I C E Today is the 5th day of school. Wala namang masyadong kaganapan. Although I miss actual classes, I also forgot the noisy classroom and the different personality my classmates have. Masyado akong na-excite na magkaroon ng mga classmate na muntik ko nang makalimutan ang importanteng bagay na ‘yun. Kaya naman I always choose to be quiet inside the class. Nagsasalita lang ako sa tuwing tinatawag ng professors at kinakausap ng mga kaibigan ko at ng ALPHA. I am a college student acting like a high schooler on her first day of school. Nasa library ako ngayon nagbabasa ng dala kong libro ni Dan Brown. Napag-isip-isip ko lang kasi na higit na mas tahimik dito kaysa sa classroom namin na nagmistulan nang palengke sa ingay. May mga nagkakantahan, nagbabangayan, may iba pa na nagsasayawan, a

