CHAPTER 20

1408 Words
Harry.   Halos paliparin ko na ang kotse ko para lang maabutan si Beatrix sa airport, bakit ngayon ko lang naramdaman ito? Bakit ngayon ko lang narealize na hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko? nagagalit ako sa sarili ang makailang beses kong hinahampas ang manubela ng kotse ko. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pagbibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon. But it’s too late, she already gave up. I saw it in her eyes, hindi na katulad ng dati ang mga tingin nito sa akin, wala na ang dating tingin na binabalewala ko lang. “Please, Beatrix… give me another chance, please. I’m begging you. Don’t leave me.” Pagmamakaawa ko rito, now I realize how vulnerable she is. She glanced at me coldly, humigpit ang hawak nito sa maleta saka nagsalita. “I already given you the chance that you want multiple times, I even let myself destroyed for you. Because I love you. Harry, ubos na ubos na ako! Wala nang natira sa sarili ko, I’m sorry, I’m sorry kung sumusuko na ako. I’m sorry kung hindi ko na kaya…” “No… no Beatrix, please.” Sambit ko, hindi ko na napigilang ang mapaiyak sa harap nito, natatakot akong mawala ito sa akin. Tinalikuran ako nito at akmang hahakbang na palayo pero mabilis akong yumakap dito mula sa likod, isang mahigpit na yakap. Dahil ayoko siyang umalis at iwan ako, alam kong huli na ang lahat pero, umaasa parin ako na mapapatawad pa ako nito. “I’m sorry, please don’t go, please.” Bulong ko rito, habang umiiyak. I don’t know what to do to make her stay. I want her to stay by my side, I don’t want to lose her. I can’t. “I give you the freedom that you’ve wanted, so please… Harry, please give me the freedom that I deserve.” Mahina nitong sambit, para akong natauhan nang marinig ang pakiusap nito. Parang biglang dinurog ang puso ko, she’s begging me to let her go. Unti-unti kong niluwagan ang pagkakayakap ko rito, hanggang sa tanggalin nito ang mga braso ko at tuluyang maglakad palayo. I failed. Nagkamali ako, at handa akong tanggapin ang kahit na anong parusa sa lahat ng ginawa kong hindi maganda. Masakit para sa akin ang pag-alis ni Beatrix, pero kailangan ko iyong tanggapin, she wants her freedom. I want her to be happy, at hindi iyon mangyayari hangga’t hindi ko siya pinapakawalan. “Wala ka nang karapatan sa Vallejo Enterprises simula ngayon, iwan mo ang lahat ng pagmamay-ari ng Vallejo. Huwag kang mag-alala, the company will pay for the job that you’ve done for the company. Nakakapanghinayang ka Harry, hindi mo alam kung gaano ako nadidismaya sa ginawa mo. Umalis kana, at huwag ka nang babalik pa dito.” Malamig na sambit ni Chairman Vallejo. Tumango ako rito bilang paggalang saka muling nagsalita. “I’ve done something that I thought was right, I’m sorry Chairman. Please stay healthy, dad.” Tugon ko rito saka lumabas ng library nito. Wala akong dinala bukod sa mga personal kong gamit, sa labas ay nakaabang sila Dominic at Yasmine. “Do you really have to go?” Tanong ni Dominic sa akin, matipid ko itong nginitian. “Kailangan kong magsimula muli at hanapin ang sarili ko, para mabawi kong muli si Beatrix. Wala na akong ibang hangad ngayon kundi ang bumalik sa akin ang asawa ko.” Tugon ko. Lumapit ng bahagya si Yasmine saka ngumiti sa akin. “I’m sure she’ll come back, alam ko kung gaano ka niya kamahal. Kahit pa alam na niya ang tungkol sa pagpapanggap ko, mas pinili niya paring tumahimik para lang maprotektahan ka niya, Harry, mahal na mahal ka ni Beatrix, please gawin mo ang lahat para bumalik siya sa’yo, huwag kang susuko.” Aniya, tumango ako rito bilang pagsang-ayon, saka ngumiti. “I have to go, mag-iingat kayong dalawa, Dominic, ikaw nang bahala kay Dad…” “Don’t worry, I’ll take care of him, alagaan mo rin ang sarili mo. Alam kong hindi ka rin matitiis ni Dad, siguradong pababalikin karin niya dito.” Tinapik ko ito sa balikat bago naglakad palabas ng manor, sa labas ay sinalubong ako ni Vincent. Tumango ito saka ko ito tinapik sa balikat. “Thank you for being my assistant for the past years, Vincent.” Sambit ko dito. “Maghihintay po ako sa pagbabalik niyo, Director.” Aniya, muli kong nilingon sila Dominic saka ngumiti rito bago tuluyang lumabas ng gate at sumakay sa taxi na naghihintay sa akin.   After 3 years. “Matagal ka na naming hinihintay dito, kailan ka ba babalik? Gustong-gusto ka nang makita ng pamangkin mo.” Sambit ni Dominic nang makausap ko ito sa phone. Napangiti ako nang banggitin ni Dominic ang pamangkin kong si Jaiden. “Marami pa akong inaasikaso sa opisina, alam mo naman kung gaano kahirap magsimula ng construction firm, now I know why dad was so obsess to his company, hindi pala talaga biro ang pagdadaanan mo para lang maging maayos ang takbo ng business.” Tugon ko rito. “That’s true, anyway, kung kailangan mo ng tulong, I can lend a hand. Pwede akong maginvest sa company mo, sabihan mo lang ako.” Aniya, muli akong ngumiti bago muling magsalita. “I don’t need your money, asshole.” Sambit ko dito, saka kame nagtawanang dalawa. “In case lang naman, by the way, may balita kana ba kay Beatrix?” Tanong nito, napayuko ako nang marinig ang tanong nito, hindi ako kaagad nakasagot, hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin mahanap si Beatrix, ang alam ko ay pumunta siya sa Italy para asikasuhin ang company nila pero, nang puntahan ko siya doon ay hindi ko siya nakita. Ayaw ring sabihin sa akin ng daddy niya kung nasaan ang asawa ko, naiintindihan ko naman na hanggang ngayon ay galit parin ito dahil sa ginawa ko sa anak niya. “It’s okay bro, mahahanap mo rin siya. Huwag kang susuko okay?” Narinig kong sambit nito, “I know, she’ll come back to me… I need to go, marami pa akong tatapusin dito sa company.” Sambit ko rito, nagpaalam na ako saka binaba ang phone. Binuksan ko ang drawer ng table ko saka nilabas ang wedding photo namin ni Beatrix. I missed you… please come back to me… sambit ko sa sarili. Napaangat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto at iniluwa non si Vincent. Isang taon pagkatapos kong itayo ang business ko ay nakiusap ito sa akin na gusto nitong muling magtrabaho para sa akin, hindi man kasing laki ng sahod nito sa Vallejo ay pumayag parin siya. Ngumiti ito sa akin bago tuluyang pumasok at iabot sa akin ang hawak na tablet. “Sir, we have an invitation for the business convention in Ridges Wellington Hotel. Maraming realty company at investor ang pupunta.” Sambit nito habang nakatingin ako sa email. “Who is the coordinator of the event?” Tanong ko rito nang hindi parin ito tinitingnan. “It’s a foreign company sir from Italy, they travel in different countries to invest in the small business like us.” Tugon nito. Ngumiti ako saka inabot muli ang tablet dito. “We should go, malaki ang potential na makakuha tayo ng investor sa event na iyan.” Sambit ko dito tumango naman ito saka kinuha ang tablet at lumabas na ng opisina ko. Isang taon pagkarating ko ng New Zealand ay nagtayo ako ng business. Isang construction firm, dahil Structural Engineering ang natapos ko ay ito ang line ng business na pinasok ko, isa pa, gusto kong matayo ng business na hindi nalalayo sa line of business ng Vallejo Enterprises. Gusto kong mapatawad ako ni dad, at ito lang ang naiisip kong paraan. Hindi naging madali ang mga nagdaang taon para sa akin, sumabay pa ang bigo kong paghahanap kay Beatrix. Hindi ko alam, siguro nga ay pinagtataguan talaga ako nito kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko siya makita. Pero hindi ako sumusuko, alam kong isang araw, magkikita rin kaming dalawa at babalik siya sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD