Episode Eight

2161 Words
Xavier's Point of View     “Bakit nga pala kailangan kong lumiban sa klase bukas?” ang tanong ko sa kanya.     “Kailangan nating i-orient ang isa’t-isa sa ating mga dapat gawin,” ang paliwanag naman niya. “Ipakilala sa isa’t-isa ang mga taong kailangan nating kausapin at kailangang iwasan.”     Tumango naman ako.     “Nagugutom ka na ba?” ang tanong naman niya. Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Alas-otso na pala ng gabi.     “Medyo,” ang tugon ko naman.     “Dumaan muna tayo sa restaurant bago dumeretso ng dorm,” ang suhestyon niya. Tumango lang naman ako. Nagpark siya sa tapat ng isang fast food restaurant.  Bumaba kami ng sasakyan. Pinanood ko siyang dala ang bag niya. Nakakapagtaka. “Anong gusto mong kainin?”     “Libre mo ba?” ang tanong ko naman.     “Oo na,” ang pagpayag naman niya.     “If I know, mas malaki ang binibigay sa’yo nila Mommy at Daddy,” ang komento ko.     “You just don’t know how to play your cards,” ang argyumento naman niya.     “I don’t have the aces, Xander,” ang komento ko naman pabalik.     “Napa-clueless mo, Xavier.”     Napakunot naman ang noo ko. Ayoko na lang pag-aksayahan ng panahon at enerhiya ang kung ano mang ibig niyang sabihin. Napatingin na lang ako sa menu at sinabi kaaagd kay Xander ang mga napili kong pagkain.     “Seryoso ka?” ang tanong naman niya sa akin. “Hindi ka ba natatakot tumaba?”     “Hindi,” ang tugon ko. “At isa pa, libre.”     Napa-ikot naman ako ng mga mata at iniwan siya para maghanap ng mauupuan. Naupo ako sa pinakadulo at hinintay si Xander. Bitbit niya ang pagkain namin. Naupo naman siya sa tapat ko. Nagsimula kaming kumain.     “You better start thinking of your schedule this week,” ang bili niya sabay labas ng kuwaderno niya mula sa bag. Nagsimula naman siyang magsulat pagkatapos kumagat sa burger na hawak niya. Ngayon ko lang nalaman na organized din pala siyang tao. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. “Anong ginagawa  mo? Hindi ba sinabi ko naman sa’yo na maghanda ka.”     “Hindi ko dala ang bag ko,” ang tugon ko naman. Napailing naman siya at kumuha ng isa pang kuwaderno mula sa bag niya at inabot sa akin. Bukod pa dun ay inabutan niya ako ng ballpen. Sinimulan ko namang isulat ang class schedule ko.     “Xavier,” ang pagtawag niya sa akin. “Kung tapos ka nang kumain; ituloy na lang natin ‘to sa dorm.”     “Mabuti pa nga” ang pagsang-ayon ko. Sabay naman kami tumayo at lumabas ng restawrant.     “Kailangan mong matulog nagyong gabi sa kuwarto ko sa dorm,” ang sabi ni Xander pagkasakay namin sa sasakyan.     “Ha?” ang reaksyon ko naman. “Eh, alam naman ni Nico ang totoo.”     “But my roommate doesn’t,” ang tugon naman niya. Oo nga pala.     “Sige pero kailangan ko munang kunin ang ilang gamit ko” ang tugon ko. Tumango naman siya. Pagkarating namin sa dorm ay dumeretso kami sa kuwarto ko; nadatnan namin dun si Nico. Natigilan naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa amin.     “So…” ang pagsisimula niya. Sabay naman kaming napa-iling ni Xander.     “Epic fail,” ang tugon ko sabay upo sa gilid ng kama ko.     “Ano bang nangyari?” ang tanong niya.     “Ayun mas lalong ginalit ni Xander si Blue,” ang tugon ko.       “Kunin mo na ang kailangan mong kunin,” ang komento naman ni Xander. Tumayo naman ako at kinuha    ang isang pulang kahon at inabot kay Xander. “What’s this?”     “Skincare,” ang tugon ko. “Pagkatapos mong maghilamos, gamitin mo to”     “Geez, it’s so troublesome,” ang komento naman niya.     “Hindi ako katulad mo na gwapo,” ang naiinis kong tugon. Kinuha ko naman ang Macbook ko sa mesa. Nagpaalam naman ako sa dalawa at lumabas ng kuwarto nagtungo ako sa panglimang palapag kung nasaan ang kuwarto nila ni Jace. Nasa pintuan na ako nang matigilan ako. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Mabagal naman akong pumasok. Nadatnan ko si Jace na naka-upo sa study area niya; abala sa kanyang laptop. Dumeretso naman ako sa study area ni Xander. Itinabi ko ang Macbook niya at ilang gamit sa mesa. Binuksan ko naman ang aking sariling Macbook at nagsimulang gumawa ng presentation. Inuna kong gawin ang schedule ko.     “Xander,” ang biglang pagtawag sa akin ni Jace. Napatingin naman ako. Sinilip naman niya kung anong ginagawa ko. “Can I borrow a data cable connector?”     Inabot ko naman ang data cable ni Xander na nakita ko sa mesa. Ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa. Mahigit isang oras ko rin yung ginawa. Nang matapos ay nagtungo ako sa banyo upang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Dumeretso naman ako sa kama. Dala sigiro ng pagod ay kaagad naman akong nakatulog.     Kinabukasan ay nagising ako nang may umaalog sa akin.     “Xander, gumising ka na. Malalate ka sa klase kapag hindi ka pa bumangon diyan,” ang komento ng isang boses.     “Hindi ako si Xander,” ang tugon ko naman.     “Anong nakain mo?” ang tanong naman niya. Naalala ko naman ang nangyari at napagtanto ko na si Jace ang gumigising sa akin.     “Hindi ako papasok ngayon. I feel sick,” ang pilit kong pangagaya sa pananalita ni Jace. Napaupo naman ako.     “I see,” ang tugon naman ni Jace. “Do you want me to call your girlfriend?”     “No!” ang matigas kong pagtanggi. “Ang ibig kong sabihin; baka mahawa siya kaya wag mo siyang papuntahin dito.”     “Chill, dude” ang komento naman niya. “Papasok na ako; malapit nang mag-9am.”     Pinanood ko naman siyang lumabas ng kuwarto. Kinuha ko naman ang phone ko sa side table.     “s**t,” ang mura ko nang makita ang pangalan ni Mikael sa pagitan ng mga natanggap kong notifications. Naalala ko nga pala na susunduin niya ako bago mag-alas otso ng umaga. Kaagad ko namang binuksan ang text messages niya.     “Xavier, may problema ba tayo?” ang tanong niya. Ano na namang ginawa ni Xander?? Sunod kong binasa ang kasunod na text message. “Bakit dinaanan mo lang ako at hindi pinansin?”     Napabuntong-hininga naman ako. Hindi nga pala alam ni Xander ang tungkol kay Mikael. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya ang kung anong meron sa aming dalawa.     “Sorry, Mikael. Nakalimutan ko at hindi kita namukhaan kaninang umaga. Uhn, bagong gisingin din kasi ako,” ang pinadala kong rason. Ayokong magsinungaling sa kanya ngunit wala akong ibang pagpipilian. Sana gumana ang pagsisiningaling ko ngayon. Hay, Xander. You’re the living embodiment of the word: Chaos.     “Its fine,” ang tugon naman niya. “Sabay tayong mag-lunch?”         “Hindi ako pwede ngayong araw” ang komento ko naman. “I have plans.”             “No problem. Just text me when you’re free.”     Bumaba naman ako at nag-inat. Mabilisan akong pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan at maghanda. Darating na si Xander sa ano mang oras. Nang matapos ay napatingin muli ako sa paligid; lalo na sa mga libro sa shelf niya. Natigilan naman ako nang may kumatok. Binuksan ko ang pinto. Si Xander. Kaagad naman siyang pumasok ng kuwarto ko. Hinintay ko naman na banggitin niya si Mikael; bagkus ay naupo siya sa gilid ng kama. Nagkatinginan naman kaming dalawa. Napakunot naman ang noo ko.     “Let’s start,” ang sabi niya.     “Pwedeng kumain muna ako?” ang komento ko naman. Napa-iling naman siya at tumayo. Pinanood ko siyang buksana ng mini fridge sa kuwarto. Naglabas siya ng isang karton ng gatas at pinatong sa maliit na mesa.     “Ito ang kainin mo,” ang sabi niya sabay abot nang cereals sa akin.     “Seryoso? Hindi ako mabubusog nito,” ang komento ko.     “Katawan ko yan; kailangan mong alagaan,” ang tugon naman niya. Kinuha naman niya ang kamay ko at binigay ang karton ng cereals. Napabuntong-hininga naman ako at sumunod. Pinanood ko naman siyang kunin ang Macbook niya sa study table bago may prinint out. Tumabi naman siya sa akin at inabot ang papel na hawak niya. Sa pagitan ng aking pagsubo ay tinignan ko ang linalaman.     “Hindi ko inasahan na ganito ka ka-organisado,” ang komento ko habang tinitigan ang schedule niya.     “Hinuhusgahan mo ako,” ang nakasimangot niyang komento. Napakibit-balikat naman ako. May mga klase siya na pareho sa akin kaya pwede kong pasukan. Problema ko na lang ang mga major subjects niya. “Eyes on the screen.”     Napatingin naman ako sa screen ng laptop niya. Sinimulan niyang ipakilala ang mga taong kailangan kong makahalubilo at mga kailangang iwasan. Hindi na ako nagalat na magaling siya sa pagpapaliwanag. Gwapo si Xander, at matalino. Perpekto. Hindi na ako nagtataka na mas pinapaburan siya nila Mommy. Natauhan naman ako nang bigla niyang hinampas ang ulo ko ng hawak niyang papel.     “Xavier, focus,” ang utos niya. “Nakasalalay ngayon ang reputasyon ko sa mga kamay mo; don’t mess up.”     Napangiti naman ako.         “I will if you promise me one thing,” ang tugon ko. Napakunot naman siya ng noo ngunit hindi tumanggi kaya itinuloy ko ang susunod na mga sasabihin ko. “Magiging maayos ang pakikitungo mo sa akin at hindi ka aarteng mas nakakataas sa akin.”     “Fine, pero hindi mo pa rin maalis na Kuya mo ako” ang argyumento naman niya.  “Tapusin mo na yang kinakain mo nang makapagsimula ka na rin sa mga kailangafin mong ipakita sa akin. Pupunta pa tayo sa Soccer field.”     “S-soccer field?” ang naguguluhan kong tanong. “Para saan?”     “Baka nakakalimutan mong ako ang Team Captain ng Soccer team. Since, ikaw ang nasa katawa ko; ikaw ang pupunta sa Soccer Field. I’ll just teach you the basics.”     Napabuntong-hininga naman ako.     “Kung ganun din lang; pagkatapos natin sa soccer field, pumunta tayo sa Cooking club,” ang komento ko. “Tuturuan din kita kung paano magluto. At least, sumunod man lang sa recipe book.”             “Okay. Fine,” ang pagsuko naman niya. “I wonder why you keep on doing these sissy things.”             “Sissy?” ang reaksyon ko. “Walang kasarian ang pagluluto. Ikaw at yang toxic mascunility mo; sobrang lala!”             “Yan ang rason kung bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend,” ang komento naman niya.             “Yan ang rason kung bakit maraming na-tuturn off sa’yo” ang bulong ko naman sa aking sarili.             “Ano?” ang tanong naman niya.             “Wala,” ang tugon ko sabay iling. “Pwede na ba akong magsimula?”             Tumango naman siya. Kinuha ko naman ang sarili kong Macbook at pinakita sa kanya nag mga taong kailangan niyang makasalamuha. Kapwa kami natigilan nang Makita ang susunod na slide ng presentation ko. Ang mukha ni Mikael. Kinuha ko ang isa sa mga litrato niya sa f*******:.             “H-hindi ko alam na ganyan ka-gwapo si Mikael,” ang komento naman niya. Napatingin ako sa kanya at napakunot ang aking noo. Namumula ang mukha niya… este mukha ko.             “Anong sinabi mo?” ang naguguluhan kong tanong. Napatingin naman siya sa akin at napasimangot. “Hindi ko inasahan na may mga kaibigan ka sa Soccer Team.”             “Pagmamay-ari mo ba ang mga miyembro ng Soccer Team?” ang retorikal ko naming tanong. Hindi naman siya sumagot. “Maging mabait ka kay Mikael.”             “Kasi?”             ‘Bestfriend ko siya,” ang tugon ko naman. Ngumuso naman siya; halata ang pagtataka sa kanyang mukha. Napakibit-balikat na lamang siya. Pagkatapos kong magsalita ay pinag-aralan naming ang iskedyul ng isa’t-isa.             “Akala ko ba pupunta tayo sa field?” ang tanong ko sabay tingin sa kanya.             “Nasa tapat lang ng School of Architecture ang field. Nasa klase pa ang mga kaklase ko. Magtataka sila kung makikita nila tayong magkasama,” ang paliwanag naman niya habang nakatingin pa rin sa mga librong binigay ko sa kanya.             “Ah, kasi ayaw mong makita nila isang katulad ko,” ang pagpapatuloy ko.             “Kasi lumiban ako sa klase, at hindi dapat nasa field,” ang paliwanag naman niya. Kung alam ko lang, iba ang nasa isipan niya. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy basahin ang mga notes niya. Madali kong naintindihan ang mga nakasulat doon. Napatingin ako kay Xander at tinawag siya.             “Madali kong naiintindihan ang mga ito,” ang namamangha kong sinabi sa kanya. Nagkasalubong naman ang aming mga mata at sumang-ayon.             “Here,” ang sabi niya sabay abot ng papel at lapis. Kinuha ko naman yun.             “A-anong gagawin ko rito?” ang tanong ko.             “Draw this,” ang tugon niya sabay pakita ng litrato ng isang bahay.             “H-hindi ako gumuguhit,” ang pagtanggi ko naman.             “Yung katawan mo, hindi,” ang pagtatama niya. “Isa pa, kaluluwa lang natin ang nagpalit; hindi naman siguro pati mga kakayahan natin. Hindi natin malalaman kung hindi natin gagawin.”             Napatango naman ako at sinimulang gumuhit. Pagkatapos ng mahigit-kumulang isang oras ay natapos din ako.  Pinakita ko naman yun kay Xander. Napatango naman siya bilang tanda ng pagsang-ayon. Kumuha naamn siya ng iba pang art materials at binigay sa akin. Pinakulayan naman niya ang ginuhit ko. Ilan pang minuto ang ginugol ko sa pagkulay.             “Ano nga palang ginagawa mo?” ang tanong sa pagitan ng pagkulay ko.             “Sinusubukan kong alalahanin ang mga ingredients ng bawat recipe na nakasulat dito,” ang paliwanag naman niya. “Madali lang naman kahit na hindi naman talaga ganun ka interisado.”             “Hindi lang naman yun ang kailangan mong aralin,” ang komento ko. “Kailangan mo ring alalahanin kung anong okasyon nababagay lutuin ang pagkain na inaaral mo. Oh, heto”             Inabot ko naman ang kinulayan ko.             “The technique is not bad. Kailangan mol ang pag-aralan ang shading at tamang pagpili ng mga kulay,” ang komento niya sabay patong ng gawa ko sa mesa. Napatingin naman siya sa wall clock. “Let’s go.”             “Saan?” ang tanong ko naman.             “Para maglaro,” ang tugon naman niya. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD