I C E
Nagsimula na ang klase at nasa dulo kami nakaupo. Hindi naman talaga rito ang pwesto ng mga kasama ko, sinamahan lang talaga nila ako. Isang silya lang talaga ang bakante sa likod nang pumasok kami, pero nang makita ng mga nauna na kaklase nila ang ALPHA ay ibinigay na lang nila ang pwesto nila sa amin. Lumipat sila sa harap namin. I guess they would rather choose to have the ALPHA members behind them than to fight for their chair.
Alas-otso na kaya dumating na ang adviser ng klase namin. Mukhang well-informed siya tungkol sa ALPHA.
“Ooh, we have celebrities in our class. Welcome to Southern Celestine University,” bati niya sa mga ito na hindi man lang kami tiningnan.
She just missed her chance to win my favor.
Dahil nasa dulo ang ALPHA ay sa dulo na rin nagsimula ang introduce yourself segment ng klase.
After long years, this is my first time going back to this routine. Homeschooled nga kasi ako kaya matagal na noong huli kong naranasan ang introduce yourseft segment ng isang one to many na classroom. I am nervous, I must admit. Buti na lang at hindi ako ang unang magsasalita, pangatlo nga lang pero okay na rin kaysa mauna. Tumayo na si Tristan at nagsimula nang magsalita.
Complete name, edad, at iilang pribadong impormasyon tungkol sa buhay mo, iyan lang naman ang laman ng introduction namin. Iilang bagay lang, pero labis na ang kaba ko.
“Nice to meet you Mr. Sandric,” sabi ng professor namin.
Kitang-kita sa mata niya na gusto niya lang malaman ang complete name ng mga miyembro ng ALPHA kaya inuna niya kami na pagsalitain ang mga nasa likod.
“Next,” banggit nito at nakangiting tumingin kay Jay.
Tumayo na si Jay at nagsalita. Kagaya ni Tristan ay ipinakilala na rin niya ang sarili. Although medyo nahihirapan siyang magsalita dahil sa sugat sa labi niya ay natapos niya pa rin ang introduction niya.
“What happened in your lips, Mr. Lura?” Pangingialam ng professor.
I scoffed. Jay must have heard it as he secretly glared at me. Umiwas lang ako at tumingin sa labas ng salamin.
“Mr. Lura?”
“Ah, nabunggo lang ako sa pinto ng sasakyan paglabas ko kanina,” pagsisinungaling nito.
“Aaww,” sabay-sabay na bigkas ng mga babae naming kaklase.
What the hell. Gagaling din naman ‘yan.
Ang aarte nitong mga ‘to.
“You have to be careful with your handsome face, Mr. Lura,” pahabol na wika ng professor bago ako walang gana na tinanong ng, “How about you, Miss?”
Tumayo na rin ako. I can still feel my heart beating fast, but since I am already here, I have to at least utter my name.
“H-Hi, I am Ila Cristel Esteban. 19 years old… and I don’t have any to tell you about myself,” nagmamadali kong bigkas tapos ay umupo na kaagad.
Tumahimik ang klase. Hindi kagaya nung sila Tristan at Jay ang nagsasalita na sa likod ang tingin ng lahat ay nakatingin naman sa harap ang iilan, lalo na ang mga babae. They don’t seem interested in me, pero wala rin naman akong pakialam. Ang importante ay tapos na akong magpakilala.
“How about telling us about your hair? It’s kind of an ash gray,” tanong sa akin ng guro namin.
“Uh-can you ju–” Natigilan ako nang muntik na akong sumabog. Ngumiti na lang ako ulit sabay sabi ng, “Yes po, ash gray po siya.”
“Is that natural or you dyed your hair?”
“It’s natural po, I easily get white hairs and dye it black but when the dye is starting to fade away nagmumukha po siyang gray,” I lied.
Akala ba ni Jay na siya lang ang marunong na magsinungaling?
“Ahh, it’s unique. I might easily recognize you because of your hair, Ms. Esteban.”
Ngumiti lang ako sa naging tugon ni Ma’am. Hindi na rin naman siya nagtagal sa akin at sunod nang lumipat kay Chance that I am sure ay kanina pa niyang gustong marinig.
She’s obviously their fan, lalo na’t mukhang bata pa itong teacher na ito. Hula ko ay nasa mga mid 20’s pa ito. It’s obvious with her youthful skin and trendy way of dressing.
“I easily get white hairs pala, ha,” bulong naman sa akin ni Jay.
“Pakialam mo.”
“Yeah, right,” maikli nitong sagot at inusog ng konti ang silya niya palayo sa akin. “Distansyahan ko lang, baka masiko mo ulit ako,” aniya na ikinainit ng dugo ko.
J A Y
I sighed as soon as I saw the tiny wound on my lips. Mabuti na nga lang at hindi ‘to napansin ng teacher namin kanina at baka natanong pa ako tungkol dito. Nakakailang pa naman magsinungaling lalo na’t katabi ko lang ang may gawa nito sa akin.
Ice and I ignored each other the whole class hours, and now they left me alone to eat in the cafeteria. Sa labas din naman kami kumain ng ALPHA, but we can’t have it in the cafeteria with many people around us at baka magkagulong lang ulit kagaya ng kanina.
“I gotta go, guys,” paalam ko kay Chance na katabi ko lang sa inuupuan naming lamesa.
We ate at a restaurant, exclusive. Marami rin naman kasing tao dito, ang pinagkaiba lang ay may VIP room sila na pwede namin na gamitin para magkaroon kami ng pribadong tangahalian. Kailangan ko nga lang na umalis kaagad dahil nga ako ang main guardian ngayon ng Soteria.
Dumiretso na ako ng classroom namin. No one saw me getting in the building because I went to the stairs that only staffs could use. Ito rin naman ang sinabi sa amin ng admin para makaiwas sa dagsa ng mga fans.
Wala pang katao-tao sa loob ng classroom namin, mukhang ako pa lang ang bumalik galing lunch. But that’s what I thought when I saw a gray-haired woman entering in the other classroom door.
Hindi ko siya pinansin at naglakad na kaagad sa upuan ko. Gusto ko man siyang iwasan din pero imposible itong gawin kung magkatabi nga kami ng upuan. Nilabas ko ang cellphone ko para kunwari ay busy ako. It’s not like she will initiate a conversation with me. Pero kung kailan ko pa ito inisip ay doon naman niy ako kinalabit. Lumingon lang ako sa kanya at tinitigan siya.
“Uhm,” simula niya na iniiwas ang tingin sa akin, “w-would you mind if I help you with that?” tanong ni Ic- Ila habang nakaturo sa labi ko.
“Help… saan?” tugon ko naman sa kanya, “Paano mo naman ako matutulungan dito?”
Don’t tell me bumili siya ng first aid kit para gamutin ang sugat ko.
Ice licked her lips while reluctantly looking at me. Matagal din siyang hindi nakatingin sa akin, pero nang nagtagal ay lakas loob na siyang nagsalita. Siyempre irritable pa rin ang tono ng boses niya.
“Look, I’m doing this because I know that your face is your product. Kahit papaano marunong din naman akong maawa at may konsensya naman ako that’s why I’m doing this right now.”
“Ba’t ka nagpapaliw – ”
“I’m not explaining.” Panduduro niya sa mukha ko. “I’m only trying to be rational,” nanggigigil niyang sabi.
Huminga muna siya ng malalim at naglabas ng isang plastic bottle ng mineral water.
“Ilapit mo nga ‘yang mukha mo. Mabilis lang ‘to,” utos niya sa akin na nakaturo sa labi ko.
Nag-alinlangan pa ako noong una, lalo na’t binubuksan na niya ang bote ng tubig. Baka kasi bigla na lang niya akong sabuyan. Ang hirap pa naman mahulaan ng nasa isip ng babaeng ‘to. Pero sa huli ay ginawa ko pa rin naman ang sinabi niya. I don’t have a choice because she is the boss. At isa pa ang sama na rin ng tingin niya sa akin.
“A-Anong gagawin mo dyan?” tanong ko sa kanya nang tuluyan na niyang nabuksan ang bote ng tubig.
Handa na rin akong umilag sakaling buhusan niya ako.
“Ssh! Don’t move.”
As soon as she told me that the water in the bottle floats, like a kite in the sky. Nanlaki naman ang mata ko sa mangha ng nakikita ko. It is long and thin. I think it’s just four inches long and is equivalent of few spoons of water. It’s really amazing to see it suspended in the air like a transparent jelly.
Nakadikit ito sa palad niya at unti-unti itong lumutang patungo sa sugatan kong labi. Naramdaman ko ang malamig nitong pakiramdam.
Icy cold. Ganyan ko mailalarawan ang lamig ng pakiramdam nito.
“It’s done,” she uttered as she sighed. The water between her hands and lips also disappeared.
“A-Anong ginawa mo?”
“Ginamot ko lang. It was also my fault, and as a rational being It’s only natural for me to be responsible and heal it myself since kaya ko naman,” she said.
That sounds convenient.
Humarap na siya sa akin at tumingin na sa labas ng bintana. Samantala ay hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano niya napagaling ng mabilis ang sugat ko. I guess a Soteria is not just a regular immortal.