Blue’s Point of View “YOU have beautiful eyes,” ang komento ni Xander habang ginugupit ko ang isang parte ng kanyang buhok. Napangiti naman ako bago lumayo pagkatapos makakuha ng hibla ng buhok niya. “Thank you,” ang pasasalamat ko. Ito ang unang beses na may pumuri sa aking mga mata. Natigilan naman kami nang magbukas ang pinto kasunod ng pagpasok ng isang lalake at babaeng may edad na. “Xavier!” ang naiiyak na reaksyon naman ng babae nang makita si Xander. Kaagad silang lumapit sa kanya. “Anong nangyari sa’yo?” Ipinaliwanag naman ni Xander ang lahat ng nangyari sa kanya. Mula sa ginawa ni Paige hanggang sa pagtulong ko sa kanya. “Siya po si Blue; ang tumulong at nagdala sa akin dito sa ospital,” ang pagpapakilala sa akin ni Xander sa kany

