N.
1 MONTH AGO.
“W-what do you mean?” Tanong ni Cassandra habang kausap sa phone si Harry. Kasalukuyan itong nasa New Zealand para ayusin ang business nila, nanginginig ang kamay na binaba nito ang papel na hawak sa lamesa.
“I’ll marry Beatrix.” Ulit ni Harry sa kabilang linya, halos matulala at hindi makapagsalita si Cassandra sa narinig. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan niya, maayos naman sila bago siya pumunta sa New Zealand. Halos hindi na siya natutulog para lang matapos ang mga trabaho rito at makauwi ng maaga sa Pilipinas nang sa ganon’ ay muli na silang magkasama ngunit bakit biglang nagbago ang lahat?
“Harry, is it a joke? Gumaganti ka ba sa akin dahil hindi pa ako nakakauwe? Don’t worry, babe. Malapit nang matapos ang mga trabaho ko dito, malapit narin akong makauwe.” Tugon nito, saka ngumiti. Ngunit ganun nalang ang pangungunot ng noo nito at pagkawala ng ngiti nang hindi tumugon si Harry at tanging sunod-sunod na buntong hininga lang ang narinig nito. At that moment, she knows that he’s not messing around. Agad nakaramdam si Cassandra ng sakit sa dibdib, kilala niya si Harry at hindi ito ang tipo ng lalaki na magbibiro ng mga ganitong bagay.
“I’m sorry babe, I need to do this. Wala akong ibang choice kundi ang magpakasal kay Beatrix, please understand. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pagbalik mo.” Aniya, ngunit hindi na sumagot pa si Cassandra at pinatay nalang ang telepono. She doesn’t need his excuses, malinaw sa kanya na niloko lang siya ni Harry at mas pinili ang babaeng iyon kaysa sa kanya. Hanggang sa hindi niya na namalayan ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. The pain is unbearable that she can’t even hide it.
Wala nang nagawa si Harry nang pagbabaan siya ng telepono ni Cassandra. Pero desidido sya na makuha ang buong Vallejo Enterprises kaya gagawin niya ang lahat anuman ang kapalit nito.
Present time.
BEATRIX.
Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya maaga akong naghanda, nakangiti akong pumasok ng dining kung saan naroon na si Harry at naghihintay. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay narinig kong mag-sorry sa akin si Harry. I know this is a sign that he might change his mind, alam kong isang araw ay lalambot rin ang puso nito sa akin. At habang hinihintay ang araw na iyon, hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.
“Good morning.” Bati ko rito, pinasadahan lang ako nito ng tingin saka ako tinaasan ng isang kilay.
“Good morning.” He coldly said. Binalewala ko nalang ito saka umupo na sa tabi niyang upuan, maya-maya pa ay dumating na si Chairman Vallejo. Tahimik lang ako habang kumakain, pinakikinggan lang ang pinag-uusapan ng mag-ama hanggang sa matapos na kaming kumain at lumabas na ng manor, papunta na sana ako sa kotse ko ng marinig ko ang boses ni Harry.
“Come with me, I’ll drop you off the office.” Seryoso at baritonong sambit ni Harry saka pumasok na sa loob ng sasakyan nito. Sandali pa akong natulala at hindi kaagad nakakilos, ngunit agad ding humakbang papalapit dito nang makita ko ang kaseryosohan ng mukha ni Harry. Tinanguan ako ng secretary ni Harry na si Vincent saka sinara ang pinto nang makasakay na ako. Lihim akong napapangiti habang nasa byahe kami, hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa Vallejo Mall, nakita ko sa labas ng building ang secretary kong si Yura na nakangiti habang nakatingin sa sasakyan naming. Bahagya pang nangunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan na narito siya.
“Pinalipat ko siya dito para mag-assist sayo.” Narinig kong sambit ni Harry, napangiti ako rito saka nagsalita.
“Thank you, Harry.” Tugon ko rito, pinasadahan lang ako nito ng tingin. Blangko ang emosyon. Pinagbuksan ako ni Vincent ng pinto saka lumabas na ng kotse.
“I’ll pick you up later.” Narinig kong sambit ni Harry, nakita kong papasara na ang bintana nito nang lingunin ko kaya hindi na ako nakapagpaalam pa rito. Masaya ako buong maghapon, mabilis ko lang natutunan ang lahat ng dapat kong gawin. Naging maayos naman ang pakikisama sa akin ni Harry, lagi niya akong hinahatid at sinusundo sa Vallejo Mall, minsan ay kumakain kami sa labas. Hindi pala-kwento si Harry palaging ako ang nagkukwento rito habang magkasama kami, para sa akin ay baliwala lang iyon basta kasama ko si Harry at nakikinig siya sa akin. Pakiramdam ko nga ay unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Harry, lately kasi ay madalas na ako nitong samahan sa mall kapag gusto kong mamili. Pero hindi parin nawawala sa isip ko ang babaeng kasama niya noong birthday party ko, si Cassandra, I wonder kung nagkikita parin sila nito. Hindi man sweet sa akin si Harry alam ko, ramdam kong sinusubukan naman nitong gawin ang lahat para matutunan akong mahalin. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang salitang mahal kita, araw- araw ko naman iyong pinapaalala sa kanya, na mahal na mahal ko siya.
---
“Yura, ikaw nang bahala dito. Hihintayin ko nalang sa baba si Harry.” Sambit ko sa secretary ko saka kinuha ang coat ko saka bag at tinungo na ang lift. Umupo muna ako sa may lounge habang wala pa naman si Harry.
Lumipas ang isang oras pero kahit anino ni Harry ay wala parin, hanggang sa makita ako ni Yura na noon ay pauwi narin sana.
“Ms. Beatrix? Nandito parin po pala kayo, akala ko nakauwi na kayo kanina.” Sambit nito, tipid akong ngumiti rito bago nagsalita.
“Wala pa si Harry e, baka parating na iyon.”
“Gusto niyo po bang samahan ko muna kayo dito habang naghihintay?” Sambit nito.
“Hindi na, baka parating narin si Harry, mauna kana may meeting pa tayo bukas.” Tugon ko rito, ngumiti ito sa akin at umalis nalang kahit na nag-aalangan itong iwan ako. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang message alert ng phone ko, agad ko iyong kinuha sa bag ko. Nagbabakasakaling si Harry na iyon, ngunit agad na nangunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Kendrick sa contact. Napasandal ako sa kinauupuan nang makita ang sinend nitong pictures, halos manikip ang dibdib ko at nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa pictures. It was Harry, and Cassandra. Dinning in a restaurant.
Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Disappointed and frustrated. Akala ko unti-unti nang nagbabago si Harry, pero nagkamali ako.
“How long will you let that man hurt you?” Narinig kong boses ng lalaking papalapit sa akin, inangat ko ang tingin dito, its Kendrick.
“What are you doing here? Why did you send those pictures?!” Sambit ko rito saka tumayo.
“I send it for you to realize na kahit anong gawin mo, mas pipiliin niya paring kasama ang ibang babae kaysa sayo. Why don’t you stop it Beatrix?! Hindi ka pa ba napapagod?” Aniya, napaawang nalang ang labi ko, hindi makapaniwala.