bc

Vallejo's Damsel in Distress

book_age18+
2.2K
FOLLOW
6.3K
READ
dark
arrogant
boss
twisted
intersex
like
intro-logo
Blurb

How to stop loving someone who doesn't love you back? Is there anyway to make your heart forget that man? Ito ang ilang beses nang tinatanong sa sarili ni Beatrix Montes.

She don't want to let go the man that she really love kaya gumawa siya ng paraan para pumayag na magpakasal sa kanya si Harry Vallejo, ginamit niya ang koneksyon at yaman ng daddy niya para lamang makuha ang gusto niya. Ngunit dahil sa nangyaring aksidente lalong gumulo ang lahat.

Matutunan kayang mahalin ni Harry si Beatrix? O ang kanilang magulo at masalimuot na relasyon ay tuluyan nalang magtatapos? Susuko na lamang ba si Beatrix para sa pag-ibig na kahit kailan ay hindi niya nagawang makuha sa lalaking pinakamamahal niya? O sa muli nilang pagkikita ay isang panibagong pag-iibigan ang muling sumibol at muli silang pagbuklurin ng tadhana?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: DAMSEL'S LOVE
“Happy birthday Beatrix!” Bati sa akin ng ilang kakilala ni daddy sa negosyo. Lahat na yata ng mga prominenteng tao ay narito sa party hall ng hotel namin, maraming tao ang dumalo na halos hindi ko na makilala ang iba. Everyone looks stunning and gorgeous, syempre hindi mawawala ang ilan sa mga sikat na bachelors at mga anak ng kaibigan ni daddy sa negosyo. Pero isa lang naman ang gusto kong makita ngayong gabi, walang iba kundi si Harry Vallejo. Harry was my childhood love, mga bata palang kami alam ko nang siya ang gusto kong mapangasawa, at gagawin ko ang lahat para lang matupad iyon. “Are you looking for someone?” Narinig kong pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa likuran ko, agad akong pumihit para lingunin ito ang malapad kong ngiti kanina ay unti-unting nawala nang makita ko si Harry hawak ang isang bouquet ng bulaklak at may kasamang isang babae. “H-Harry.” Halos mautal kong sambit, hindi ko kasi inaasahan na may kasama siyang babae sa birthday party ko pa? “Happy birthday Beatrix.” Bati nito sa akin saka inabot ang isang bouquet ng bulaklak, pilit kong inaayos ang postura ko na hindi nito mahalata ang biglang pagbabago ng mood ko, ngumiti akong muli rito bago nagsalita. “Thank you, Harry. Buti nakarating ka, s-sino nga pala siya?” Sambit ko saka binaling ang tingin sa babaeng kasama niya, hindi makakaila ang kagandahan ng babae, balingkinitan ang katawan at maputi, she has a natural beauty na natatakpan ng makapal na makeup. “Hi, I’m Cassandra Montemar. Happy birthday Beatrix.” Ani ng babae saka inabot sa akin ang kamay nito para makipagshake hands, pilit ang ngiting binigay ko rito saka inangat ang kamay ko. “Hi.” Tugon ko. “She’s my business partner. Nasaan nga pala ang daddy mo?” Sambit naman ni Harry, business partner? Pero kung makakapit siya sa baywang ng babae parang ayaw niyang pakawalan. Binaling ko sa paligid ang paningin para lang hindi mahalata ang pagpapalit ng emosyon ko. “He’s just right there. Baka kausap lang yung iba niyang business partners.” Sambit ko rito. Ngumiti si Harry bago muling nagsalita. “Pupuntahan muna namin siya, happy birthday again Beatrix.” Huling sambit nito bago tumalikod at inalalayan si Cassandra para puntahan ang daddy ko, muli akong nginitian ni Cassandra bago tuluyang makalayo. Kumikirot ang dibdib ko at hindi ko mapigilang mainis, kahit na ilang beses kong pagsabihan ang sarili ko na pigilan na, tapusin na ang nararamdaman ko kay Harry. Pero hindi ko magawa, paulit-ulit nalang ito Beatrix hindi ka pa ba nagsasawa? Pagkundina ko sa sarili. Lumabas ako sa party hall at pumunta sa VIP lounge dala ang isang bote ng alak na kinuha ko sa waiter na nakasalubong ko. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako ng wine kanina sa party, it doesn’t matter, kahit ilang bote pa ng alak ang mainom ko, makalimutan ko lang ang sakit na nararamdaman ko, makalimutan ko lang si Harry pansamantala. Halos maubos ko na ang laman ng bote nang biglang may umagaw nito sa akin, napanguso ako saka matalim na inangat ang tingin sa gwapong lalaki na nakatayo sa harap ko, he looks radiant and powerful in his three-piece suit. Dominating and interesting, siguro isa iyon sa mga nagutstuhan ko kay Harry, ang pagiging seryoso at dominante nito. Ngumisi ako bago tumayo, muntikan pa akong matumba mabuti nalang at nahawakan ako kaagad ni Harry sa braso. Oh, his smell, I like this smell. The mix of mint and manly scent, if only I could hug him for hours, di ako magrereklamo. “What are you doing here Beatrix? Your party is inside, bakit nandito ka sa lounge at naglalasing mag-isa?” May pagkairetableng sambit nito, nirolyo ko ang mga mata rito saka inayos ang tindig. “Ikaw, bakit ka nandito? Nasaan yung ka-date mo?” Sarkastiko kong tugon rito. Tumaas ang kilay ni Harry at pinakitaan ako ng pagkairita nito. “Anong room number mo? Ihahatid na kita ako nalang ang magsasabi kay tito at sa ibang bisita na nagpahinga kana.” With his authoritative voice. Dala narin siguro nang tama ng alak kaya biglang nandilim ang paningin ko bago pa man ako makapagprotesta ay buhat-buhat na ako ni Harry papunta sa room ko. From here I clearly saw how attractive he is, he’s tall, with unruly dark brown hair, and intense brown eyes with a thick eyebrow that compliment his looks. Who else doesn’t fall to this man? Binaba niya ako sa kama nang makarating na kami sa kwarto ko. “Magpahinga kana.” Aniya, saka ako tinalikuran pero bago pa man ito makahakbang ay mabilis akong bumangon at niyakap ang baywang nito. “Please, dito ka lang huwag mo akong iwan.” Mahina kong sambit rito, hinawakan ni Harry ang mga braso ko saka ito tinanggal sa pagkakayakap, hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko at kusang lumandas sa mga pisngi ko ang luha na kanina pa nagbabadya. “Lasing kana Beatrix, magpahinga kana.” Mariing sambit nito, saka naglakad papunta sa pinto, pero bago pa ito tuluyang kumabas ay natigilan ito nang muli akong magsalita. “Bakit ba ayaw mo sa akin?! Ano bang kulang sa akin?! Maganda ako, mayaman, ano pa bang kulang ha Harry?! Sabihin mo sa akin.” Singhal ko rito habang patuloy sa pag-iyak hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako magawang mahalin ni Harry. Wala naman akong nakikitang dahilan pero bakit? “Magpahinga kana, lasing ka lang. Hinihintay na ako ni Cassandra sa baba.” Baritonong sambit nito, halos madurog ang puso ko, at that moment I knew, I already knew the answer. “Siya ba? Dahil ba sa Cassandra Montemar na iyon kaya hindi mo ako kayang tingnan man lang? Puwes, sinasabi ko sayo Harry, hindi mo pwedeng pakasalan ang babaeng iyon, sa akin ka lang!” I said with my frustrated voice. “Stop being delusional Beatrix, you know more than anyone else, na hinding-hindi ako magkakagusto sayo. Magpahinga kana, you’re drunk.” Aniya, saka tuluyang lumabas ng kwarto. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog na ako. My head hurts as I opened my eyes, parang minamartilyo ang ulo ko sa sobrang sakit dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi. Pinaling ko ang ulo ko sa glass wall at pinagmasdan ang mga ulap, ang ganda ng sikat ng araw, pero para akong binagsakan ng langit nang sabihin sa akin ni Harry na kahit kailan ay hinding-hindi niya ako magugustuhan. Ang unfair lang, ganun ba ako kahirap mahalin? Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang bumangon sa higaan at dumeretso sa banyo, napailing nalang ako nang makita ang sarili sa salamin. “You’re such a messed! Beatrix.” Bulong ko sa sarili, nagbabad ako sa bath thub at nakinig ng music habang nilalagok ang isang baso ng wine. Ito nalang nga yata ang nagpapakalma sa akin, alak. “Cassandra Montemar! You’ll see! Makukuha ko rin sa’yo si Harry.” Sumpa ko sa sarili saka nilagok ang natitirang wine sa baso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.4K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.7K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.8K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

SILENCE

read
393.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook