Blue’s Point of View Lumiyab naman ang mga kahoy na nakapwesto sa ilalaim ng kawa. Pumwesto kami sa palibot ng kawa. Napatingin ako sa tubig na nasa loob. Sumasalamin ang bilugang buwan at mga tala. Hinintay naming kumulo ito bilang hudyat na maaari na naming simulan ang orasyon. Sabay-sabay naming binigkas ang mga salita na nakalagay sa pahina ng aklat. “Sana quod est esse malum Mutare fata, consilio Quid est nisi amissa Redde illis quae quondam erat.” Habang binigbigkas naming yun ay ang paglagay ni Tiya Adele ng mga bagay na kinolekta namin sabay hahaluin. Ang una niyang linagay ay ang kaliskis ng bakunawa. Pinanood naming matunaw ang kaliskis sa tubig na tila ba gawa ito sa yelo. Nang tuluyang matunaw

