C A S E Y Wala raw ang first subject teacher namin sa hapon kaya kanya-kanyang trip ang lahat para mawala ang boredom nila. Eto ako at ang iilan kong mga kaklase, naglalaro ng batuhan ng papel. Bale, walang kampihan. Kung sinong gustong mambato kasali na kaagad sa laro. Napaka-isip bata, ano? Pero kahit din naman na lampas eighteen na kami gusto pa rin naman namin magsaya. Mas uminga ngayon ang classroom dahil sa amin na naghahabulan. Nakita ko sa likod ng pinto si Chance. “Ah! Nakita kita, Chance!” sigaw ko kaagad sa kanya saka nagmadaling binilog-bilog ang papel na hawak ko para ipambato. Syempre nakailag siya dahil sa pinto. “Ang daya!” sigaw ng isa naming kasama. “This is my weapon!” pangangatwiran ni Chance. Ang weird lang kasi. Na-discover ko lang kahapon na nakakaintindi pa

