Xavier’s Point of View Nagsimula na nga ang archery competition. May tatlong rounds ang tournament. Ang una ay isang elimination round. Ayon sa hosts ay “flight archery” nag tawag doon. Lahat ng kalahok ay tumira ng tatlong pana sa ere. May malaking board ang nakalatag sa field. Ang puntos na kanilang makukuha ay naayon kung saang parte ng board mahuhulog ang mga pana. Ang limang may pinakamataas na puntos ay makakapasok sa susunod na round. Nakahinga kami nang maluwag nang makapasok ang Richmond sa pangalawang round ng tournament; kung saan ang mga natirang kalahok ay may dalawang minuto lamang para panahin ang target. Ganun pa rin naman ang sistema ng pagkuha ng puntos. Sa round na ito ay ang tatlong pinakamataas ang puntos ang papasok sa final round. Nakapasok

