Xander’s Point of View PAGKAALIS ni Blue ay nanatili pa rin ang aking mga magulang. “Itong Paige na ito,” si Mommy. “Anong dahilan niya para atakihin ka at ipagbugbog ka nang ganito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo. Hindi pa alam ni Daddy ang tungkol sa tunay na sekswalidad ni Xavier. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya. Kahit na gusto kong sabihin; nagdadalawang-isip pa rin ako. ‘Xavier, magtapat ka sa amin,” ang paki-usap naman ni Mommy. “Mas makakabuti sa atin kung sasabihin mo ang totoong nangyari. “Inatake ako ni Paige dahil… kay… Mikael,” ang paliwanag ko naman; hindi ko sigurado kung paano nga ba ipapaliwanag ang lahat sa kanila. “Mikael?” ang tanong naman ni Daddy. “Sino si Mikael?” “Si Mi

