Blue’s Point of View Natapos ang lahat ng mga klase namin ni Faust. Maghahating-gabi na at kasabay ko si Faust na tinatahak ang pasilyo ng akademya. “Faust,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Paano mo nalaman na ako nga ang gumamit ng pinagbabawal na sumpa?” “Kilala kita, Blue,” ang komento naman niya. “Lalo na ang mga padalos-dalos mong desisyon. Gumagawa ka na lang ng mga bagay na hindi mo pinag-iisipan.” “Tulad ng?” ang paghamon ko naman sabay tiklop ng aking mga kamay. “Tulad ng ginamitan mo ng mahika para pagalawin ang upuan ng isa nating kaklase nang insultuhin ka niya.” “Hindi ko kasalanan na hindi niya tinitignan ang uupuan niya,” ang tugon ko naman. “Kasama ba doo

