Xavier's Point of View
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Soccer field. Tirik ang araw at ramdam ko ang init. Direkta kasing tumatama ang sinag ng araw sa aking balat.
“Ang init,” ang reklamo ko naman. “Ano na bang gagawin natin dito?”
“Kumuha ka ng bola sa locker room,” ang utos niya sa akin.
“Teka, bakit ako,” ang reaksyon ko naman.
“Kasi ikaw ngayon ang Captain ng Soccer Team,” ang tugon naman niya. Napabuntong-hininga naman ako at nagsimulang maglakad. “Sandali lang, samahan na kita.”
Humabol naman siya at sinabayan ako sa paglalakad. Sa kalayuan ay natanaw ako ang isang pamilya na pigura. Si Mikael. Hindi niya kami pwedeng makita!
“Xander!” ang pagtawag ko sa kanya sabay kuha sa kanyang braso. Hinila ko siya papunta sa likod ng halamanan upang magtago mula sa mga mat ani Mikael.
“What the hell?” ang reaksyon naman niya. “Anong ginagawa mo?”
Hindi ko naman siya pinansin, bagkus ay tinulak ko ang ulo niya pababa. Pagkatapos ng ilang saglit ay sumilip ako. Pinanood ko si Mikael lumakad palayo. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nang makalayo na siya ay halos sabay kaming tumayo. Nauna naman siya sa akin kaya sumunod naman ako.
“Xavier!” ang pagtawag ng isang boses. Kapwa kami natigilan ni Xander at sabay napalingon. Si Nico. Kaagad naman siyang lumapit sa akin.
“Ikaw lang pala, akala ko naman kung sino,” ang komento ko. “Bakit ka nga pala andito?”
“Ah, nakalimutan ko yung notes ko sa locker room,” ang tugon naman niya. “Eh, kayo? Anong binabalak niyong gawin?”
“May free time ka ba?” ang tanong naman ni Xander sa kanya. Napakunot naman ng noo si Nico.
“Ngayon na?” ang tanong pabalik ni Nico. Tumango naman si Xander. Napatingin si Nico sa kanyang orasan. “May dalawang oras akong libreng oras bago ang susunod kong klase. Bakit?”
“Let’s play,” ang yaya naman ni Xander sa kanya. Napatingin naman sa akin si Nico. Napakibit-balikat naman ako. Pumayag din naman si Nico. Sabay kaming tatlong pumasok ng locker room. “Wear this.”
Inabot naman sa akin ni Xander ang isang pares ng uniporme. Kinuha ko naman yun at nagsimulang magpalit. Nang makapag-ayos ay kinuha ako ang sunblock mula sa aking bag at pinahid sa aking mga braso at binto.
“Is it me or you’re vainer than me,” ang komento naman ni Xander sa akin.
“Hindi ako vain,” ang argyumento ko naman. “Gusto ko lang alagaan ang sarili ko, masama ba yun?”
Binigay ko naman sa kanya ang sunblock.
“Maglagay ka niyan kung ayaw mong mamula at magka-sunburn,” ang komento ko. Wala naman siyang nagawa kundi maglagay nga ng sunblock. Nang makapagpalit kaming tatlo ay nagtungo kami sa Soccer field.
“Una sa lahat, kailangan mong matutunan ilang importanteng skills,” ang pagsisimula niya. “Uhm, heto.”
Linapag naman niya ang bola sa lupa.
“Ipasa mo sa akin,” ang bilin niya.
“Paano?”
“Well, kick it obviously,” ang sarkastiko niyang tugon. Sinipa ko naman ang bola patungo sa kanya. Sinalo naman niya ito gamit ang kanyang mga paa. At drinibble yun bago sinipa ulit papunta sa akin. Nasalo ko naman yun. Ewan ko ba, naging madali na lang sa akin ang mga basic skills na tinuturo sa akin ni Xander. Siguro nga dahil pamilyar naman ang katawan ni Xander. “Let’s play a real game.”
“Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. “Seryoso ka ba?”
“Mukha ba akong nagbibiro?” ang tanong naman niya pabalik. “Eh, tatatlo lang tayo.”
“Pwede akong sumali?” ang tanong ng isang pamilyar na tinig. Napalingon naman kaming tatlo.
“M-Mikael!” ang sabay naming reaksyon ni Xander nang makita siyang dalawa. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng inis nang makita siya.
“A-anong ginagawa mo rito?” ang tanong ni Xander. Ngumiti naman si Mikael.
“Nagkataong nakita ko kayong tatlo rito sa field. Pero sa totoo lang, nakita ko kayo kaninang pumasok sa locker room,” ang paliwanag niya. “Iniiwasan mo ba ako?”
Sa pagtanong niya at kinurot niya ang ilong ni Xander. Hindi ko naman siya masisisi; ang akala niyang ako ay ang kapatid ko pala. Nakakainis. Napatikhom naman ako. Natauhan naman si Xander na nakatitig lang kay Mikael. Hinawi naman ni Xander ang kamay ni Mikael.
“Bakit naman kita iiwasan?” ang masungit na tanong ni Xander. “At bakit ko naman kailangang makipagkita sa’yo?”
Napakunot naman ng noo si Mikael sa sinabi ni Xander.
Pasimple ko naming hinampas si Xander sa likod. Napatingin siya sa akin. Napataas naman ako ng kilay.
“What I meant was- I, uh, Baka busy ka,” ang pilit na bigay ni Xander ng dahilan. “Er, pwede naming hindi tayo magkita kung hindi naman importante.”
“Sinong nagsabing hindi ka importante?” ang tanong naman ni Mikael kay Xander. Pumagitan naman ako sa kanilang dalawa at tinulak palayo si Mikael. Nagseselos ako; kainis!
“What’s your problem?” ang seryoso namang tanong ni Mikael sabay titig sa akin.
“Lumayo ka sa kanya,” ang nasabi ko dahil sa inis.
“At sino ka ba sa buhay niya para palayuin mo ako?” ang seryoso pa rin naman niyang tanong. Gustong-gusto kong sabihin na ako ang kausap niya at hindi si Xander… na nagkapalit kami ng katawan ng kambal ko. Napabuntong-hininga naman ako at umiling.
“Maglaro na lang tayo,” ang singit naman ni Nico sabay hila sa akin palayo. “Magkakampi kami ni Xav-este, ni Xander.”
“Kumalma ka,” ang bulong sa akin ni Nico. Napabuntong-hininga naman ako. Ayoko ng nararamdaman ko ngayon. I’m so confused.
Xander's Point of View
I’M so confused. Why is my heart beating this fast? At bakit kahit anong gawin ko ay hindi ko maalis ang titig ko kay Mikael? Why am I acting this way?
“Xavier,” ang pagtawag sa akin ni Mikael. “Hindi ko alam na magkakilala kayo ni Xander.”
“K-kailangan ko bang sabihin sa’yo?” ang nauutal kong tanong.
“Okay ka lang ba?” ang tanong niya sa akin. “Parang iba ang kinukilos mo ngayong araw.”
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.
“Hey,” ang pagtawag niya sa akin sabay hawak sa balikat ko. I jolted by his touch. Hinawi ko naman ang kamay niya mula sa balikat ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko. “Xavier, may problem ba tayo?”
“W-wala,” ang tugon ko naman sabay lapit kila Xavier at Nico. Tinulak ko naman si Xavier palapit kay Mikael. “Kayo ang magsama.”
Nagkatinginan naman silang dalawa; kapwa nagtataka sa akin. Hindi nagtaga ay sinimulan naming ang laro. Madali akong hiningal sa pagtakbo pero ramdam ko ang gaan ng katawan ni Xavier. Hindi naging masama ang naging laro ko pero hindi ito sapat para pantayan kahit man lang si Mikael o si Nico man lang. Kailangan kong magcardio work-out man lang.
Si Xavier?
His skills are awesome, hindi na ako nagulat pa pero kailangan niya pang ayusin ang judgement skills niya at timing na sa tingin ko ay maaayos din pagkatapos ng ilan pang laro. Napaupo ako sa bench dahil sa pagod. Lumapit naman sa akin si Mikael. Ano bang problema ng taong ito at lapit siya ng lapit sa akin? Pilit niya akong inabutan ng bote ng tubig.
“Meron na,” ang pagtanggi ko sabay pakita sa kanya ng tumbler na dala ko. Napatingin naman siya rito. Napatingin naman siya sa akin; naramdaman ako ang lamig at pagtatanong sa kanyang mga mata.
“Hindi ba kay Xander yan?” ang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa hawak kong tumbler.
“A-akin to,” ang tugon ko. Why do I feel so defensive though? Mabagal naman siyang tumango bago tuluyang umalis nang walang paalam. Napakibit-balikat na lamang ako sa kinikilos ng Mikael na yun. Daig niya pa ang isang nagseselos na boyfriend. I just shrugged.
Xavier's Point of View
Pagkatapos ng laro ay parang bulang nawala si Mikael. Hindi ko na siya makita sa paligid. Nang tanungin ko si Xander ay umalis na raw siya. Bumalik naman kaming tatlo sa locker room upang makapagpalit. Dinala ko naman si Xander sa Cooking Club. Mabuti na lang ay walang tao.
“Anong gagawin natin?” ang tanong naman niya. Napatingin naman ako sa paligid.
“Uh, ang una nating gagawin; gusto kong sabihin mo ang pangalan ng bagay na ituturo ko,” ang paliwanag ko. “Kailangan mo ring sabihin sa akin kung para saan ang gamit na yun.”
“Okay,” ang simple naman niyang tugon. Tumingin ako sa paligid at nagsimulang magturo ng mga gamit sa paligid.
“Cooking Range,” ang sabi niya nang itinuro ko ang isang gamit sa kusina. “Restaurant Range to be exact. “Most versatile equipment. As the name implies, it has various functions.”
Napangiti naman ako at tumango bilang tanda na tama ang mga sinabi niya. Sa tingin ko naman ay hindi magiging problema ang pagmemorya sa kanya. Ilan pang kagamitan ang itinuro ko at napangalanan niya. Kumuha naman ako ng isang set ng kutsilyo at ilang gulay.
“Ngayon naman, kailangan mong hiwain ang mga ito,” ang pagsisimula ko. “Sasabihin ko kung anong klaseng hiwa, tapos gagawin mo.”
Tumango naman siya. Nagsimula naman kami. Pinanood ko siya sa kanyang ginagawa. Mula sa klase ng kutsilyo na kailangan niyang gamitin at kung paano niya ito gawin. Sa gitna ng aming ginagawa ay nagbukas ang pinto. Natigilan naman kami at napalingon. Ang president ng aming club. Si Ate Sheena. Natigilan naman siya ng makita kaming dalawa.
“X-Xavier,” ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunti hindi siya nakatingin sa akin. “Bakit narito ka?”
Napatingin naman sa akin si Xander.
“I, uh, volunteered to help with some of your activities,” ang panggagaya ko sa pamamaraan ng pananalita ni Xander. “Tinuturuan ako ni Xavier.”
“Oh,” ang gulat niyang reaksyon. “Pasensya na pero hindi halata na interesado ka sa pagluluto.”
“It pays to learn new things,” ang nakangiti ko naming tugon.
“May kukunin lang ako, hindi ko na kayo gagambalain sa da-, este, sa ginagawa niyo,” ang sabi naman niya bago kinuha ang isang kahon. “Enjoy!”
Kapwa kami kumaway habang pinapanood siyang umalis.
“What the heck, Xavier!” ang bigang galit na reaksyon ni Xander kaya napatingin ako sa kanya.
“Problema mo?”
“Bakit mo sinabing gusto kong magtutong maluto?” ang galit pa rin niyang tanong. Napakunot naman ako ng noo.
“Hindi ko rin namang gustong maglaro ng Soccer, just so you know,” ang paalala ko sa kanya. “At isa pa, ako ba ang dahilan kung bakit tayo na sa sitwasyong ito? Hindi ba ikaw naman? Kaya wala kang karapatang mag-reklamo diyan!”
Natameme naman siya sa mga sinabi ko. Minsan talaga, nakaka-ubos ng pasensya ang ugali ni Xander. Tumango naman siya at pinagpatuloy ang paghihiwa. Napailing naman ako. Hindi na naging masama ang mga gawa niya.
Dumaan pa ang ilang araw ay patuloy naming inaaral ang katauhan ng isa’t-isa. Madalas ay magkasama kami na napapansin ng marami. Wala naman akong magagawa. Maraming tao ang aming pilit na iniwasan. Kahit sa klase niya ay wala akong kina-usap. Maliban na lamang sa isang babae; ang girlfriend niya. Nalaman kong hindi na sila madalas mag-usap. Si Trisha. Maganda siya. Makinis ang balat, payat at matangkad din tulad ng Xander. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin sa tuwing andyan si Trisha. Nagkaayos na kasi sila ni Xander nung isang araw kaya namomoblema ako ngayon.
“Babe,” ang pagtawag sa akin ni Trisha nang pumasok sa klase sabay upo sa tabi ko. “Nood naman tayo ng movie. Ang tagal na nating hindi pumunta sa sinehan.”
Napa-isip naman ako saglit. I guess it won’t hurt. Tumango naman ako sabay ngiti. Bigla naman niya akong hinalikan sa pisngi. Tinuon ko ang tingin ko sa binabasa kong libro. Kailangan kong magbasa ng mga libro ni Xander para maintidihan ko ang ibang lessons.
“By the way,” ang pagbasag ni Trisha sa katahimikan. “I heard may bago kang kaibigan.”
“Huh?” ang reaksyon ko sabay tingin sa kanya.
“Uhm, galing daw sa School of Home Economics,” ang tugon niya. Ako, sa hula ko, ang tinutukoy niya. Bigla ko namang naalala si Nico.
“Ah, si Nico,” ang tugon ko. “Member din siya ng Soccer Team.”
“Siya ba yung kasama mo sa cooking club nung isang araw?” ang tanong naman niya.
“Sinong nagsabi sa’yo?” ang tanong ko naman.
Umiling lang naman siya sabay sabing, “May pakpak ang balita.”
Si Ate Sheena talaga! Kahit kalian ay napaka-tsismosa niya.
“Hindi naman siguro masama?” ang reaksyon ko.
“Yeah,” ang hindi niya siguradong pagpayag. “Pero… it’s not like you at all. I mean, siguro sa ibang bagay… pero ang pagluluto? Hindi ba you hate it?”
Natigilan naman ako.
“People can change,” ang tugon ko. She just shrugged. Kapwa kami natigilan nang may makitang pamilyar na mukhang pumasok sa klase. Pinanood naming siyang maglakad patungo sa pinakalikod ng silid-aralan. Si Blue.
“Excuse me,” ang paalam ko kay Trisha sabay tayo. Lumakad naman ako patungo sa kina-uupuan ni Blue na kasalukuyang nakatitig sa labas ng bintana. Tumikhim naman ako para makuha ang kanyang atensyon. Napalingon naman siya sa akin. “Pwede ba tayong mag-usap?”
Napatingin naman siya sa paligid na ginaya ko. Ang lahat ay nakatingin sa aming dalawa. Muli ko siyang tinignan.
“Please,” ang paki-usap ko. Napabuntong-hininga naman siya at tumango. Tumayo siya at sinundan ako patungo sa rooftop ng gusaling yun. Huminto kami nang nasa gilid kami na kami ng rooftop. Pinagmasdan naming ang malawak na soccer field at mga tao sa ibaba.
“Kung hihilingin mong tanggalin ang sumpa,” ang pagsisimula niya kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi ko yun gagawin.”
“On behalf of Xander, I apologize for all the pain he has caused you,” ang paghingi ko ng patawad sa kanya. “Simula nung medyo bata pa kami, ganun lang talaga ang ugali niya.”
“And you tolerate it,” ang tugon naman niya. “Xavier, ramdam ko na katulad kita.”
Tumango naman ako bilang pag-amin.
“Bakit hindi mo turuan ang kapatid mo?” ang tanong niya. “To not hate us.”
“Hindi madaling bagay ang hinihiling mo, Blue,” ang argyumento ko. “Matigas ang ulo ni Xander at hindi siya nakikinig sa ibang tao. Lalo na sa akin.”
“Pwes, kailangan niyang matuto sa ibang paraan,” ang tugon naman niya.
“Blue, wala akong kinalaman sa naging away niyo,” ang sabi ko. “Pero bakit nadamay ako?”
“Hindi ko alam kung anong nangyari,” ang paliwanag naman niya. “Maniwala ka man o hindi, hindi ko intensyon na idamay ka. Pero kailangang turuan ng leksyon ang kapatid mong rumespeto ng ibang tao. Pasensya ka na Xavier, maiwan na kita.”
Aalis na sana si Blue nang matigilan siya. Napatingin naman ako. Si Trisha. Nakarehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. Narinig niya kaya ang pinag-usapan naming ni Blue?
“Kararating ni Ma’am,” ang sabi ni Trisha. “Kailangan niyo nang bumalik sa klase bago siya mag-check ng attendance.”
Kapwa naman kami tumango ni Blue. Nauna nang umalis si Blue nang hindi nagpapaalam. Lumapit naman sa akin si Trisha sabay angkla ng kanyang kamay sa aking bisig. Hinayaan ko na lang siya. Sinimulan naming maglakad.
“Anong pinag-usapan niyo ni Blue?” ang tanong niya. Hindi ko maiwasan ang mataranta dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
“Yung tungkol sa nangyari sa party,” ang tugon ko naman. “I feel sorry.”
Napangiti naman siya at tumango.
“After ng movie, bilhin natin yung paborito kong pabango,” ang yaya niya. “Yung binigay mo nung birthday ko.”
Pinilit ko naming ngumiti at tumango. Bumalik kami sa silid-aralan. Mabilis kong sinulyapan si Blue na ngayon ay nakatitig na sa labas.