Muli kong pinasadahan ng tingin sa salamin ang sarili, nakasuot lang ako ng sleeveless top at square pants saka pinarisan ng stilettos. Kinuha ko sa sofa ang coat at pouch ko saka lumabas na ng unit ko. Hindi parin maialis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Kung paano muling winasak ni Harry ang puso ko. Kapag naaalala ko ang babaeng iyon ay hindi ko maiwasang mainis, kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat at makuha niya si Harry.
Inabot sa akin ng sekretarya ko ang schedule ko ng makasakay ako sa sasakyan. Nirolyo ko ang mata saka bumuntong-hininga nang makita ang schedule ko sa maghapon. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover kagabi, bwiset na alak iyon.
“Ms. Beatrix, dederetso na po ba tayo sa meeting n’yo with Mr. Ramirez, o gusto n’yo munang dumaan sa office para magbreakfast?” Tanong sa akin ng sekretarya ko na nakaupo sa passenger seat. Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumakain, tanging wine lang ang laman ng tiyan ko simula kaninang paggising ko.
“I’m sure na may restaurant naman malapit sa company ni Mr. Ramirez, doon nalang ako kakain.” Tugon ko rito, tumango ito bago muling nagsalita.
“Okay po Ms. Beatrix.”
Dumaan kami sa isang restaurant na halos katapat lang ng company ni Mr. Ramirez, ang kameeting ko ngayong umaga. Hindi ko malaman kung bakit ganitong oras pa nito inischedule ang meeting namin. I really hate early meetings. Nakakainis!
Pinagbuksan ako ng pinto ng sekretarya ko saka ako nito inihanap ng mauupuan. Wala naman masyadong tao sa restaurant pero gusto ko kasi ng pwesto na walang katabing table.
Nakahanap naman ito kaagad sa may bandang gilid ng restaurant katabi ng glass wall kung saan kitang-kita ang building ng mga Ramirez. Napailing nalang ako rito saka binaling ang tingin sa menu na nasa harap ko.
“One garlic pasta and coffee.” Sambit ko sa waiter. Ngumiti ito saka kinuha ang menu at tinalikuran ako para kunin na ang order ko. Nakatingin lang ako sa labas nang biglang nagtatatakbo papalapit sa akin ang sekretarya ko hawak ang phone nito.
“Um, Ms. Beatrix, m-may problema po tayo.” Kabado nitong sambit, nangunot ang noo ko, ano naman kaya ang problema umagang-umaga.
“What is it?” Mataray kong tanong rito.
“Gusto na raw po kayong makausap ni Mr. Ramirez, naghihintay na siya sa office niya.” Aniya, napaawang ang labi ko at naiinis na pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“Sabihin mo sa kanya, maghintay siya.” Tugon ko, napangiwi ang sekretarya ko at halatang tensyonado na.
“P-pero Ms. Beatrix…” Naputol ang sasabihin nito nang tingnan ko ito ng masama. “O-okay po Ms. Beatrix s-sasabihin ko nalang po na kumakain pa kayo.” Sambit nito saka tumalikod at tinapat sa tenga ang phone.
Maya-maya pa ay dumating na ang inorder ko, napangiti ako nang maamoy ang pagkain. Nagyon ko lang naramdaman ang gutom, agad akong nag-umpisang kumain. Ngunit wala pang ilang minuto ay muling lumapit sa akin ang sekretarya ko. Kinuha ko ang table napkin at pinunas sa bibig ko bago nagsalita.
“What is it again?” Naiirita kong tanong rito. Halos mamutla ang sekretarya ko dahil sa pagtaas ang boses ko.
“Um, Ms. Beatrix, papunta na po dito si Mr. Ramirez.” Ngumisi ako saka pinagpatuloy lang ang pagkain. Mas mabuti iyon dahil hindi ko na kailangan pang umalis dito at maistorbo ang pagkain ko.
Si Kendrick Ramirez ang isa sa mga sikat na bachelor sa bansa, kagaya ni Harry at iba pang bachelor na kilala ko ay may sarili rin itong strategy pagdating sa negosyo. He is the owner of Ramirez Group, isa sa kaalyadong kumpanya ng mga Vallejo. I knew him personally, he’s one of those guys na nasa listahan ng gustong ipakasal sa akin ni daddy. Pero hindi ako pumayag, kung ikakasal man ako sa isang tao lang. Kay Harry lang.
“I bet you’re enjoying your food here Ms. Beatrix.” Narinig kong baritonong boses ng taong papalapit sa akin. Binaba ko ang kubyertos bago nagpunas ng bibig saka ngumiti rito. Umupo ito sa kaharap kong upuan saka tinawag ang waiter.
“One cup of coffee please.” Aniya, ngumisi ako rito saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“So, hindi ka ba talaga makapaghintay na matapos akong kumain kaya pumunta ka pa talaga dito Mr. Ramirez?” Mataray kong sambit rito. Inangat nito ang gilid ng bibig saka pinatong ang isang braso sa mesa.
“I’m here for my coffee, Ms. Beatrix.” Tumawa ako ng bahagya saka muling nagsalita.
“Since nandito ka na rin naman, bakit hindi na natin pagusapan ang tungkol sa negosyo? You want me to invest in your company, right?” Tugon ko rito habang nakataas ang isang kilay.
“You mean your dad’s company? Nag-usap na kami ng daddy mo tungkol dyan and I am here para papirmahan ang kontrata sa’yo.” Sambit nito, binalingan niya ng tingin ang sekretarya nito na nakatayo sa ‘di kalayuan na may hawak na brown envelope. Lumapit naman iyon sa kanya saka marahan na inabot ang envelope rito.
Ngumiti sa akin si Kendrick saka binuksan ang envelope at nilabas ang laman non’ at iniabot sa akin. Agad ko iyong kinuha saka pinirmahan, ayoko nang tumagal pa ang usapan naming dalawa. Isa pa, kailangan kong bumalik sa opisina para makausap si dad.
“So, Mr. Ramirez. Nakuha mo na ang gusto mo, napirmahan ko na ang kontrata maiwan na kita. Enjoy your coffee.” Walang emosyon kong sambit rito.
“I actually haven’t gotten what I really want, are you free tonight? Let’s have dinner.” Aniya. Nirolyo ko ang mata rito bago sumagot.
“I’m busy Mr. Ramirez, humanap ka nalang ng iba. Excuse me.” Huli kong sambit saka tumayo na at lumabas ng restaurant, hindi ko na muli pang nilingon ang lalaki ngunit ramdam ko ang paninitig nito sa akin.
Pagdating ko ng office ay agad akong dumeretso sa opisina ni dad. Naabutan ko pang kausap nito si Mr. Lazaro, isa sa kumpadre at kasosyo nito sa negosyo. Halata ang pagkabigla sa mukha ng dalawa, matipid akong ngumiti rito bago nagsalita sa dad at humarap sa kausap niya.
“Let’s talk some other time Mr. Lazaro.” Sambit ng daddy ko, habang ako ay nakatayo lang malapit sa may pinto at hinihintay ito na umalis. Lumapit ako sa couch at naupo nang makalabas na si Mr. Lazaro, habang nanatiling nakaupo si daddy sa pangisahang upuan, prente itong nakaupo sa couch saka kinuha ang isang maliit na tasa ng tsaa.
“What are you doing here Beatrix? Don’t you have meetings this morning?” He asked.
“Dad, I want to get married.” Sambit ko, sandaling natigilan si daddy saka binaba ang hawak na tasa at tiningnan ako habang nakakunot ang noo.
“What did you say?”
“Gusto ko ng magpakasal, hindi ba’t iyon naman ang gusto niyo? I want to get married as soon as possible.” Mariin kong sambit rito, tumawa ng bahagya ang ama ko na para bang nakarinig ng isang nakakatawang biro.
“Are you sure iha? At sino naman ang gusto mong pakasalan?” Usisa nito saka muling kinuha ang tsaa at humigop ng kaunti roon.
“I want to get married with Harry Vallejo.” I casually said, muli akong binalingan ng tingin ng aking ama na para bang nagulat sa sinabi ko.
“Harry Vallejo? Beatrix, nasisiraan ka na ba? Hindi ko gusto ang ugali ng lalaking iyon ang daming babaeng nababalitang nobya non’ hindi ako papayag.” Tugon nito, napaawang ang labi ko saka agad na kinontra ang sinabi nito.
“Dad! That’s not true, chismis lang iyon. Isa pa hindi ba’t makakatulong sa negosyo natin kapag nagpakasal ako kay Harry, please dad! He’s the only man that I want. Hindi ako magpapakasal kung hindi lang rin naman si Harry ang pakakasalan ko.” Mariin kong sambit rito saka pinagkrus ang mga braso sa didbdib. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa buong silid, hanggang sa marinig ko ang malalim na buntong- hininga ng aking ama. Alam kong sa muling pagkakataon ay muli akong nanalo sa diskusyon naming dalawa.
“Gusto ka ba niyang pakasalan?” Tanong nito, natigalgal ako. Alam ko naman ang sagot sa tanong na iyon, ayoko lang aminin. Lumapit ako sa kinauupuan ng aking ama saka umupo sa arm rest nito.
“Dad, he’s the only one for me, I’ll be the happiest girl in the world kapag siya ang napakasalan ko. Please dad.” Pakiusap ko rito, hinawakan nito ang kamay ko saka iyon tinapik.
“How can I say no to my little girl? Magpapakasal kayo ni Harry kahit na anong mangyari.” Sambit nito, napangiti ako at niyakap ang aking ama dahil sa tuwa.
“Thank you, dad! The best ka talaga!” Tugon ko rito.
Iniwan kami ng aking ina noong sanggol palang ako, hindi pa mayaman noon si daddy at inuumpisahan niya palang ang negosyo niya. Simula noon ay kaming dalawa nalang ni dad ang magkaramay sa lahat ng bagay. Hindi nagtagal ay lumago ang negosyo ng aking ama at nakapagpatayo ito ng investment company na ngayon nga ay isa sa nangungunang company at most trusted ng iba’t- ibang malalaking kumpanya at isa na doon ang Vallejo, Chairman Vallejo and my dad are companion. Lalong lumaki ang Vallejo Enterprises simula nang mag-invest ang aking ama rito at mula nga noon ay naging malapit na magkaibigan si Chairman Vallejo at ang aking ama.