Chapter 5

1718 Words
I C E Mag-isa lang ako sa bahay ngayon, well not necessarily na mag-isa, pero wala na rin kasi rito ang mga kaibigan ko at ang mga bago kong guardians. Ako na lang at ang mga kasambahay ang nandito. Maaliwalas ang sikat ng araw at naaamoy ko pa ang bagong luto na itlog at beacon nila. Kaagad na akong umupo sa lamesa at humigop ng mainit na sopas. Naglagay na rin ako ng gabundok na kanin sa plato ko. The best pa rin talaga ang kanin sa umaga. Sa Spain kasi puro lang kami tinapay at patatas, at kung ano-ano pang pagkain na pwedeng pagkunan ng carbohydrates. Namimiss ko na ang kanin at pritong itlog sa umaga. A soup in the morning is also not bad. Masasabi ko na ito na ata ang kaisa-isang habit na nakuha ko sa Spain, ang paghigop ng mainit na sopas sa umaga. Matapos kong kumain ay umakyat na ako patungo ng kuwarto ng maalala ko ang tungkol sa isang bagay. “Mr. Kang?” tawag ko sa head butler. "Yes, señorita?” mabilis niyang tugon na nakatayo sa gilid ng hagdan. I’m not sure if I should call him a butler. Masyado atang pormal. I actually prefer calling him as the person in charge. Siya kasi ang boss ng mga kasambahay, at direkta rin siya na nagtatrabaho kay Papa. It's not like I can tell him what I want to do. I can't even tell him to stop calling me señorita. "Have you called Jay? Did you send a car to fetch him?" "Yes, señorita! The truth is he just arrived,” he informed as he looked at the main door. Seconds later a man steps in the entrance. Blonde hair that is obviously unnatural and dyed… and dying, a long-sleeved shirt that black in sleeves yet gray in the torso, black tattered jeans with black leggings underneath, and a black Oxford shoes.  “What in a hot heat absorption! Why is he wearing all black?” Naglakad patungo sa ibaba ng hagdan ang lalaki tapos ay huminto roon para yumuko sa akin. I don't know how I should greet him, and we are not close enough for me to talk to him, so I just ignored him and continued to walk upstairs. "Ic– H-Hoy!" he called, which made me turn my back. "Hoy? I'm sorry, who are you talking to? Are you perhaps talking to me?” mahinahon kong tanong, “You are Jay, right? Sino ba ako sa tingin mo, ako ba si Hoy?” dagdag ko. "A-Anong mali doon? Narinig ko kasi sa iba na ayaw mo na tawaging Ice kasi hindi tayo close. Ano ba ang gusto mong itawag ko sa’yo, m-ma’am?" he mentioned. May point siya. Hindi ko nga gusto na matawag na Ice ng ibang tao. Ice is actually like my secret name. Iba kasi ang tawag sa akin noong bata pa ako. Pati nga si Papa ay hindi Ice ang tawag sa akin. "You should have asked me what you should call me, hindi iyong kani-kanino ka nagtatanong. You can call me Ila, ganun lang naman kasi kadali ‘yun,” pagtataray ko. I'm not usually this rude but I hate the thought of someone following me around. This is my first day to go in a normal school and I wanted to enjoy it. But I guess it's impossible now. Bumuntong-hininga si Jay. “Sure Miss Ila. Ako nga pala si Jay.” He reached his hands to me offering a shake. “Wala ka kasi nung nagpakilala ako kaya baka hindi mo ak–"  "I know and I don't care that much if I wasn't there when you introduced yourself." I told him and ignored his hands. I want him to be pissed at me para mag-isa na lang ako. I don't want and need someone beside me wherever I go. Again, a dozen times, I'm not a little kid anymore. Umakyat na ako ng tuluyan sa second floor at pumasok na ng kuwarto ko. Oras na para magbihis. I did the usual thing, well not as usual. Dahil mainit sa Pilipinas ay madali na lang ang magpa-tan. I bathed under the sun the whole weekend, every morning. Kaya naman hindi na ako ganoon ka puti, at hindi pa naman nawawala ang itim na hair dye ko. Malakas din naman kasi talaga kumapit ang itim na kulay sa buhok, sadyang kakaiba nga lang itong buhok ko. It simply refused to get dyed so I have to redo it every two weeks as the white hair starts to show up. While changing clothes, napaisip ako ng pwede kong gawin para makatakas kay Jay. I just hate being inside the car with a stranger. Okay… not really, to be honest, I just don't want someone tagging along with me. Okay pa kasi doon sa Spain kasi nasa loob lang naman ako ng property ni Papa. Pero iba na kasi ito, nasa eskwelahan ako at may maraming tao. Gusto kong gawin ang lahat ng gusto ko na walang taong nakabuntot sa akin at magsusumbong kay Papa ng lahat ng kilos ko. As I finish packing my things, an idea comes in my mind. I can't help but admire my brilliance. Habang pababa ako ng hagdan ay sinigurado ko muna na wala si Mr. Kang, kasi kung andito pa siya ay tiyak na palpak na kaagad ang plano ko. My simple white t-shirt and mom jeans are perfect for this crime. Komportable kasi ito para sa akin, lalo na ang Converse sneakers ko. Kakabili ko nga lang ng mga bagong damit at jeans noong isang araw, at mabuti na lang ay may apat na pares pa ako ng sapatos na dinala. Noong nasigurado ko nang wala si Mr. Kang sa maluwag na sala ay mabilis na akong bumaba ng hagdan. Tumayo naman kaagad si Jay sa sofa. Mukhang handa na siyang umalis. Good, kasi handa na rin akong umarte. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko patungo ng pintuan ay dahan-dahan akong umupo sa sahig. "T-Teka,” panimula ko habang sinusubukan na abutin ang manggas ng damit ni Jay. “Teka, n-nahihilo ako,” mahina kong sabi.  "H-Ho– I-Ila! Bakit ka nahihilo? May masakit ba sa’yo?" natataranta niyang tanong na hawak-hawak ako sa magkabilang braso. "Nahihilo nga ako,” anas ko, dahil ayaw kong sumigaw at baka marinig pa ito ni Mr. Kang. “Bingi ka ba? Hurry! Kailangan ko ang gamot ko."  Iniklian ko na rin ang paghinga ko para maging mas kapani-paniwala ang arte ko. "Sige, asan ba?" "N-Nasa k-kuwarto …ko. Under m-my …t-t-table.” Huminto ako saglit para umubo kunwari. "What? I'm sorry hindi ko nakuha ‘yung huli mong sinabi,” he clarified then lowered himself to level with me. “I said, under my table, inside the drawer, doon ko nilagay ang medicine kit ko,” klaro kong bigkas para maintindihan niya. Inalis ko lang naman saglit ‘yung maarteng pag-ikli ng paghinga para makapagsalita ako ng maayos. "Okay lang ba sa’yo na pumasok ako ng kuwarto mo?” What a good guy. Such innocence shouldn't be qualified as my main guardian. “Oo! Ano ba, mamamatay na ako rito tapos mag-iinarte pa ako. Ano ba, Jay! Bilisan mo na,” mandar ko. “Yes! Y-Yes! Pupunta na. Pupunta na,” aligaga niyang pagsunod sa utos ko. MISSION SUCCESS! Uto-uto 'tong lalaking ito. When he is on the second floor, I quickly stand up and run to the doorway. “Manong! Manong!” Kaway ko sa driver namin na naghihintay sa parking lot na nasa kaliwang gilid lang ng harap ng bahay. Nagmadali rin naman siyang pumasok sa sasakyan at nagmaneho papunta ng front door. “Tara na, manong,” utos ko sa kanya nang nasa loob na ako. “Si Sir po, señorita?" "Don't mind him, just… drive. May iniutos lang ako sa kanya. May iba pa naman na pwede maghatid sa kanya." Tama rin naman ang sinabi ko, marami pang sasakyan dito na pwede niyang gamitin para habulin ako kaya wala akong dapat na ika-konsensya. Nang marinig ito ay nagmaneho na nga palabas ng gate ang driver. And I finally made it alone! See. I can go to school by myself. Without Jay or any of those useless guardians. The ride to school is fast, or so I thought. Muntik na nga pala kaming ma-stuck sa traffic kanina. Buti na lang at umikot si manong at dumaan na lang sa diversion road para makaiwas sa nagpapabagal na traffic lights sa main highway ng syudad. "Hey! Ice you're here na!" bati sa akin ni Lisa nang mapansin niya ako na bumaba sa kotse. Kaagad niya akong binati sa pamamagitan ng pagbeso sa magkabilang pisngi. Well, this is Lisa doing her Hispanic habit. "Oh! Akala ko ba may guardian ka na? Asan na ‘yung main mo? tanong ni Ruby, napansin niya siguro na walang tao na sumunod na bumaba sa akin mula sa sasakyan. I shrugged. "I left him." "Oh, no you did not!" Jane awed. I simply nodded as a response. "THAT'S GREAT! TAYO-TAYO LANG ANG SA– what?” masayang hiyaw ni Casey na kaagad naman na naputol. "You're shouting again Casey,” pagpapaalala ni Jane sa kanya. “Sorry,” she mouthed quietly. "Guys shall we go now? Mahaba na kasi ang pila,” aya ni Ruby na sinang-ayunan naman ng lahat. Nasa isang sikat na university kami ngayon. I don't really know a lot about this school except that it has a complete curriculum from kindergarten, basic education, up to college. Ah! I almost forgot to say that they are also known for their spacious campus. Like super spacious. It has 30-hectares lot. I'm sure it would take time to tour around the campus so when we were done with the enrollment. By the way, hindi na kami pumila, someone just got our papers then did the job for us. So, ayun. Pagkatapos namin magpa-enroll ay naglibot-libot muna kami. However, I give up halfway. Nakakapagod din kasi na maglakad, that's why I stayed in the car hoping for everyone to come back as soon as possible. Pero kung mamalasin nga naman ako ay kumalam pa ng pagkalakas-lakas ang sikmura ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD