Chapter 7

2183 Words
I C E Unang araw na ng pasukan, kaso may mga epal na naman na bubuntot sa akin ngayon. Nag-usap kami ni Jane kahapon sa telepono, nakalimutan ko pala na itanong kung bakit may enrollment para sa ALPHA. It turns out na magkasing edad lang pala kami ng mga ito. At pinagsasabay pala nila ang pag-aaral at ang pagiging entertainers. Hindi naman din ito bago sa akin, but to think na kasing edad lang pala namin sila ilang taon kaya sila noong nag-debut bilang ALPHA? “Señorita?” ani Mr. Kang. Kaagad din naman ako na tumayo at pumunta ng pinto para buksan ito. “Mr. Kang?” “Here's your clothes,” sagot niya sa kabilang pinto. Sa pagbukas ko nito ay bumungad sa akin si Mr. Kang na dala-dala ang mga damit na susuotin ko ngayong araw. Kaagad din na naglaho ang malapad na ngiti ko sa kanya nang makita ang hawak niyang damit.  “Hindi ba pwede ‘yung ni-request kong– oh, I mean, can't I have the clothes I requested?” tanong ko sa kanya. “I'm sorry, señorita. The university's uniform protocol must still be followed,” mariin niyang sabi. Ngumiti na lang ulit ako ng matamlay at kinuha ang uniform sa kanya. Gusto ko kasi sana na lagyan ng hood ang likod ng uniform ko, hindi naman iyan imposible dahil may mga mananahi naman kami. May mga araw kasi na nakakatamad na magkulay ng buhok, and it's not like I can always wear a jacket under the scorching heat of the sun in this country. Bumuntong-hininga ako nang maisip na imposible rin naman na makalusot sa admin ang hood ko. At wala rin itong kwenta dahil malamang ay ipapatanggal lang din ito ng magiging teacher ko kapag nakita nila na may suot akong hood sa loob ng classroom. Kahit ilang taon akong homeschooled, I am still aware of some facts outside the four walls of our mansion. I'm not completely ignorant. Napatingin ako sa puting polo ng uniform ko at kulay midnight blue kong palda at necktie. “Long-time no see, school uniform ng Pinas.” Wala na akong choice kung hindi ang suotin ito kaya nagbihis na nga ako.  Naka-tack in sa palda ang puting polo, bale high-waisted ang palda nito at may suot din akong necktie. I really look like a schoolgirl with my get-up. Perfect na ang lahat maliban sa buhok kong nagkukulay abo na dahil sa unti-unti nang nawawala ang kulay itim na hair dye ko. Mukhang kailangan ko nang magre-touch pag-uwi ko mamaya. Moments later, someone knocked the door again. Nagmadali naman ako sa pagsusuklay at baka si Mr. Kang na ulit ito. “Yes, what do y– bakit?” walang gana kong tanong. Si Jay lang naman pala ‘to. Akala ko kung sino. “Tapos ka na?” sabi niya na wala ring gana. “Oo.” Mabilis akong ngumiti at sumimangot din kaagad. “Tara na?” aya ko. Nakakainis lang at hindi na effective sa lalaking ito ang acting skills ko. Nasabi na pala ni Mr. Kang sa kanya na medyo mapaglaro ako. Oh well, I guess it's much better because I don't have to pretend kind and polite in front of him. Pagkalabas namin ni Jay sa gahiganteng pinto ng bahay ay tumambad agad ang pagmumukha ng apat kong kaibigan. “Hey, Ice! Good morning!” bati ni Casey sabay yakap sa akin “Ang ingay ulit, Casey,” saway na naman ni Jane sa kanya. “Hmp!” pagtataray ni Casey kay Jane. Ang aga naman ata ng bangayan ng dalawang ‘to. “Shall we go?” singit ni Jay para huminto na ang dalawa. “Oo, tara na? Baka ma-late pa tayo,” pagsang-ayon ko sa kanya. Patungo na ako sa Equinox nang mapansin ko na hindi sumusunod sa akin ang apat. “Ruby, hindi ba kayo sasabay sa amin?” tanong ko. Nakita ko kasi na sa ibang direksyon sila papunta. “Sasabay, but we will use our own service. I-I’ll be here,” sambit niya tapos ay tinuro ang paparating na kotse. Oh. Mukhang pinadalhan na rin sila ng sasakyan ng kanya-kanya nilang pamilya. Mukhang pumunta lang talaga sila rito para sabayan ako.  “Okay,” sabi ko na lang at pumasok na ng kotse. Malapit lang naman ang mansyon sa university, mga labing limang minuto lang ang tagal kapag gamit ang kotse. “Your black hair dye is fading, hindi ka ba magsusuot ng hood?” tanong sa akin ni Jay noong nasa loob na kami ng sasakyan. Napatingin ako sa rear view mirror. Yup, hindi nga ako nagkakamali kanina. It's fading and I hate that he also noticed it. “Magsusuot ako kung kailan ko gusto. You can mind your own business,” untag ko at ngumiti ng manipis. Kung guardian ko siya, guradian ko lang siya. Huwag na siyang mangialam pa. The ride might be short, but I can't still let my guard down at baka kausapin ulit ako ng lalaking ito. Ayaw kong makausap siya dahil pakiramdam ko sa bawat pag-uusap namin ay nagiging malapit kami sa isa’t isa. Alam ko dahil sa paraan din ng pag-uusap kami naging malapit ng mga kaibigan ko ngayon. I don't want to act friendly anymore, lalo na’t darating ang araw na iiwan ko rin naman sila. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll na lang online. Nanood ako ng mga nakakatawang video para ma-distract. Nilakasan ko na rin ang volume para hindi ko marinig ang posibleng sasabihin ng lalaking nasa tabi ko. I am in the highest peak of my laughter when Jay suddenly jerked me. “Ice.”  Rinig kong tawag niya sa akin sa mahinang boses. Well, noong una akala ko mahina ang boses niya iyon pala ay kanina pa niya ako tinatawag at sigaw nang sigaw. Hindi ko nga lang talaga siya naririnig dahil sa lakas ng volume ng earphones ko. Regardless, I still yet to move on from the gag show I am watching and still laughing when I look at him. “A-An– Ano?” halos hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa katatawa. “We–” Hindi na naipagpatuloy ni Jay ang sasabihin niya dahil sa biglaang paghawak ko sa labi niya para patigilin siya sa pagsasalita. “T-Teka… Teka. I can't hear you c-clearly,” sabi ko tapos ay tinanggal ang earphones sa tenga. “Ano nga ‘yun?” ani ko sa kanya na nakangiti pa rin. Nagpipigil na ako ng ngiti para marinig ang sasabihin ni Jay nang mapansin ko ang pamumula niya. “Okay ka lang? May sakit ka ba?” tanong ko sa kanya. Namumula kasi ang pisngi niya.  “H-Huh?” “Namumula ka ka… si,” sambit ko sabay turo sa pisngi niya. “Ah! Wala. Wala ‘to. Wala akong lagnat,” tanggi niya. Tumango-tango lang ako at hahayaan na sana siya nang bigla kong narinig ang bulong niya sa sarili. “Kung dalasan niya kaya ang pagngiti niya. Mas gumaganda siya.” It's a compliment coming from a man. Dapat akong maging masaya o ma-flatter man lang sa sinabi niya. Pero may iba akong balak. Dahil nawalan ako ng pagkakataon na inisin siya kanina, ito na ang pagkakataon ko para gawin ito. Tiningnan ko ulit si Jay, umiiwas siya ng tingin sa akin at panay ang paghinga ng malalim. I smirked then grabbed his face to forced him to look my way. “W-W-What?” “Ang pula talaga ng mukha mo,” puna ko. “Bakit? Anong mali kung namumula ang mukha ko?” Ngumiti ako ulit sa kanya sabay wika ng, “Your cheeks are like a peach.” Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Lumala kasi ang pamumula ng pisngi niya nang nginitian ko siya. Ooh. Now I get it. “Ano ba? Ang lamig ng kamay mo, oh!” bulalas ni Jay. Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. “Hindi, ah!” mutawi ko sabay bawi sa mga kamay ko. Napatingin din naman ako kaagad sa driver na dumako sa amin ang mata. Nagulat ata siya sa biglaang pagtaas ko ng boses. “Anong hindi, malamig kaya,” pamimilit ni Jay, “at teka, mapula ka ata?” dagdag pa niyang sabi. Paano naman kasing hindi, napasigaw ako sa gulat kanina, muntik ko nang makalimutan ang driver. Hindi naman kasi lahat ay nakakaalam sa tunay na ugali ng señorita nila. “Hindi ako ang namumula, ikaw ang namumula,” pambabaliktad sa akin ni Jay. Ang kapal. “Hindi nga kasi,” mahina kong sabi. Kailangan kong huminahon. Kunti na lang talaga maiinis na ako. Nakakatawa lang dahil pati ako nabiktima ng sarili kong kalokohan. But I guess it's inevitable to happen. “Ikaw nga itong unang namula dahil sa ngiti ko,” I mumbled as I become desperate to humiliate him. “No, I did not,” tanggi niya ulit, “How about you? Namumula ka rin, ah!” wika niya habang hinihila ang balikat ko para sapilitan akong iharap sa kanya. “Hindi nga kasi.” I shrugged to remove his grip on my shoulders. Pero bale-wala ito dahil mahigpit ang kapit ng kamay niya rito. “Talaga? Humarap ka nga.” Hindi pa rin siya tumitigil at hindi rin siya humihinto sa pag-alog ng balikat ko. It's getting annoying. Nakakainis na ang panay na pagyugyog niya sa balikat ko.  “Jay, ano ba!” bulyaw ko sabay hawi ng kamay niya gamit ang siko. “Ah–” he uttered in pain. Napalingon naman ako kaagad sa kanya, and gosh! He is indeed in pain! Natamaan kasi ng siko ko ang baba ni Jay sanhi para makagat niya ang labi niya. “Oops,” I uttered when he saw his own blood on his finger as he wiped his throbbing lips. “Sorry… oh look! Andito na pala tayo. Skedaddle!” Binilisan ko na ang paglabas at nagmadali na naglakad kina Casey na naghihintay sa amin. I bet his lips hurt so bad. Malakas pa naman ‘yung impact. Ramdam ko pa nga ang matigas niyang baba sa siko ko. At mukhang nagulat din siya sa nangyari. Oopsie. Habang pababa kaming lahat ay dumating naman ang isang puting Toyota HiAce na sasakyan. Tumabi ito sa sasakyan ni Jane. Nanood lang ako at naghihintay kung sino itong bababa. At tama nga ako ng kutob na itong limang kupal na bagong mga guardians ko ang sakay nito. “Yo!” bati ni Gray kay Jay na bumaba na ng kotse. “Ms. Medioc– Soteria you’re here!” Kaway naman ni Chance sa akin.  Nginitian ko lang siya saglit tapos ay tumalikod na. Feeling close. “Oh! What happened to you, man?” puna ni Atticus nang mapansin ang sugatan na labi ni Jay. “Ah! Ito? Resulta lng to ng kakulitan ko.” Buti naman alam niya, mukha namang hindi siya galit. Kanina. Mukhang hindi siya galit nung sinilip ko siya kanina. Pero kasalanan din naman niya kung bakit ko siya nasiko. I looked at him and saw his tiny smile. He shouldn't smile like that, or I will feel guilty. Alam ko rin naman na may kasalanan din ako. Pagkatapos na magkita-kita ng lahat ay tumungo na kami kaagad sa building namin. May tatlong buildings na nakalaan para sa mga college students ang eskwelahan na ito at nasa gitnang building ang department namin. College of Arts and Sciences, doon kami papunta.  Malapit lang naman ang parking lot sa college buildings, pero hindi naging madali para sa amin ang daan patungo doon.  “KYAAA! S-Si Gray ba 'yan!” tili ng isang babae na nakasalubong namin sa entrance ng building.  Kaya naman nang narinig ito ng iba ay dumagsa na ang mga tao sa hallway.  “Gosh! ALPHA is here!” “JAY! JAY! ANG GWAPO MO!" “Godwin! Oh my!"  “ALPHA, I LOVE YOU!” Magkabilaan ang sigaw ng mga fans nila at pinagkaguluhan na sila ng tuluyan. Kaagad naman na dumating ang mga tauhan ng school para pakalmahin ang mga fans. Hinarang na rin nila ang mga ito para makadaan kami… este ang ALPHA pala. Mukha atang mas kailangan pa nila ng bantay kaysa sa akin sa sitwasyon na ito. “Sino sila?” Rinig kong tanong ng iba sa hindi kalayuan.  Ngayon kasi na nahawi na ang mga fans ay kami at ang ALPHA na lang ang naiwan sa gitna ng daan na siya namang nakaagaw ng pansin ng lahat. “Uh, their PA?” “Aah, that makes sense. Naku! Ang swerte naman nila. Gagawin ko ang lahat maging personal assistant lang ni Jay.” My brows twitched when I heard those words. Believe me girl, you wouldn't want to be with these guys. Wala naman kasing espesyal sa mga lalaking ito maliban sa kasikatan nila. They might have extraordinary powers that mortals don’t have, but mine is far more extraordinary than theirs. I just wish I can talk about it to their pathetic fangirls.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD