Xavier’s Point of View
Isang buntong-hininga ang nanggaling mula kay Xander habang naglalakad na kami pabalik sa bahay nila Samantha. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang kanyang nararmdamang pagkasiphayo.
“Xander,” ang pagtawag ko sa kanya. “Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tulad nga ng sinabi ni Aling Bebang, kailangan nating maisalba si Blue para mabigyang solusyon ang ating problema.”
Pinilit naman niyang ngumiti at tumango.
“We’re both in this together,” I reminded him.
“Kalimutan niyo na muna ang problema niyo,” ang singit naman ni Samantha. “Hamak din lang na narito tayo, i-enjoy na muna natin ang pagkakataong makapamasyal. Dadalhin ko kayo sa mga pinakamamagandang tourist spots dito sa Baler.”
Tinapik ko naman ang balikat ni Xander. Magiging maayos din ang lahat. Nang makarating kami sa bahay nila Samantha ay hinanda naming ang aming mga damit na gagamitin sa pamamasyal. Ilang talon at beach ang aming balak puntahan. Nang makapaghanda ay sumakay kami sa van. Si Mikael pa rin ang nakatokang magmaneho samantalang si Samantha naman ang nagbibigay ng direksyon. Isang munting talon ang una naming pinuntahan, kinailangan naming akyatin ang isang batuhan upang makarating dun. Kasunod naman ang rock formations na tunay namang kamangha-mangha. Dahil may angking talento si Trisha sa pagkuha ng mga litrato, siya ang madalas may hawak ng camera. Ilang lamang-dagat naman ang aking nakita sa lugar.
“Mag-ingat kayo, maraming salungo sa bandang parting ito,” ang babala naman ni Samantha.
“Salungo?” ang pag-uulit ni Xander. Hindi ko rin alam kung ano yun. “What’s that?”
“Sea Urchins,” ang pagsalin naman niya ng salitang yun sa wikang Ingles.Ingat na ingat nga ako sa aking pagtapak sa mabatong dalampasigan sapagkat nagkalat ang ilang sea urchins sa paligid.
Nakakamangha ang mga maliliit na isdang lumalangoy palayo sa tuwing tatapak kami sa tubig. Kasama ko si Mikael habang pinagmamasdan ang mga isda.
“Para silang ilaw,” ang komento ko dahil sa tungkad ng kulay ng mga isda.
“You’re brighter than any light I have ever seen,” ang komento naman ni Mikael. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. “Ibibigay ko ang mga tala sa’yo.”
“Mikael,” ang reaksyo ko.
“Seryoso ako,” ang saad niya sabay pakita ng kamay niya. May hawak siyang starfish. Natawa naman ako sa pilit niyang biro. “Ang corny mo, Mikael.”
Sinabayan naman niya ako sa pagtawa.
“Nagwagwapuhan ka pa rin naman sa akin,” ang komento niya. “Hindi ba?”
“Ang yabang,” ang komento ko sabay tingin sa mga rock formation.
“Nakuha ka nga sa isang ngiti lang,” ang tukso niya sabay akbay sa akin. “And I will let you stay with my love. I can’t wait to kiss you. Kung wala lang ang kambal mo; kanina pa.”
“Makakahintay ka pa naman, hindi ba?” ang tanong ko. “Pero maiintindihan ko rin naman kung hindi.”
“Sira ka talaga,” ang sabi niya sabay halik sa ulo ko. “I won’t leave you. Narito lang ako… through thick and thin. I fell in love with your soul. Hindi ba nasabi ko na sa’yo ito ng ilang ulit?”
Napatango naman ako. Sabay naming pinagmasdan ang dagat. Tumatak sa aking isipan ang mga katagang sinambit ni Aling Bebang kanina. “Ang galit ng tao ay parang bagyo; lumilipas.”
“Sana nga,” ang sabi ko sa aking isipan. Naniniwala akong isang mabuting tao si Blue; sana nga lang ay makita rin niya na sa likod ng kagaspangan ng ugali ni Xander, hindi siya masamang tao. Hindi niya ginustong kamuhian ang mga taong katulad namin.
“Tara na sa susunod na papasyalan natin,” ang yaya naman ni Samantha. Bumalik naman kami sa van at muling bumyahe.
“Saan na tayo susunod na pupunta?” ang tanong naman ni Nico.
“Sa Ditumabo,” ang tugon naman ni Samantha. “Mas kilala yun bilang Mother Falls.”
“Why is it called Mother falls?” ang tanong naman ni Xander.
“Ito kasi ang pinakamataas na talon sa Baler,” ang paliwanag naman ni Samantha. Tatlumpung minuto po nga ang ginugol namin upang marating ang lugar na tinutukoy ni Samantha.
“Ihanda niyo na ang mga paa niyo,” ang anunsyo naman ni Samantha. “Kailangan muna nating mag-trek paakyat upang marating ang falls na sinasabi ko. Napatingin naman kami sa isa’t-isa. Ang ideya ng pag-trek ay mukhang hindi maganda. “Wag na kayong mag-inarte diyan! Worth it ang pag-trek natin. Promise!”
“Wala naman na kaming magagawa,” ang komento naman ni Nico. “Tara na.”
“Sandali lang,” ang pagpigil naman ni Samantha. “Siguraduhin niyong wala kayong dalang makakain. Bawal magdala.”
Napatango naman kami. Pagkatapos makapag-rehistro at makapagbayad ng entrance fee ay sinumulan na namin ang paglalakad. Sinundan naman naming ang mga arrow na nakalagay patungo sa falls. May ilang food station kaming nadaanan kaya naman paminsan-minsan ay humihinto kami upang magpahinga. May mga daang sementado at may mga ilog na kailangang tawirin gamit ang improvised bridge na gawa sa kawayan.
“Yun na ba ‘yun?” ang tanong ni Nico sabay turo sa isang talon. “Parang hindi siya ganun katas.”
Tumawa naman si Samantha.
“Hindi pa yan ‘yun,” ang paliwang ni Samantha. “Falls Alarm ang tawag diyan.”
“Wait, what?” ang natatawang reaksyon ni Xander.
“Falls alarm, kasi maraming taong nagkakamali,” ang paliwanag naman ni Samantha. Natawa naman kaming lahat sa naging pangalan ng talon. Kung sa bagay, may point naman talaga. “Pero kung pagod na kayo, pwede namang diyan na lang tayo.”
“Nope,” ang pagtanggi naman ni Mikael. “Mukhang mas maganda sa Mother falls. I searched it a while ago.”
“Mas maganda pa kay Xavier?” ang tukso naman ni Nico. Nakakahiya.
“Walang mas gaganda pa kay Xavier,” ang tugon naman ni Mikael. “Inside and out.”
“Asus!” ang reaksyon naman ni Nico sabay tawa. “Ang harot!”
“Are we there yet?” ang tanong naman ni Trisha, halatang pagod sa aming kalalakad.
“Malapit-lapit na,” ang tugon naman ni Samantha.
Hindi nga nagtagal ay naririning na nila ang tunog na nagmumula sa Ditumabo Waterfalls. Isang napakagandang tanawin ang kanilang natunghayan. Isang talon at sa baba nito ay isang maliit na lawa. Napakalinaw ng tubig.
“Wow! Ang ganda naman dito!” ang ekslamasyon naman ni Nico. “Tara sa tubig!”
“Mauna na kayo, babantayan ko ang mga gamit niyo habang kumukuha ng litrato,” ang sabi naman ni Trisha.
“Are you sure?” ang tanong ni Xander. “Samahan na muna kita.”
“Wag na,” si Samantha. “Ako na. Hometown ko naman ito kaya palagi akong narito. Enjoy-in niyo na habang narito pa tayo.
Tumango naman si Trish. Pumasok naman kami sa tubig. Kaagad kong naramdaman ang lamag ng tubig. Hinawakan naman agad ni Mikael ang kamay ko. Naramdaman ko ang init ng kamay niya.
“Ang lamig ng tubig,” ang komento ko. Napangiti naman siya.
“Masasanay ka rin mamaya-maya,” ang tugon naman ni Mikael. Ramdam nila ang lakas ng hangin mula sa talon.
“This is so refreshing,” ang sabi ni Xander na medyo malapit sa amin. Kasama niya si Trisha. Napatingin ako sa paligid. May mga taong nagpupunta sa gilid ng talon upang akyatin yun at tatalon sa tubig.
“Mukhang masayang gawin yun,” ang sabi ni Mikael. “Tara?”
“Ayoko,” ang pagtanggi ko naman.
“Bakit naman?” ang tanong niya. “Natatakot ka ba?”
“H-hindi naman sa ganun,” ang tugon ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng tubig o dahil sa kaba kaya ako nauutal.
“Are you afraid of heights?” ang sunod niyang tanong.
“Hindi rin.”
“Bakit nga?”
“Hindi ako marunong lumangoy,” ang paliwanag ko. “At tsaka, mukhang malalim sa parteng ‘yun, Mikael. Nakakatakot.”
“Nagawa mo ngang mahulog sa akin,” ang komento niya. I felt butterflies in my stomache when I heard that. “Mahulog pa kaya sa tubig? Xavier, huwag kang mag-alala. Huwag kang matakot. When you fall down, I will be there, waiting to catch you.”
“Yung talon pa rin ba ang pinag-uusapan natin?” ang tanong ko. Bigla naman siyang natawa.
“Sa buhay mo…. sa bawat desisyong gagawin mo… at sa mga lugar na gusto mong puntahan,” ang paliwanag niya. “At siyempre, sa talon. Mauna akong tatalon. Ikaw naman ang susunod. Okay ba yun?”
Tumango naman at ngumiti. Inalalayan naman niya ako patungo sa gilid ng talon. Inakyat naming yun at hinintay ang aming pagkakataon.
“Handa ka na ba?” ang tanong niya sa akin, sumasayaw ang mga hibla ng kanyang buhok sa lakas ng hangin na nagmumula sa talon. Tumango naman ako. Pinanood ko siyang tumalon sa tubig. Pagkalipas ng ilang segundo ay lumitaw siya mula sa tubig. “Xavier! Any time you’re ready!”
Napalunok naman ako. Hindi naman kataasan ang tatalunin ko, mas natatakot ako sa lalim ng tubig na tatalunan ko. Napapikit ako sabay talon sa tubig. Kaagad kong naramdaman ang malamig na tubig. Hindi nga ako nagkamali, malalim nga ang parteng yun. May mga kamay na kumuha sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang maramdamang wala na ang ulo ko sa tubig.
“Kamusta?” ang tanong niya sa akin nang makarating kaming dalawa sa mababaw ba parte ng munting lawa. “Na-enjoy mo ba?”
“Hindi naman pala masyadong nakakatakot kapag kasama kita,” ang komento ko naman. Isang ngiti naman ang iginanti niya.
“Hindi ka dapat matakot kapag kasama mo ako,” ang komento naman niya. Kapwa naman kami napatingin sa isang babaeng nakamasid sa amin sa malapit.
“Ang popogi nga pero pogi din ang hanap,” ang komento naman ng babae. Napakunot naman ako ng noo. “Ano bang nangyayari sa mundo?”
“Kung wala kang sasabihing maganda, wag ka na lang magsalita,” ang singit naman ng isa pa. Umalis naman ang intrimitidang babae. “Huwag niyo siyang pansinin. May mga tao talagang makikitid nag utak, at may mga taong hindi makakaintindi.”
“Salamat po,” ang tugon naman ni Mikael.
“Hindi yun maiiwasan pero aalahanin niyong may mga taong suportado kayo,” ang dagdag pa ng mabait na babae. “At kahit kailan, walang problema sa inyo.”