J A Y
Akala ko mauubusan na ako ng hininga nang tumakbo ako ng pagkabilis-bilis paakyat ng mahabang hagdan at saka nagmamadaling naghalungkat sa lamesa at drawer ni Ic- Ila. Halos maubos na ang lahat ng gamit sa loob ng drawer niya pero wala pa rin akong nakitang medicine kit.
“Ano ba ang itsura nun?”
May iba’t ibang kulay kasi ang mga medicine kit. Hindi ko man lang naitanong ang itsura nito kaya kailangan ko pa na buksan ang bawat maliliit na kahon na mahanap ko para makita ang laman nito.
Huminto ako sa paghahalungkat at napabuntong-hininga. “Where the hell is it?”
“Where the hell is what, Mr. Lura?”
Napalingon ako sa likod kong pinanggalingan ng boses.
Ang butler pala ng mansyon ang dumating. Mabuti na lang.
“Mr. Kang? Oh God! I'm glad to see you, the Soteria had an attack. She suddenly collapsed on the floor!” nagmamadali kong paliwanag sa kanya, “She asked me to get her medicine, but I don't know where sh–”
“Señorita has left a few minutes ago, Mr. Lura,” sambit ni Mr. Kang na hindi nagbabago ang seryosong ekspresyon sa mukha.
“A-An– what?”
“She has left, Mr. Lura. Señorita tricked you.”
“W-Why?”
“The Soteria is a healthy person, she doesn't have any health issues, rest assured. However, she tricked you and left you alone, Mr. Lura.”
I gasped as the butler’s words slowly sank in my mind.
What is wrong with her?
“I can see that you are surprised, Mr. Lura,” sabi ni Mr. Kang.
Nahahalata siguro sa itsura ko ang gulat at mangha sa ginawa ni Ic– Ila na pangloloko sa akin.
“Why does she have to do that?”
Ito na lang ang nasabi ko.
“I reckon she doesn't want you around her,” he replied straightforwardly as he lifted his lips a little to smile.
“Is she always like that?”
“She's been like that since child, mister. She developed such mischievousness to escape her father's eyes.”
“I'm not her father's eyes,” paglilinaw ko.
Akala niya ba nandito ako para mag-espiya at magsumbong sa tatay niya?
Isa akong entertainer na naging bodyguard niya a.k.a main guardian dahil lang sa pareho kami ng mundong ginagalawan. Hindi kasama sa utos sa akin ang isumbong kay Señor Esteban ang bawat kilos ng anak niya.
“You must clarify that to her, mister,” tugon naman ng butler, “Excuse me, if you may leave the señorita’s room and go after her right now.”
Natauhan naman ako sa sinabi nito at nagmadali nang kumilos. Habang papalabas na ako ng kuwarto ay napansin ko ang isang bookshelf na may pamilyar na libro, or should I say album. Pero dahil nagmamadali na ako ay hindi na ako bumalik pa sa loob para tingnan ito.
First, I have to go after the Soteria and look for her. Sino ba kasi ang nagsabi na normal siyang babae? She might look innocent, yet I forgot that looks can be deceiving.
Ngayon na alam ko na ang tunay na ugali niya, pati ang modus niya, lagot sa akin ang babaeng ‘yun kapag nakita ko.
* * *
I finally arrived at her school. I immediately begin looking for her, although it won't be easy for me to do it. I can't just walk freely in here. Isa ang sandali na ito sa mga pagkakataon na namimiss ko sa pagiging normal na tao. I mean, I know I'm not human so I'm not normal, pero iba kasi kapag walang nakakakilala sa’yo at malaya kang nakakapaglakad kahit saan.
But to be an entertainer is also my dream so what else can I do about it? Nagsuot na lang ako ng bull cap at itim na mask para itago ang mukha ko. Itong dalawang bagay na nga talaga siguro ang get-go disguise naming mga sikat.
Hindi rin naman nagtagal ay nahanap ko rin kaagad si Ic–Ila, ‘di naman siya gaanong mahirap hanapin lalo na at siya ang pinaka unfashionable na babae na nandito. All I have to do is to look at the ones who are wearing a plain white shirt, at hindi nga ako nagkamali rito.
Nasa harap siya ng bulletin board ng campus. Tumitingin-tingin siya rito habang humihigop ng inumin na hula ko ay milk tea.
"Hoy!" tawag ko, sanhi para lumingon siya saglit at ibinalik din kaagad ang tingin sa bulletin board.
"HOY!" pag-uulit ko.
Mukhang hindi niya ata ako nakita. Pero ginawa niya lang naman ulit ang ginawa niya kanina. Lumingon lang ulit siya saglit.
"Hoy! Ice!" That's when she finally looked at me and started to walk towards me.
Oh! Shoot! Ila nga pala dapat ang tawag ko sa kanya. But I think it's fine because I finally caught her attention.
"What's wrong with you? Didn't I told you I have a name? And also, it's Ila, not Ice for you. Huwag ka masyadong feeling close," anas niya sa akin.
She is angry. I can clearly see it on her face. Her brows all wrinkled and her face turning pink.
"I got used to hear people calling you Ice, so I think I'll be calling you the same?” ura-urada kong sagot na hindi man lang pinag-isipan ng mabuti.
“And who are these people?”
“Your guardians… former. Your former guardians.”
I just felt intimidated with her, and I don't want to admit it to myself that's why I got this urge to annoy her. Ganti ko na rin ito sa ginawa niya sa akin kanina.
Tinitigan niya ako ng masama, pinanliitan niya ako ng mata at nagmutawi ng, "Nare-realize mo ba na I got the upper hand here?” Ic–Ila smirked.
"Really?” ganti kong sagot, “How could you say that?"
Go with the flow, iyan lamang ang rason ko kung bakit ako nakikipag-bangayan sa babaeng ito.
"Okay. Madali naman akong kausap,” she said.
Inubos niya muna ang iniinom niya at tinapon sa basurahan na malapit lang sa amin. Naglakad siya doon tapos ay tumikhim. Pinapanood ko lang siya pero hindi ko na inasahan ang sunod niyang ginawa.
Mabilis niyang hinablot at mask ko, saka sumigaw ng, "WOAH! KYAAA! JAY LURA IS HERE!"
Ay, tng*na. Nakalimutan ko na ang tungkol dito.
"OMG! Si Jay nga!" nagtititili na sabi ng babae sa hindi kalayuan.
Sinubukan ko pa na ibaba ang bull cap ko pero wala na rin itong kuwenta dahil dumadami na ang mga tao sa paligid. Nakita ko na lang ang Soteria na tawang-tawa sa nangyayari sa akin.
Nang dumog na dumog na talaga sa akin ang mga fans ay agad akong dumapa. I crawled under the crowd to escape. I can't believe na effective pala ito… pero ‘yun ang inaakala ko. Dahil nung papaalis pa lang ako sa kumpulan ng mga tao ay may isa na namang fan na nakapansin sa akin.
"Guys! Andito siya!"
Leaving me no other choice but to run to the parking lot and hide inside the car. Sana nga lang ay ligtas akong makarating doon.
* * *
Tago doon.
Tago diyan.
Akalain mo na isa akong spy dahil panay ang pagtatago ko. Bawat kilos at hakbang ay kailangan kong mag-ingat maiwasan lang ang mga fans na nagkalat sa paligid.
Matapos ang halos walang katapusan na habulan ay narating ko na rin ang sasakyan na ginamit ko kanina na isang Chevy Equinox. Sinabihan ako ni Mr. Kang na pwedeng siya na lang ang magmaneho para sa akin, isang driver lang kasi ang mayroon si Ic–Ila. Pero tumanggi ako at hiniram na lang itong kotse na ito. Hindi rin ako ganoon kakomportable sa harap ng napakaseryoso na butler na iyon kaya mas pipiliin ko na lang na mag-isa kaysa makasama siya.
I might be safe inside the car, but I failed to do my first task as the Soteria’s main guardian, and that is to get enrolled here.
Habang nakamudmod sa manibela ang mukha ko at nag-iisip ng paraan kung paano makalabas ng ligtas ay bigla na lang may kumatok sa bintana ng kotse.
Tuningnan ko kung sino ito and look who is that… it's my living nightmare!
“Ang sama rin pala talaga ng ugali mo, no?” sambit ko habang ibinababa ang salamin ng kotse.
“Right, some people have already told me that,” nakangiti niyang tugon.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga kaibigan ng Soteria na bigla-bigla na lang na pumasok ng kotse.
"H-Hey! What are you doing?" I asked.
"Nakikisakay?" sagot ni Lisa.
"Bakit may reklamo ka? This is Ice's car, okay?" matapang na dagdag ni Jane.
Parang noong isang araw lang ay ang babait nila sa amin, pero ngayon parang ibang mga tao na ang kasama ko. Hindi lang pala ang Soteria ang may masamang ugali, pati rin pala itong mga kaibigan niya.
Umupo sa tabi ko si I– Ila. Napatingin ako sa kanya nang komportable na siyang pumwesto pagkatapos na isuot ang seatbelt niya.
“What?” aniya saka sinamaan ako ng tingin.
“Aalis na ba tayo?”
“Oo, bakit may kailangan ka pa bang gawin?”
Nagkamot ako ng likod ng ulo, nag-aalinlangan kasi ako na sabihin na sasamahan din namin sila na mag-aral dito.
“If you are worried about your enrollment, huwag ka nang mag-alala dahil na-enroll na rin kayong anim,” banggit ni Ruby.
“Oh, you’re worried about that? Oo, worry no more. Alam na rin naman ng admin kung ano ang gagawin, hindi ko nga maintindihan kung ano pa ang pinunta namin dito kung sila na rin naman ang bahala sa forms nami – natin,” angal ni Ice na halatang na-iinis. Mukhang ayaw niya yata na lumabas ng bahay na walang katuturan.
Ibinaba ko sa isang mall ang limang mga kaibigan ni Ic– Ila, habang sabay naman kaming bumalik ng Soteria sa bahay niya. I was also informed that I have to stay in this huge mansion. There might be a lot of maids here but none of them is an immortal, aside from Ice and Mr. Kang the staffs here are all normal mortal that doesn’t have an ability to protect the Soteria.
Today is my first day but I felt like I’ve been working for her for years with that few hours of walking with her. I am exhausted.
Ano kaya ang gagawin ko para maging malapit sa kanya?
She’s a complicated person… I guess I have to start by asking her permission to call her Ice instead of Ila. I just can’t get my tongue be used to the ‘L’ after the ‘I’.