CHAPTER 3: CHOICE

773 Words
Author’s Narrator. Abala sa pagbabasa ng mga documents si Chairman Vallejo sa loob ng library nito nang kumatok sa pinto ang secretary nito. “Chairman, nandito po si Chairman Montes.” Agad na binaba ni Chairman Vallejo ang hawak na documents saka tumayo at lumabas ng library. Tinungo nito ang living room kung nasaan si Chairman Montes, naabutan niya itong nakatayo sa may balkonahe habang hawak ang isang tasa ng tsaa. “Chairman Montes.” Sambit nito, nilingon naman siya ni Chairman Montes saka ngumiti rito. “How are you Chairman Vallejo.” Tugon naman nito. Nakangiting minuwestra ni Chairman Vallejo ang couch saka ito naupo sa pangisahang upuan, sumunod naman si Chairman Montes at naupo rin sa katapat nitong upuan. “Matagal-tagal din tayong hindi nagkita dahil sa dami ng ginagawa sa negosyo. How’s Beatrix? Balita ko siya na ang in-charge sa company n’yo.” Aniya, ngumiti si Chairman Montes saka binaba ang hawak na tasa. “She’s doing fine, alam mo naman si Beatrix, she’s competitive at hinding-hindi nagpapatalo lalo na sa mga clients na gusto siyang isahan.” Sambit nito saka sila nagtawanan. “E bakit kasi hindi mo pa ipakasal si Beatrix, she’s old enough to get married.” Tugon ni Chairman Vallejo. “You’re right, pero matigas ang ulo ni Beatrix, she even threatens me na hindi mag-aasawa kung hindi lang din naman si Harry ang pakakasalan niya.” He said, Chairman Vallejo tilt his head with amusement. “She’s still in love with my son huh? You know Harry, abala iyon sa negosyo at sa tingin ko ay wala pa sa isip non’ ang magpakasal.” Sambit nito. Sumeryoso ang mukha ni Chairman Montes saka sumandal sa upuan at pinatong ang braso sa arm rest ng couch. “That’s why I’m here Chairman Vallejo. Matagal na tayong magkaibigan at marami na tayong pinagdaanang pagsubok sa negosyo na nalampasan nating pareho dahil sa pagtutulungan nating dalawa. I wouldn’t mind if we work together as family.” Aniya, ngumiti si Chairman Vallejo. Alam niya kung gaano kaganda ang idea na maging isa ang Vallejo Enterprises at Montes Investment Company, tumayo ito saka lumapit ng bahagya kay Chairman Montes saka inabot ang kamay rito. “Ofcourse, merging the two company? That’s a great idea Chairman Montes.” Samibt nito, tumayo rin si Chairman Montes saka kinamayan ang kaharap. Kapwa nila alam na parehas silang makikinabang kapag naipakasal nila si Harry at Beatrix sa isa’t-isa.   - “What?!” Gulat at hindi makapaniwalang sambit ni Harry habang kausap ang kanyang ama na noon ay prenteng nakaupo sa swivel chair nito sa loob ng library. “You heard me Harry, magpapakasal ka sa anak ni Chairman Montes.” Tugon ng ama nito, napaawang nalang ang labi ni Harry nang marinig ang sinabi nito, hindi siya makapaniwalang sinasabi iyon sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya mahal si Beatrix kaya walang dahilan para pakasalan niya ito. “Pero dad! Hindi ko gusto si Beatrix, may iba akong gusto kaya hindi ako magpapakasal sa kanya.” Mariing sambit nito, bahagyang nangunot ang noo ni Chairman Vallejo dahil sa inasal ng anak. “Pakakasalan mo si Beatrix sa ayaw mo man o sa gusto. Alam mong kailangan natin ng pondo para sa bagong itatayong Hotel sa Cebu.” Sambit nito. Mapait na tawa ang pinakawalan ni Harry, alam na niya ngayon kung bakit pinilipit siya ng ama na magpakasal kay Beatrix, dahil sa negosyo. Hindi man lang nito inisip ang nararamdaman niya. “Hindi ako magpapakasal kay Beatrix kahit ano pang sabihin niyo, gagawin ko ang lahat para makahanap ng pondo. Pero hindi niyo ako mapipilit diyan sa gusto niyong mangyari.” Tugon nito sa ama, saka tumalikod at naglakad patungo sa pinto, tumayo si Chairman Vallejo saka malakas na hinampas ang lamesa nito. Napahinto sa paglalakad si Harry habang nakakuyom ang mga palad. “Huwag mo akong subukan Harry! Wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa pera ko!” Singhal nito, humarap si Harry sa ama, nagagalit ito sa sarili dahil alam niyang sa huli ay ang ama parin nito ang masusunod. “Kung gusto mong manatili sa posisyon mo sa kumpanya, magpapakasal ka kay Beatrix!” Dugtong ng ama nito, halos bumaon na ang kuko ni Harry sa palad nito dahil sa galit na pinipigilan niyang makita ng ama. Sa huli ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama, hindi niya pwedeng bitawan ang posisyon niya sa kumpanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD