Episode Twenty-eight

1388 Words
Xavier’s Point of View “Trisha,” ang pagtawag ko sa kanya habang naglalakad kami. “Yes?” ang tugon naman niya. “Gusto ko lang itanong kung anong nararamdaman mo sa sitwasyon natin,” ang sabi ko. “Sa totoo lang, hindi ko rin alam,” ang pag-amin niya. “Mahirap… Mahirap, in the sense, na sa tuwing kausap kita, kailangan kong isipin na hindi si Xander ang kausap ko. I’m still in the process of getting used to it.” “Naiintindihan ko,” ang tugon. “Sana nga lang bumalik na ang lahat sa dati.” “Sana nga,” ang malungkot niyang tugon. “Tama na muna ‘yang pag-e-emote niyong dalawa,” ang singit naman ni Samantha. “Kalimutan niyo na muna ang mga problema. Isa sa mga dahian kung bakit tayo narito ay para magsaya.” “She’s right,” ang pagsang-ayon naman ni Trisha.  “Huwag na muna tayong malungkot.” Napatango naman ako at ngumiti. Pinagpatuloy naming ang paglalakad. May ilang batang tumatakbo na aming iniwasan. Habang naglalakad ay pinanood din namin ang mga taong nagsu-surf sa dagat. Ilan pang minuto ay naglakad na kami pabalik. Nadatnan naming ang tatlong nakaupo sa buhangin. Bawat isa ay may katabing surfboard. Seryoso silang nag-uusap habang nakamasid sa mga alon. Naupo naman ako sa tabi ni Mikael. Kaagad naman niya akong inakbayan.   “Anong pinag-uusapan niyo?” ang tanong ko kay Mikael. “Nothing much,” ang bulong naman ni Mikael. “Kinikilala ko lang nang lubusan ang bayaw ko.” “Bayaw?” ang reaksyon ko naman. “Oo,” ang pagkumpirma naman niya. “Doon din naman ang bagsak natin, hindi ba?” “Hindi ba masyadong pang maaga para diyan?” ang tanong ko. “We’re both in the right age to settle down,” ang tugon naman niya habang linalaro ang buhok ko. “Nasa tamang edad ka na rin para anakan kita.” “Mikael,” ang pagtawag ko sa kanya. “Bakit parang habang patagal ng patagal, mas nagiging tuso ka?” “Ayaw mo?” “Hindi naman sa ganun, hindi lang ako sanay,” ang paliwanag ko. “Huwag kang mag-alala, sa’yo lang ako ganito,” ang sabi niya. “Naagahan ka man; maaga ko nang iniisip ang future ko kasama ka.” “Mikael, gaano ka kasigurado sa akin?” ang tanong ko. “Hindi na tinatanong yan, Xavier,” ang tugon niya. “Bakit? Hindi ka pa rin ba sigurado sa akin? Hindi mo nakikita ang future mo na kasama ako?” “Of course, I do,” ang tugon ko naman sabay ngiti. Natigilan naman kami nang may lumapit upang bawiin ang mga surfboard na kanilang rinentahan.   “Tara na muna magpalit,” ang yaya ni Nico. Sabay-sabay naman kaming tumayo at nagtungo sa shower area upang magbanlaw ng katawan at magpalit na rin ng damit. “Uy, halo-halo!” ang reaksyon naman ni Nico nang makita ang ibang taong kumakain sa loob ng isang shop. “Tara muna kumain bago bumalik sa beach.” Wala naman kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. Naupo naman kami at um-order ng halo-halo. “Sa tingin mo, magagawa mo ba ang dessert na tinuro ko kagabi?” ang tanong ko kay Xander nang maalala ang kompetisyon. “I’m sure I can pull that off,” ang tugon naman ni Xander. “I just need to do it again.” “Mabuti pa nga,” ang komento ko sabay tingin kay Nico. “Eh, ikaw Nico? Nakita ko ang pangalan mo sa list of participants. Anong balak mong gawin?” “Hindi ko sigurado,” ang tugon naman niya. “Iniisip ko pa lang yan, parang babaliktad na ang sikmura ko sa kaba.” “Bakit naman?” ang tanong ni Samantha. “Kaya nga napili dahil may kakayahan ka.” “Oo nga naman,” ang pagsang-ayon ko. Sakto namang dumating ang mga halo-halo. “Hindi naman yun ang pinoproblema ko,” ang pagklaklaro ni Nico pagkatapos ay napabuntomg-hininga. “Na-pre-pressure ako kasi kasama ang Montecillo University.” “So?” ang reaksyon naman ni Trisha. “Isa nga silang elite school pero hindi niyon ibig sabihin na mas magaling sila sa atin. Afterall, mga spoiled brat lang naman ang mga nag-aaral doon.” “Trisha, kung sa ibang bagay siguro, mas lamang tayo,” ang tugon ni Nico. “Pero kung iisipin niyo, tungkol sa pagkain ang komepetisyon kung saan kasali ang School of Economics. Maarte at pihikan sila sa pagkain, pwedeng maging advantage yun para sa kanila.” “Sa bagay,” ang saad ni Trisha habang hinahalo ang yelo at mga sangkap ng halo-halo sa baso niya. “But who knows? Hindi naman lahat ng tao ay magkakapareho ng panlasa.” “Gawin niyo na lang ang mga makakaya niyo,” ang komento ni Samantha. “Naniniwala kami sa mga kakayahan niyo.” “Bakit hindi ka pala sumali sa Culinary club?” ang tanong ni Trisha kay Samantha. “Kasali na kasi ako sa Drama Club,” ang tugon naman ni Samantha. Napatango naman si Trisha. “At tsaka, hindi na kailangan si Samantha sa Culinary Club,” ang dagdag naman ni Nico. “Wala naman siyang ibang gagawin kundi kumain.” Natawa naman kaming lahat sa aming narinig. Nagsimula namang magsagutan ang dalawa na mas lalo naming ikinatawa. Nang matapos kumain ay bumalik kami sa beach front. Palubog na kasi ang araw. Unti-unting napalitan ang kulay ng kalangitan. Ang kaninang asul na langit ay may bahid na ng iba’t ibang kulay tulad ng lila, rosas at kahel. Mula kaming nagpakuha ng mga litrato. “Kuhanan ko kayong dalawa ng litrato,” ang sabi naman ni Trisha sa amin ni Mikael. “Huwag na lang,” ang pagtanggi ko. Sa totoo lang ay gusto kong magpakuha ng lirato pero nag-aalala ako na baka may makakitang kakilala naming at mapag-isipan ng kakaiba si Xander at si Mikael. “Are you sure?” ang tanong ni Trisha. Tumango naman ako. “Well, if that’s what you want, then. Group picture na lang.” Pumayag naman ako sa pagkakataong ito. Naki-usap kami sa isa mga tao roon para kuhanan kami ng litrato. “Patingin nga,” ang sabi ni Nico kay Trisha. Ito ang unang beses nilang titignan ang mga litrato. Kapwa naman bumalik ang aming mga mata sa kagiliran. “X-xavier!” ang pagtawag ni Nico. “Halika rito!” Napakunot naman ang noo ko, Napatingin kami ni Mikael sa isa’t-isa. Kapwa naman kami lumapit sa kanila. “T-tignan mo ang mga ‘to,” ang sabi niya. Tumingin naman ako sa screen ng DLSR camera na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan. Ang mga litratong dapat naroon ako ay napalitan ng tunay kong itsura. “P-paano nangyari ‘to?” ang nauutal kong tanong dahil sa pagkagulat. “Hindi ko rin alam,” si Xander. “But let’s take this as a good sign.” “Mabuti na lang ay marami akong nakuhang candid shots niyo ni Mikael na magkasama,” ang komento naman ni Trisha. Napangiti naman ako. “Siguro naman, pwede ko na kayong kuhanang magkasama?” Tumango naman ako at inabot ang camera kay Trisha. Pumwesto nga kami ni Mikael. Kinuhanan naman kami ni Trisha ng litrato. At tama nga ang anging hinala ko, sa larawan ay ang pagkakilanlan ko bilang Xavier ang nakuhanan sa camera. Bago pa magdilim ay bumalik kami ng van upang bumyahe pabalik sa bahay nila Samantha. Gabi na nang makarating naman kami. “Tamang-tama ang dating niyo,” ang komento ni Aling Flora nang buksan niya ang pinto at salabungin kami. “Malapit nang matapos ang linuluto ko. Kamusta naman ang pamamasyal niyo? Nagustuhan niyo ba ang mga tanawin dito sa Baler?” “Oo naman po!” ang halos sbay-sabay naming tugong magkakaibigan. “Mabuti naman kung ganun,” ang komento ni Aling Flora. “Sana maisipan niyo ulit bumalik sa susunod.” Kaagad naman kaming nangako na babalik sa kanila kapag nagkaroon kami ng isa pang pagkakataon. Umaasa ako na sa muli naming pagbabalik ay mas ma-e-enjoy na namin ang aming pamamasyal sa hometown ni Samantha. Natigilan naman kami nang may bagong mukhang pumasok. “Tay!” ang kaagad na pagtawag ni Samantha sabay lapit sa kanya. Nagyakapan ang dalawa. Pinakilala naman niya kami sa kanyang amang si Mang Kiko. “Kagwagwapo’t kay ganda naman ng mga kaibigan nitong si Samantha,” ang komento ni Mang Kiko nang makita ang aming mga mukha. Napatingin naman siya sa kanyang anak. “Sigurado ka bang nabibilang ka sa kanila?” “Tay, naman!” ang reaksyon naman ni Samantha. “Ang ganda ko kaya. Pang-Miss Universe.” “Aling kalawakan ang tinutukoy mo, anak?” ang tukso pa ni Mang Kiko kay Samantha. Natawa naman kami sa aming narinig. Bumulong siya ng malakas kay Samantha, “Tamang-tama, anak. May dala akong lambanog. Alin sa kanila ang gusto mong lahi?” “Tay!” si Samantha. “Hindi pwede, mga taken na ‘yan.” “Ah, siya hindi pa po,” ang turo namin kay Nico. Nanlaki naman ang kanyang mga mata. “W-wala pa po akong balak,” ang pagtanggi naman niya. Mas natawa kami sa naging reaksyon niya. “Nagbibiro lang ako,” ang saad ni Mang kiko. “Pero kung magbabago ang isipan mo, sabihan mo ako. Hindi kayo magugutom. Malaki ang aming bukirin dito sa Baler. Hindi ka rin mauubusan ng isdang makakain. Malapit lang naman kami sa fishport.” “Hindi po ako masyadong kumakain ng isda,” ang komento ni Nico. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD