon ko. “Habang meron pa rin yung pag-asawang bumalik kami sa dati; hindi naman susukuan. Siguro naman, kapag nalaman niya tungkol sa parusa ng paggamit ng itim na mahika; magbabago ang isip niya.”             “Napaka-misteryoso ng mundong ito, ano?” ang komento niya. “Hindi ko aakalain na totoo ang mga mangkukulam at mga sumpa.”             Napatango ako bilang pagsang-ayon. Pero nag-aalala pa rin ako para kila Mikael at Trisha; hanggang kalian sila magtitiis sa ganitong sitwasyon. Naalala ko ang mga salitang sinambit ni Trisha habang naglalakad kami sa beach kanina.             “Nico,” ang pagtawag ko sa kanya. “Hindi ka ba nalilito sa aming dalawa ni Xander?”             “Nung una,” ang tugon niya. “Mahirap kasing paniwalaan, pero kapag tayo lang ang magkama. Nakikita ko yung paraan ng pananalita at galaw mo. Minsan nga lang nakakalimutan ko na nagkapalit kayo ng katawan lalo na kapag umaarte kang ikaw si Xander. Kuhang-kuha mo. Dapat pala, sa Drama club ka pumunta.”             Natawa naman ako sa komento naman niyang ‘yun.             “Pag-iisipan ko,” ang pagsakay ko sa biro niya.             “Mahal ka talaga ni Mikael, no?” ang out of the blue niyang komento.             “Hindi ko nga inaasahan na yung taong pasekreto kong pinagmamasdan ay boyfriend ko na ngayon,” ang tugon ko. Napangiti naman siya.             “Masaya ako para sa inyong dalawa,” ang saad ni Nico. “Mabuti na lang ay andiyan pa rin si Mikael kahit na ganito ang sitwasyon niyo.”             “At maraming salamat din sa’yo at kay Samantha,” ang pasasalamat ko. “Kasi andiyan pa rin kayo para tulungan kami ni Xander.”             “That’s what friends are for, hindi ba?” ang tugon naman niya. “Halos tatlong taon na tayong magka-roommate, Xavier. At hindi lang hanggang doon ang turing ko sa’yo. Para na kitang kapatid sa ibang magulang.”             “Masaya ako na ganya din ang nararamdaman ko,” ang tugon ko.             “Kaya naman wag mo akong kalilimutang imbitahan ako kapag may okasyon,” ang bilin naman niya.             “Hay, naku. Oo na,” ang pagpayag ko naman sabay tawa. “Ikaw talaga, palagi na lang pagkain ang laman ng isipan mo.”             “Siyempre, food is life!” ang tugon niya. “Wala naman akong girlfriend kaya nakatuon ang atensyon ko sa pagkain.”             “Bakit nga pala wala ka pang girlfriend?” ang tanong ko.             “Kasi, taken ka na,” ang tugon niya sabay tawa. Napa-ikot naman ako ng mga mata.             “Ang lakas talaga ng tama mo, Nico,” ang komento ko sabay wisik sa kanya ng masabon kong kamay. Napaigtad naman siya palayo. “Kinakausap kita ng matino kaya bigyan mo rin ako ng maayos na kasagutan.”             “Kaya ka palaging napagtri-trip-an ng ibang tao,” ang komento naman niya. “Napakaseryoso mo. Wala akong girlfriend kasi wala pa akong nagugustuhan?”             “Eh, si Samantha?” ang tanong ko. “Maganda naman siya at mabait.”             “Maingay, matakaw, at maypagkabaliw,” ang tugon niya. “Baliw din lang ang magkakagusto sa babaeng katulad niya.”             “Nagsalita ang hindi baliw,” ang komento ko sa aking sarili.             “Naririnig kita,” ang sabi niya. “Bilisan na nga natin dito.”             Itinigil nga naming ang pag-uusap at tinapos ang paghuhugas at pagpapatuyo ng mga plato. Napasigaw naman ako nang biglang nawalan ng ilaw.             “Nico, natatakot ako,” ang sabi ko sabay hanap sa kanya.             “Huy, hinay-hinay sa pagkapa,” ang bilin niya. “Baka kung anong makapa mo riyan, magalit pa sa akin si Mikael.”             “Sandali lang,” ang paki-usap ko. “Alam mo namang takot ako sa dilim.”             “Ayos lang na kayo diyan?” ang tanong ng boses ni Aling Flora sabay pasok sa kusina na may bitbit na gasera.               “Ayos lang po kami,” ang tugon naman ni Nico. “May malaking tao nga lang dito na takot sa dilim.”             “Tara na, at saluhan natin ang iba niyong kaibigan sa labas,” ang paanyaya ni Aling Flora kaya naman lumabas kami. Nasa tapat sila ng bahay at nakaupo sa mga bangko. Kaagad naman akong tumabi kay Mikael. Maliwanag sa labas, hindi lang dahil sa gaserang naglalabas ng ilaw, kundi dahil sa liwanag ng buwan.             “The night is lovely, right?” ang tanong niya sa akin habang nakamasid sa kalangitan.             “Yeah,” ang pagsang-ayon ko naman.  Napatingin din naman ako sa kalangitan. Puno ito ng mga tala. Mula sa kinalalagyan naming ay naririnig ko ang ingay mula sa mga laon na humahampas sa dalampasigan.             “Mabuti pa yung mga magjowa, na-e-enjoy ang tanawin,” ang komento naman ni Samantha. “Mas romantic kapag may kasama, no? Kailan din kaya ako magkakaroon?”             “Malay mo naman, yung hinahanap mo ay nasa tabi mo lang,” ang komento naman ni Trisha. Napatingin naman si Samantha at Nico sa isa’t-isa.             “Ah,” ang reaksyon naman nilang dalawa sabay iwas ng tingin.             “Never,” ang komento naman ni Samantha. “Hindi ako magkakagusto kay Nico na wala namang ginawa kundi magbiro at kumain.”             “Look whos talking!” ang reaksyon naman ni Nico sabay tingin sa kanya. “Sa tingin mo magkakagusto ako sa’yo? Hoy, hindi pa bumababa ang taste ko.”             “But Samantha is pretty, too,” ang komento naman ni Trisha.             “At pogi din naman ang kaibigan kong si Nico,” ang dagdag ko naman. “Madalas nga lang gutom.”             “Aba, hindi ko alam kung tunay nga kitang kaibigan, Xavier,” ang saad ni Nico. “Ang ganda na sana, eh; sinira mo pa.”             “Asus, hindi ka na mabiro, ang tugon ko naman. Sa totoo lang, they look good together. Pareho silang kaibigan, at pareho silang may sira. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD