I C E
I'm ready to go downstairs. I’m finally done with my disguise. Mabilis lang naman din talaga akong natapos but Papa had to knock on my door asking me when I will come out of my room. I felt like protesting so I stayed for another five minutes only to annoy him.
Honestly, I thought today will be different with my days in Spain, pero mukhang nagkakamali ako. Kahit kasi na wala si Manang Marites at iba ko pang mga katulong sa Espanya, andito pa rin si Papa. I guess I was wrong for feeling suffocated around my maids when the truth is it is always Papa who suffocates me. And now, another set of people na naman ang kailangan na sumunod at bumuntot sa akin sa lahat ng oras dahil lang sa kagustuhan ni Papa.
I don't really understand why I have to change my guardians. I can fight. I can protect myself. Andyan na rin naman sila Jane at ang iba, sapat na siguro sila para maging guardians ko. Yup, it’s always because of the prophecy he is so obsessed about. Kung hindi nga lang sana ako ang naging Soteria edi sana malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko sa buhay.
Papa never acted like a father to me, anyway. He is more like a commander in chief in an army to me. Naalala ko pa noon kung gaano ako kainggit sa mga bata na nakikita ko sa TV dahil kumpleto ang pamilya nila. They have their parents and siblings to play with. They laugh together and enjoy the meal together. Kahit na alam kong acting lang ang lahat ng iyon ay naiinggit pa rin ako sa kanila. I guess that’s natural. I longed for parental love as I never seen my mother and my father is huge mass of a jerk who only acknowledged me because I am someone important in his world.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Nakakapagod lang dumaldal at magreklamo sa isipan. I promise that one day, I’ll have the courage to tell him everything that I thought just now.
It’s been five minutes, so I open the door and leave my room.
Bago ang lahat napag-isipan ko kanina na magsuot ng weird out-of-trend dress. Pero I am not that cruel to embarrass my father. May dignidad din naman ako kahit papaano.
Suot ko lang ang usual dress kong damit na kulay forest green na may printa na red at pink na mga bulaklak. Ayaw ko sana na suotin ito, sa kasamaang palad puro pala mga bulaklakin na dress ang nasa loob ng maleta ko. Tanging ang naiiba lang ay ang plain kong mga pantulog. Mukhang kailangan ko pa ata na mamili ng mga bagong damit na babagay sa temperatura ng bansang ito. Masyado kasing mainit ang long-sleeved ko na mga dress.
Malapit na ako sa hagdan nang mapansin ko ang malambot na materyal na natatapakan ko. Napatingin ako sa sahig nang makita ko ang pink na pink na tsinelas na suot ko.
“Oh sh*t,” mutawi ko nang maalala na nakalimutan ko pala na magpalit ng tsinelas. Tatakbo na sana ako pabalik ng kuwarto ko para kumuha ng maayos na susuotin nang may loka-loka na tumawag ng pangalan ko.
“AH! ANDYAN NA SI ICE! Sir, Ice is here.”
Boses pa lang ay alam ko na agad na si Casey ito. Napatingin ako sa kanilang apat na nakaupo sa sofa na nakitang-kita ko mula rito sa second floor.
“Shh!” I immediately hushed but it was too late because father already heard about it.
“Ila darling?”
“Sh*t,” I quietly uttered out of irritation.
J A Y
Halos isang oras na kaming naghihintay dito sa sala. I know a lady can take an entire day to dress and I thought that's amazing. But experiencing this personally is nothing but annoying.
Maaga kaming lumipad papunta ng Luzon kahit nasa kalagitnaan pa kami ng isang concert tour sa Davao. Nabalitaan kasi namin na dumating na ang hinihintay namin na importanteng bisita.
Ayaw ko sana na aminin ito pero mukhang may mas importante pang tao kaysa sa amin, ang ALPHA.
ALPHA ang tawag sa grupo namin. Kami ang kauna-unahang all Filipino boy group na sumikat sa buong mundo. Pero kahit na sabihing all Filipino, halos lahat din naman ng miyembero namin ay mga half-breed. Kagaya na lang ni Gray at Tristan na parehong kalahating Amerikano, at kagaya ko na may dugong Aleman. Ganoon din nga pala si Chance at Atticus na parehong may lahing Briton.
Kahit na kilala na kami sa buong mundo ay may bahagi pa rin ng mga pagkatao namin na hindi alam ng mga tagasuporta namin. At iyon ang pagkakaroon namin ng kapanyarihan. 10% ng mga nilalang sa mundo ng mga tao ay nagmula sa sikretong mundo ng mga immortal. Immortal ang tawag sa mga nilalang na may kakaibang kakayahan na wala ang mga mortal. Namamatay din naman kami, we are not the immortal that other people usually thought.
Five months ago, when our company received an invitation in Spain, sakto naman na may concert tour kami sa Europe kaya pinaunlakan na ng grupo namin ang imbitasyon. At first, we thought it was just an invitation from a random rich family who wants a celebrity in their party, but we were surprised to see Señor Danilo Esteban, the Alpha Man of the immortals. Lumitaw bigla ang pagiging fan ni Godwin noong una naming nakita si Señor Esteban.
Mula kasi sa salitang Alpha Man ang pangalan ng banda namin. Alpha man ang tawag sa kasalukuyang pinakamakapangyarihan na immortal sa mundo. What a coincidence that this man also has his daughter as the Soteria. Kung may Alpha family din ay sigurado ako na ang mga Esteban na ang magmamay-ari ng titulong ito.
Marami na rin akong narinig na sabi-sabi tungkol sa Soteria. Rumor has it that she's a perfect person, with power and beauty with her. Pero napaisip tuloy ako kung may maganda rin bang ugali ang Soteria na ito. Sa totoo lang ay sabik na kaming anim na makilala siya, kaso kailangan namin na itago ito dahil nasa tabi lang namin si Señor Esteban na panay ang tingin sa kanyang relo.
Halos sampung minuto na rin ang lumipas magmula nang natapos na kaming magpakilala. Nakikinig na lang ako sa usapan ng apat na babae sa harap namin.
"Dude, do you know anything about the deal?” Biglaang sundot sa akin ni Tristan sa likod.
Napakunot lang ako ng noo. Wala akong ideya kung anong deal ang tinutukoy ni Tristan.
Tumawa ng mahina si Chance sa tabi ko sanhi para mapalingon ako sa kanya.
“What is it, Chance?”
Lumapit sa tenga ko si Chance tapos bumulong sa akin ng, “Here's the deal, if the princess is beautiful, we'll have an on-the-spot voting for which of us will be her main guardian."
“Huh? How do we do an on-the-spot voting?” tanong ko.
Itinaas la naman ni Chance ang kamao niya bilang sagot. It doesn't take a genius to understand what Chance’s implying about. Rock, Paper, Scissors. It's the game we always play whenever we need an immediate decision to make.
"But what if she's not beautiful?" I hesitantly asked.
I can't help but to ask about it. Ang pilyo kasi nitong sina Chance at Tristan, sigurado ako na silang dalawa ang nagpakulo nitong deal na ito.
"Well, let's see,” sabi niya habang nagkakamot ng baba at siniko-siko si Tristan.
“Someone was absent for three days straight during the dance practice,” sulsol ni Tristan.
Napaisip tuloy ako kung sino sa amin ang tatlong beses nang umabsent. Napasinghap na lang ako nang napagtanto ko na ako pala ang tinutukoy nila. "Hoy! Ang unfair!" bulyaw ko.
“Shh! Your voice,” sabay na mutawi nilang dalawa.
Napalingon ang lahat sa aming tatlo sanhi para huminto na kami sa kulitan namin. Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi nila, paano nga kung ako ang maging main guardian ng Soteria? Baka may dagdag na gawain para sa akin. I was even excited when they assigned me as one of Soteria's guardians. Ibig sabihin lang kasi nito ay excuse din kami sa mga performance and guesting. Isang taon lang naman na hiatus ang kapalit ng pagiging guardian namin, which is a great thing for us.
“AH! ANDYAN NA SI ICE! Sir, Ice is here.” Nabasag ang katahimikan sa sala nang biglaan na lang sumigaw ang isa sa apat na mga babaeng nasa harap namin.
“Shh!”
May tao ata sa ikalawang palapag. Siguro ay ito na ang Soteria, hindi kasi namin makita ang ikalawang palapag mula sa kinauupuan namin dahil sa malaking silindro ng tubig na nakaharang sa tabi ng hagdan bilang haligi kaya medyo malabo ang imahe ng taong nasa likod nito.
“Ila darling?” tawag ni Señor Esteban sa taong paparating.
Oo nga pala, iisang tao lang si Ila at si Ice. Sabik na nagtitigan si Chance at Tristan. Siyempre, ganito talaga ang magiging reaksyon nila lalo na’t nasa itsura ng Soteria nakasalalay ang tadhana ng isa sa amin.
Hindi rin nagtagal ay sunod-sunod na yabag ng paa ang umalingawngaw sa mansyon. Palakas ito nang palakas hanggang sa lumabas mula sa likod ng silindrong tubi ang babae. May suot siya na floral dress at pink na bunny slippers na hindi nababagay sa suot niyang damit.
Normal.
Sa salitang iyan ko mailalarawan ang itsura ng Soteria. I guess one cannot judge people by how they look. Sino ba kasi ang mag-aakala na isang Soteria ang babaeng ito? Kung hindi lang dahil sa bunny slippers niyang suot ay baka napagkamalan ko na siyang katulong rito sa mansyon.
“I thought so, she's wearing those things again,” sabi ni Señor Esteban.
Hahakbang na sana siya sa hagdan nang madulas siya dito.
"WHOA!" bulalas ng halos lahat kasabay ng pagkadulas ng Soteria sa hagdan.
"Ice!" sigaw ng isa sa mga babae.
Mabilis na kumilos ang babaeng kulot ang buhok, she controlled the water from the cylinder to form a water ball. Hindi ko alam kung bakit water ball pa talaga ang ginawa niya pero nasalo rin naman niya sa tamang oras ang Soteria at naiwasan ang pagkabagok ng ulo nito sa sahig.
Lumutang ang bolang tubig pababa ng hagdan karga-karga ang Soteria.
"Oh my gosh, Casey. Lagot ka girl, wrong move ka,” pagbabanta ng katabi ng babaeng kulot ang buhok na sumalo sa Soteria.
"Isn't she soaking wet inside that ball?” mahinang tanong sa akin ni Chance, siniko ko naman siya ng mahina para tumahimik at baka marinig pa siya ni Señor Esteban. It doesn't take a genius to tell that she's wet inside the water ball.
Binalot ng katahimikan ang sala. Isang nakakatakot na katahimikan. Noong nasa baba na ang Soteria ay kaagad na napayuko ang mga babae, may isa pa nga sa kanila na naka-krus ang mga daliri.
“So, that's what you were up to? Is that why you took so long in your room?” tanong ni Señor Esteban. Hindi sumagot ang Soteria at umiwas lang ng tingin sa kanyang ama.
Kalmado lang si Señor Esteban, wala niisang bahid ng tensyon sa mukha niya pero dahil din doon kung bakit mas nakakatakot siyang pakinggan. Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang hangin sa paligid.
“I–I’ll be back,” mahinang wika ng Soteria at bumalik ulit sa kuwarto niya. Sa pagkakataon na ito ay nag-ingat na siya sa paglalakad sa hagdan. Nagsilutang din ang patal ng tubig mula sa kanyang katawan at basang damit, at kusang bumalik ang mga ito sa loob ng silindro.
Napaisip tuloy ako kung saan galing ang tubig ng kakaibang kasangkapan nilang ito.
“She's a weirdo,” komento ni Tristan noong nawala na sa paningin namin ang Soteria.
“Yup, she's definitely a weirdo. I pass,” dagdag naman ni Chance.
“I'll do whatever you want to do, wala namang problema sa’kin ang kahit ano,” saad ni Godwin.
“That goes the same to me,” wika naman ni Atticus.
Napalingon ako kay Gray na nasa kabilang dulo ng upuan, he just gives me a shrug of his shoulder as a reply.
Mukhang lagot ako nito. Mukhang kailangan ko nang mamaalam sa pahinga na inaasam-asam ko.
* * *
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na ang Soteria. Naka-floral dress pa rin siya, but this time ay kulay maroon ito na may mga puting bulaklak. Suot na rin niya ang normal na tsinelas na kulay puti. And for some reason her skin seems lighter. Kung hindi ako nagkakamali ay kayumanggi ang kulay ng balat niya kanina at may iilan din na piraso ng kanyang buhok na kulay puti.
“Is she the same person?” bulong ni Tristan sa akin.
“I'm not sure, bro.”
“Ila,” tawag ni Señor Esteban sa anak niya.
Hindi naman nag-alinlangan na lumapit sa kanya ang Soteria.
“How about the hair?” anito sabay tingin sa buhok ng babae.
“I just applied them yesterday, it won't take off after at least two weeks… I tried to remove them, but they just won't come off,” paliwanag nito na nakayuko.
Hindi muna nagsalita si Señor Esteban at tinitigan lang ang tuktok ng ulo ng anak. Matapos ang ilang sandali ay tumikhim siya at sinabihan ito ng, “Raise your head and introduce yourself to your new guardians.”
Bakas sa itsura ng Soteria ang pagdadalawang-isip, gayunpaman ay ginawa niya pa rin ito. Itinaas niya ang kanyang mukha sanhi para tumambad sa amin ang dalawang pares ng malatubig na mga mata. It doesn't simply have the color of the water; it also has the color of the deep blue sea. Her eyes are magnificently beautiful.
Bakit hindi namin ito napansin kanina?
“Gosh, hindi siya nag-lense?” rinig kong sabi ng babaeng kulot ang buhok. Kaagad din naman siyang hinampas sa braso ng katabi niya.
So, she's wearing contact lenses earlier, and perhaps she was also wearing an artificial skin color or whatnot on her body earlier that's why her skin looks less bright.
“Uh, hi… uhm, yeah. I'm Asian and Hispanic but I have deep blue eyes. Don't be surprised, it only indicates that I am the Soteria,” tumigil muna siya sa pagsasalita at tiningnan kami. Naghihintay ata siya ng reaksyon namin. Pero wala niisa sa aming anim ang kumibo. Hindi dahil sa wala sa amin ang interesadong magtanong, kung hindi dahil sa nakakasakal na awkward na hangin sa paligid.
Tumikhim na lang siya at saka nagpatuloy sa pagpapakilala niya. “Uh, I'm Ila– Ila Cristel Esteban. Actually, I also have Emerald in my name. But I barely use it. Ila Cristel Emerald, Ice for short.”
Tumahimik ulit ang sala nang matapos na siyang magpakilala. Gumawi sa direksyon ni Señor Esteban ang Soteria sabay sabi ng, “That's all, Papa.”
“How about you, boys. You should also introduce yourselves to the Soteria.”
“Bakit hindi na lang natin inisa ang pagpapakilala kanina?” reklamo ni Godwin sa mahinang boses, pero rinig na rinig pa rin ito ng lahat ng nasa sala. Napatakip kasi ng bibig sa pagpipigil ng tawa ang may maikling buhok na babae sa harap namin.
Kaagad ko rin naman na tinakpan ang bibig ni Godwin dahil sa ingay niya at baka narinig pa siya ni Señor Esteban.
“Huwag kang mag-alala hindi nakakaintindi ng Tagalog si Uncle,” bulong sa amin ng babaeng may mahabang buhok.
Nakahinga naman kami ng maluwag ni Godwin.
“What is it?” sabad ni Señor Esteban.
“Should we introduce ourselves, sir?” mabilis kong tanong sa kanya para hindi siya maghinala.
“E-Excuse me.” Itinaas ng Soteria ang kamay niya bago pa man na makasagot ang ama niya sa tanong ko.
“You don't have to introduce yourselves. I made a background check before leaving my room as I heard the members of ALPHA are my new guardians,” paliwanag niya sa mahinahon na paraan.
“You did?” tanong ni Gray.
“Uh-huh.” Tumango ang Soteria.
“Good job, Ila. Now, which one of you is the main guardian?” Tumungo sa aming anim ang atensyon ni Señor Esteban.
At kagaya ng inasahan ko ay mga traydor itong mga kasama ko. Sapilitan akong tinulak ni Chance at Tristan para lang ipakilala bilang napili nilang main guardian.
“Jay Lura, am I correct?” sabi sa akin ni Señor Esteban, “Ila is in your care starting to–”
“T-Tomorrow. You'll start staying here tomorrow,” sabad ng Soteria kay Señor Esteban, “I still have an extremely personal thing to do today so I cannot let anyone follow me.”
Tinitigan muna siya ng matagal ng kanyang ama. “Suit yourself, as long as you won't leave the mansyon,” bigkas nito.
“Sí, Papá,” masunurin na sagot ng Soteria.
Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni Señor Esteban. Lumapit sa amin ang butler ng mansyon at sinabi na paparating na raw ang sasakyang susundo sa amin pabalik ng company building namin.
Pero bago pa man kami nakalabas ng mansyon ay nagsilapit na ang apat na babae sa Soteria. Hindi ako sigurado kung tama ba ang nakita ko pero ang kaninang mala-anghel at ‘di makabasag pinggan na mukha ng Soteria ay bigla na lang nagbago – she looks stern and angry. A face that is about to cry but is doing its best to hold the tears.