“If that’s what you want.” Sambit ni Harry, saka lumabas ng library ng ama. Madilim ang mukha at nakakuyom ang kamao itong tinungo ang garahe at sumakay ng sasakyan niya, habang nasa byahe ay kinuha niya ang phone at tinipa ang numero ni Beatrix na noon ay abala sa opisina nito. Napangiti si Beatrix nang makita ang pangalan ni Harry sa caller id at agad iyong sinagot.
“Where are you?” Seryoso at baritonong bungad nito sa telepono nang sagutin ni Beatrix.
“I’m in the office, Why?” She asked, ngunit hindi na sumagot si Harry saka nito binaba ang phone. Nangunot ang noo ni Beatrix, pero binalewala niya nalang iyon at mabilis na tinungo ang powder room ng opisina niya para mag-ayos.
Kunot ang noo at madilim ang mukha ni Harry nang dumating sa company ni Beatrix, sinalubong ito ng sekretarya ni Beatrix pero hindi ito pinansin ng binata at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa opisina ni Beatrix. Bahagya pang nagulat si Beatrix nang biglang magbukas ang pintuan ng opisina niya ngunit agad ding napalitan ng matatamis na ngiti nang makita niyang iniluwa non’ si Harry. Huminto si Harry sa tapat ni Beatrix, nagiigting ang mga panga at madilim ang mukha.
“Harry, why are you doing here.” Tanong ng dalaga, bagamat palaisipan sa kanya ang ekspresyon ng mukha nito ngayon ay hindi niya nalang iyon ininda, tumayo siya para lapitan ito.
“Let’s talk.” Seryosong tugon ni Harry.
“Sure, have a seat.” Aniya, saka humakbang patungo sa couch ngunit natigilan ito nang biglang hablutin ni Harry ang braso nito, mahigpit at halos mapangiwi siya dahil sa sakit na naramdaman.
“Kung si dad napaikot mo, pwes ako hindi!” Sambit nito, nangunot ang noo ni Beatrix habang iniinda ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Harry.
“Harry, nasasaktan ako! Ano ba! Bitawan mo nga ako, ano bang sinasabi mo!” Tugon nito saka buong lakas na kumawala sa pagkakahawak ni Harry.
“Alam kong ikaw ang may pakana kung bakit gusto akong ipakasal ni dad sayo. Desperada kana bang talaga para lang makasal sa akin?!” Singhal nito, napaawang ang labi ni Beatrix, hindi nito maproseso ang sinasabi sa kanya.
“What the hell are you talking about? Wala akong alam sa sinasabi mo!” Tugon nito, ngumisi si Harry saka bahagyang lumapit rito.
“Tandaan mo ito Beatrix, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo kapag tinuloy mo ang kalokohan mong ito.” Pagbabanta nito sa dalaga saka nito tinungo ang pinto at umalis, naiwang mag-isa si Beatrix. Hindi makapaniwala.
Dumeretso si Harry sa penthouse nito kung saan naghihintay si Cassandra. Hinagis ni Harry ang coat sa couch saka umupo rito.
“Harry? I thought you have a meeting. Why are you doing here?” Tanong ni Cassandra habang papalapit rito. Hindi pa man nakakaupo si Cassandra ay niyakap ito ni Harry sa baywang, ngumiti si Cassandra saka hinaplos ang ulo nito.
“Is there something wrong? May problema nanaman ba sa opisina?” Muling tanong nito. Nanatiling nakayakap si Harry kay Cassandra at nakasubsob ang mukha sa tyan nito.
“Nothing… I’ll be missing you so much.” Ngumiti si Cassandra saka inalis ang mga braso ni Harry na nakapulupot sa baywang nito, umupo ito sa tabi niya habang hawak ang mga kamay nito.
“Harry, two months lang akong mawawala, ano kaba.” Natatawa nitong sambit, hinaplos nito ang gwapong mukha ng binata bago muling nagsalita. “Kapag natapos ko na lahat ng dapat kong tapusin sa New Zealand, magkakasama narin tayo ulit. By that time, I’m expecting a wedding proposal from you.” Nakangiti nitong sambit. Hindi kaagad nakasagot si Harry, alam nitong Malabo nang mangyari ang sinasabi ni Cassandra. Dahil kailangan niyang pakasalan si Beatrix.
“You know how much I love you, trust me okay?” Tugon ni Harry dito saka hinaplos ang mukha ni Cassandra at bahagyang yumuko para mahalikan ito.
Kinabukasan ay maaga itong umalis at hinatid si Cassandra sa airport. Napansin ni Cassandra na parang balisa si Harry mula pa kahapon, bago pumasok sa immigration ay humarap ito sa nobyo saka pinulupot ang kamay sa batok nito.
“I’m going to missed you. You behave here while I’m not here. Okay?” She said with a soft tone voice. Ngumiti naman ang lalaki saka hinaplos ang mukha nito.
“I’m all yours Cassandra, lagi mong tatandaan iyan.” Sambit nito saka yumuko para halikan ang dalaga. “Call me when you get there.” Muling sambit ni Harry nang kumawala ito sa paghalik kay Cassandra. Ngumiti naman ang dalaga saka kinuha na ang mga luggage nito at naglakad palayo. Nang makapasok na sa loob si Cassandra ay lumapit si Vincent kay Harry, muling naging malamig at seryoso ang ekspresyon ng mukha nito saka humarap kay Vincent.
“Sa Montes tayo.”
Beatrix.
Abala ako sa loob ng opisina ko, I’m exhausted. Nang marinig kong tumunog ang telcom, pinindot ko iyon saka nagsalita ang sekretarya ko. “Ms. Beatrix, Mr. Vallejo is here.” My heart pound in a skeptical rhythm. Why he’s here again?
Hindi pa man ako nakakasagot ay biglang nagbukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa noon ang isang matangkad na lalaki, nakakunot ang noo, madilim ang mukha. He looks dangerous and hot at the same time. Ngumiti ako rito saka tumayo. Umupo ito sa couch saka inilapag ang isang transparent na folder.
“Mukhang nagiging hobby mo na ang pumasok ng opisina ko ng walang paalam ha.” Sambit ko rito, inangat nito ang tingin sa akin saka ngumisi.
“Seat down, we need to talk.” Seryoso nitong sambit, I bit my lip. What is it this time? Pagbibintangan niya nanaman baa ko?
Umupo ako sa kaharap nitong upuan saka ito nagsalitang muli.
“I have a deal for you.” He said without blinking an eye.
“Deal?” Ulit ko rito saka tinaas ang isang kilay rito. “Harry, kung sa akala mo ay may kinalaman ako sa pagpilit ng daddy mo sayo na magpakasal sa akin, pwes nagkakamali ka.” Dugtong ko rito, umangat ang gilid ng labi nito saka kinuha ang folder at pinadausdos ito sa lamesa papunta sa akin.
“Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? Pumapayag akong magpakasal tayo, but I want you to sign that papers.” Aniya, saka tinuro ang folder na nasa tapat ko. I was surprise by what he said and nervous at the same time. Hindi ko alam kung tama ba ang pinapasok ko, pero kung ito lang ang paraan para maging akin si Harry. I’m more than willing to give up everything.
Kinuha ko ang folder at nilabas ang ilang papel na laman non at binasa, I felt a pang of pain in my chest. I thought this is just a prenatal agreement but its not. It stated that after two years we have to get divorce, that I should have give up all of the shares, properties, and investments that I will own after our marriage. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak.
“If you sign that paper, magpapakasal tayo kahit kalian mo gustuhin.” Narinig kong sambit ni Harry, his voice is full of arrogance.
“Seriously? Do you think kaya ko gusting magpakasal sa’yo dahil sa pera mo?” Hindi makapaniwalang sambit ko rito, pilit kong pinipigilan ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko. Ganito ba ang tingin sa akin ng lalaking ito? Ng lalaking minahal ko buong buhay ko?
“Why? Hindi ba’t kaya nga nagkasundo ang mga magulang natin dahil sa pera?” Tugon nito sa pinakasarkastikong tono. Mariin akong napapikit, I can’t believe I’m into this man. Pero mas makapangyarihan nga siguro talaga ang pagmamahal ko dito kaysa sa pride ko.
“Mahal kita Harry. Gusto kong magpakasal sa’yo dahil mahal kita. If this is what you want, sige, papayag ako. Pero sisiguraduhin kong matututunan mo rin akong mahalin sa loob ng dalawang taon na iyan.” Mariin kong sambit rito, saka pinirmahan ang papel na hawak ko. He just stares at me with a cold and arrogant look. Inangat ko ang tingin rito matapos kong mapirmahan ang papeles.
“How about Cassandra? Alam na ba niya na magpapakasal ka sa akin?” I ask. He gives me an arrogant look, saka lumapit ito sa akin at kinuha ang mga papel.
“It doesn’t concern you; I will be sent here the papers na kailangan mong pirmahan para sa process ng marriage certificate. I don’t want to have a wedding ceremony, it’s just a waste of time.” Tugon nito saka naglakad na patungo sa pinto.