Blue’s Point of View HINDI naman nagtagal ay nakabalik kami sa silid-aralan. Dumeretso kami sa aming mga upuan sa likod. Pagkatapos makakuha ng mga kasangkapan para sa gagawin naming gayuma ngayong gabi. “Buksan niya ang inyong mga libro sa pahina trenta,” ang bilin ni Propesor kaya sumunod naman ako. Kaagad ko namang lumagpas ang pahinang tinitignan ni Faust. Nakita ko naman ang pahina sa gilid. Ikalimampung pahina. “Faust, nasa mali kang pahina,” ang komento ko naman. Napatingin naman siya sa akin at napangiti. Napakunot naman ako ng noo; kilala ko ang ngiting ‘yun. Tiyak kong may binabalak na naman siyang gawin. Kaagad ko namang kinuha ang libro at pumunta sa ikalimampung pahina. Gayumang pangpaliit ang basa ko sa titulo. “Faust, anong balak mong

