Chapter 37 Harry. “Do you think it make sense? Bakit kakailanganin ni Beatrix ng ganun kalaking halaga?” Sambit ko kay Dominic habang nasa opisina kami. Nangunot ang noo nito saka kinuha ang phone sa bulsa. “Don’t worry, papasundan ko siya sa mga tauhan ko.” Aniya, pero natigilan ito nang tumunog ang phone niya, inangat nito ang tingin sa akin. “Si Sgt. Romero.” Seryosong sambit nito. Nangunot ang noo ko at bahagyang lumapit dito, bakit naman tatawag ang pulis na may hawak sa kaso ni Veron. “Yes, Sgt. Thank you.” Sambit ni Dominic saka nito binaba ang phone. “Anong nangyari?” “May problema, nakatakas si Veron. At mukhang may kinalaman ito sa paghingi ng pera sa iyo ni Beatrix.” Seryosong sambit ni Dominic. “f**k! I knew it!” Singhal ko saka kinuha ang phone at susi ng sasakyan

