Xavier’s Point of View LUMIPAS pa ang ilang araw ay pilit naming sinusubukan ni Xander ipagpatuloy ay ang pagkukunwari na normal ang lahat. Pumupunta pa rin ako sa Soccer Practice bilang siya at patuloy pa rin naman siya sa pagperpekto ng recipe na itinuro ko sa kanya. Magkasama pa rin kami ni Mikael sa soccer practices. Dumating ang University Meet kaya naman kanselado ang lahat ng klase ng mahigit isang linggo. Ang tanging kailangang gawin ng mga estudyante sa lahat ng Pamantasan na kasali ay ang pumunta sa events at manood. Nakakapagod nga lang dahil iba-iba ang schedule at iba-iba ang venue ng mga event. Tulad ngayon ang ibang events tulad ng Archery at ilan pang outdoor games ay sa campus ng Montecillo University gagawin. Bukas pa naka-schedule ang aming laro kaya napili

