chapter 13

1973 Words
Alas onse ng Sabado na kaming nakaalis ni Finlay sa Cavite para makarating kami ng San Pedro, Laguna para bisitahin ang pamilya ko doon. Isang buwan na din ang huli bisita ko doon. Excited na ako makasama ko ulit ang pamilya ko. "Are you sure ito lang ang dadalhin mo, babe?" Paniniguro ni Finlay habang nagmamaneho siya. Lulusot daw kami sa Southwoods para makarating na kami sa San Pedro. "Oo naman. At saka, may mga damit naman ako sa amin kaya walang kaso 'yon." Sagot ko na nakangiti. "Nasabi ko na din kay mama na kasama kita. Paniguradong doon na rin tayo magtatangahalian." Sabay sulyap ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi kahit na nakaside view lang siya sa akin. Medyo maporma po siya ngayon. Eh, kahit naman siguro nakapambahay lang ang suot niya, guwapo pa rin. Pero nakakaloka, talagang naka-aviator pa siya, wala nga lang akong ideya kung anong trip niya ngayon. Nasa backseat din ang mga pagkain na ibibigay niya sa pamilya ko. Nakakaloka lang. Talagang tinotoo niya ang sinabi niya! Kahit na ilang beses ko na siyang pagsabihan na huwag nalang, pero wala, he insist. Wala na akong magagawa dahil nariyan na. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa Landayan. Dahil Sabado ngayon, wala masyadong tao o mga deboto ni Lolo Uweng. Dahil kung nagkataon na Biyernes ang punta namin dito, paniguradong mahihirapan si Finlay na ilusot ang sasakyan niya dito sa amin. Dahil hindi mahulugan ng karayom. "Saan ang banda ang bahay ninyo dito, babe?" Tanong niya habang binabagalan niya ang usad ng kaniyang sasakyan. Baka daw kasi lumagpas na kami. Sa may dark green na gate na 'yon." Sabay turo ko pa. Tumango siya saka itinigil niya ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay namin. Tanaw ko doon ang kapatid ko na abala sa pag-aayos ng kaniyang motor. Pero dahil sa sasakyan ni Finlay ay agad nakuha ang kaniyang atensyon. Napatayo siya na nakakunot ang noo dahil sa pagtataka. Unang lumabas si Finlay, kinalas ko ang seatbelts sa katawan ko bago man ako pagbuksan ng pinto. Inaalalayan pa niya akong lumabas. Sunod naman niyang binuksan ang pinto sa backseat para kunin ang pasalubong niya para sa pamilya ko. "Pasha?" Hindi makapaniwalang tawag sa akin ni kuya Kaue! "Kuya!" Masayang bati ko sa kaniya saka niyakap ko siya nang mahigpit! "Namiss ko kayo! Sina mama at papa?" Hindi siya agad sumagot. Kumalas ako mula sa pagkayakap sa kaniya. Tintitigan niya ako ng maigi tila pinag-aaralan niya ang mukha ko. "Bakit parang... Gumanda ka, bunso?" Tanong niya na hindi makapaniwala. Malapad akong ngumiti. Bumaling ako kay Finlay na kakalapit lang sa amin. "Nga pala kuya, si Finlay nga pala..." Bumaling siya kay Finlay. Pinag-aralan niya ang hitsura nito. "Ito yata ang binabanggit ni mama sa akin..." Tumango ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Finlay. Medyo nagtataka ako kung bakit parang wala man lang akong makitang nerbyos o kaba sa kaniya? Parang hindi man lang siya natatakot?  "Pasok na kayo. Sunduin ko lang si papa." Sabi ni kuya. "Nasa kusina lang si mama, kakatapos lang niya magluto." "Thanks, kuya!" Sabay hawak ko sa isang kamay ni Finlay ay hinila ko siya papasok sa bahay. "Kaue, nariyan na ba si Pash—" Rinig kong boses ni mama na papunta sa Salas pero natigilan siya nang makita niya kami. "Pasha?! Ang ganda mo, anak! Jusmeee!" Tili niya saka niyakap niya ako ng mahigpit. Siya din ang unang kumalas pagkatapos. Inilipat niya ang kaniyang tingin sa katabi ko. "Siya ba ang tinutukoy mo na kasama mo papunta dito?" Muli ako ngumiti. "Yes, mama. Si Finlay pala, boyfriend ko..." "Good afternoon po, ma'm. Finally, nakilala ko na din po kayo." Masayang bati sa kaniya nito. "Sabi po ni Pasha, mahilig kayo sa Pizza, kaya heto po..." Sabay abot niya sa pizza kay mama. Napasapo sa dibdib si mama. Parang hindi siya makapaniwala na may boyfriend na ako! "Ang guwapo ng nobyo mo, anak. Mukhang mabait." Sabi niya. Tinanggap niya ang pagkain. "Salamat dito, iho." "No problem po." Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay ngiti lang. "Magpahinga muna kayo habang hinihintay ko ang papa mo, Pasha. Anong gusto ninyong inumin? May tinimpla na din akong juice." "Marites, narito na daw si Pasha..." Agad kaming tumayo nang marinig namin ang boses ni papa na papasok dito sa loob. Hindi nga ako nagkamali. Si papa nga! Kasama si kuya! "Papa!" Sabay yakap ko sa kaniya. "Pasha!" "Papa, si Finlay nga po pala." Pakilala ko sa kasama ko sa kanila. "Boyfriend ko po." "Good afternoon, sir. It's nice to meet you po." "Magandang tanghali din sa iyo, iho." Saka tumikhim siya. "Kumain na tayo habang nag-uusap." Muli ko tiningnan ang reaksyon ni Finlay. Parang kalmado siya? Parang balewala lang sa kaniya ang intimidation? Hindi ba siya natatakot? Sa mga napapanood ko sa tv at mga nababasa ko, madalas natatakot ang mga lalaki kapag ipapakilala na sila sa pamilya ng girlfriend niya? Pero kahit ganoon, natutuwa pa rin ako. "Taga-saan ka pala, iho?" Pormal na tanong ni papa kay Finlay habang kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian. "Taga-Cavite po. Pero ipinanganak po ako sa Hong Kong." Pormal din na sagot ni Finlay. Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Ngayon ko lang nalaman iyon. Sa Hong Kong ipinanganak si Finlay?! Hindi niya nabanggit sa akin iyon, ah? Shunga ka, Pasha! Malamang, hindi ka kasi nagtatanong! Pinapanood ko ang reaksyon nila. Hindi sila makapaniwala sa isinagot ni Finlay. I know, I caught a big hell fish from the ocean! "Ibig sabihin, full chinese ka?" Si mama naman ang nagtanong. "Yes po. Pero dito din naman ako sa Pinas lumaki, along with my cousins kaya wala pong problema." Nanatili pa ring pormal ang tugon niya. "Teka, ipinakilala mo na ba si Pasha sa pamilya mo?" Si kuya ang nagtanong na nakaunot ang noo. Naku, nag-uumpisa na yata siya! "Yeah, unfortunately, my father wasn't there. He's busy with his business. Ipapakilala ko pa rin si Pasha sa kaniya for a formality." Wala na akong narinig pang sunod na tanong mula sa kanila. Parang natameme sila. Marahas akong lumunok. Kumuha ako ng isang baso ng tubig saka uminom ngunti nanatili pa rin akong nanonood sa kanila. Rinig ko ang pagtikhim ni kuya. "Sige, walang problema sa amin na may relasyon kayong dalawa ng kapatid ko. Bibigyan kita ng isang kondisyon..." Nakatingin sa kaniya si Finlay. Inaabangan ang susunod nitong sasabihin. "Ayokong uuwi iyan na umiiyak" Ngumiti siya kay kuya. "I will." "Mabuti at nagkaitindihan tayo." "May gusto din po sana akong ipaalam sa inyo. Sana mapayagan ninyo..." "Ano iyon, iho?" Nakangiting tanong ni mama. "Ipapaalam ko lang po si Pasha na sumama sa amin papunta sa Bacolod para magbakasyon. Kasama ang mga pinsan ko. They personally invite her to come with us." Biglang kumabog ang dibdib ko sa aking narinig. Oh my, heto na. Nagpapaalam na siya sa magulang ko para isama ako! "Ang layo, iho." Kumento ni papa. "Don't worry po. I will take care of her. Hinding hindi ko po hahayaan na mapahamak si Pasha. She's my responsibilty. It's my duty as her boyfriend... Po." "Hm, kailan naman ang alis ninyo?" "After final exams po. Once na pumayag po kayo, tatawagin ko po si Fae para ayusin na ang plane ticket ni Pasha. Ang pagpayag lang po ninyo ang hinihintay ko. Sana po ay mapayagan ninyo po siya..." "Panghahawakan ko iyang pangako mo, iho. Aalagaan mo si Pasha sa buong byahe ninyo." Napaawang ang bibig ko sa sagot ni papa. Pumayag siya na sumama ako sa gala ng magpipinsang Ho! Dahil d'yan nakahinga ako ng maluwag! Bumaling si Finlay sa sa akin saka ngumiti. Ngiti rin ang naisagot ko. After namin kumain ay nagprisinta si Finlay na maghugas ng pinagkainan pero tumanggi si mama. Instead, sinabi niya sa akin na maggala daw muna kami o kaya magpahinga muna dahil sa byahe namin. So ang balak namin ni Finlay ay magpahinga na muna siya, imbis sa kuwarto ko siya matulog at sa salas nalang daw siya ako daw ang magsiesta sa mismong kuwarto ko. Mga alas kuwarto nalang daw kami gagala dahil mainit pa sa labas. "Anak?" Tawag sa akin ni mama nang pumasok siya sa kuwarto ko. "Yes ma?" Sabay lingon ko sa kaniya. "Bakit po?" Ngumiti siyang lumapit sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Hindi ko akalain na nagkaboyfrend ka na, anak." Pinagmamasdan niyang mabuti ang aking mukha. "Nagiging hiyang ka din sa kaniya. Parang nananaba na nga din. Kumikinis ka pa. Inshort, blooming ka." Saka mahina siyang tumawa. Napangiti ako. "Kasi ang totoo niyan, ma. Tinulungan niya akong maging ganito. Niligawan niya ako noong pangit pa ako." "T-talaga?" Tumango ako. "Siya pa ang gumawa ng paraan para gumanda ako, ma. Ayaw niya kasing may mang-aaway sa akin dahil pangit ako. Ayaw niyang pinagtatawanan ako... Tanggap niya ako, ma. Kahit pumangit pa ako ulit." "Masaya ka ba sa kaniya?" "Opo, ma." Mabilis kong tugon. Tumango siya na parang naiitindihan niya ako. "Kung saan masaya ang bunso ko, masaya na din ako." Pagsapit ng alas kuwatro ay lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Finlay na masayang nakikipag-usap kina kuya at papa sa garahe. Pinag-uusapan nila tungkol sa motor. Malaman na siguro nila na minsan nagkakarera ito kaya nagbigay ito ng interes sa kanila. After n'on ay sinabi ko na huwag na dalhin ang sasakyan niya. Sa halip ay ipinahiram pa ni kuya ang motor niya kay Finlay which is nakakagulat dahil madamot siya sa kaniyang saskayan maski sa mga tropa niya. Kay Finlay lang siya naging ganyan! "Mag-ingat sa pagmamaneho, iho." Nakangiting paalala ni mama sa kaniya. "Opo, tita." Saka binuhay niya ang makina ng motor hanggang sa nakaalis na kami. Pagdating namin sa bayan ng San Pedro. Gusto kong ipasubok sa kaniya ang pagkain na pancit maciang which is sikat dito sa amin. Katabi lang din ng kainan ang bilyaran. "Pancit with egg and ketchup?" Hindi makapaniwalang sabi niya nang inilapag na ang mga plato sa harap namin. "Isn't that possible?" "Masarap 'yan. Try mo." Sabi ko sa kaniya. Itinapat ko din sa kaniya ang tray na may paminta, ketchup, at toyo. Hindi siya nagsalita. Ginawa niya ang sinabi ko. Dinagdagan niya ng ketchup ang pacit saka hinalo-halo niya iyon. Sumubo siya ng isa at pinag-aralan niya ang lasa n'on. Kita ko ang kaniyang reaksyon an tumaas ang dalwang kilay niya na dahilan para napangiti ako. "Kamusta ang lasa?" Tanong ko. Bumaling siya sa akin. "Gusto kong mag-take out nito." After namin kumain ay pumunta kami sa Plaza para magpahinga ulit. Itinuro ko sa kaniya ang school kung saan ako dati nag-aral pati ang sikat na gotohan dito. "Pasha?" Sabay kaming napalingon nang may tumawag sa akin. Isang pamilyar na boses. Nang makita ko kung sino iyon ay agad akong nanigas sa aking kinakatayuan. Sina Imee, Leah, at Rubylyn... Dating kaklase ko noong high school palang ako... Ang dahilan kung bakit gusto kong lumipat ng eskuwelahan dati. "Wow, hindi ko ineexpect na makikita pa kita dito. Akala ko patay ka na." Sabi ni Imee saka tumawa silang tatlo sa harap namin. Napayuko. Lihim ko kinagat ang aking labi. Bumuhay ang takot sa aking sistema. Parang nanginginig ang kalamnan ko. Gusto kong umalis sa harap nila pero hindi ko magawa. Parang may mga ugat ang paa ko na ayaw akong paalisin sa puwesto ko. "Oy, may guwapo ka palang kasama." Dagdag pa niya. Humakbang siya palapit kay Finlay. "Ito ba'y bagong biktima mo, Pasha? Kung hindi ako nagkakamali, sinasamahan ka niya dahil naaawa lang siya sa iyo. Pilit niyang sinisikmurahan na kasama ka!" Saka tumawa ulit sila. "Kuya pogi, sa amin ka nalang sumama. Iwan mo nalang iyang pangit na iyan." "Pero infairness, nawawala na iyang mga pimples niya." Segunda pa ni Leah. Tumawa si Imee. "Kahit anong pagpapaganda niya, hindi pa rin maalis na pangit siya!" "Mas hindi ko nasisimurahan ang mga pinagsasabi mo sa kaniya, miss." Rinig kong sabi ni Finlay.  Natigilan silang tatlo. Napaawang ang bibig nila habang nakatingin sila kay Finlay. Dumapo ang palad niya sa aking braso na dahilan para mas lalo ako napadikit sa kaniya. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay binabastos ang girlfriend ko." Mariin at may bahid na galit sa boses niya. Natameme sila. "G-girlfriend?" "Yes, I'm her boyfriend. Any problem?" Ramdam ko nalang na hinalikan niya ang buhok ko. "She will be my wife soon. So back off." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD