Matiwasay natapos ang final exams ko. I mean, namin ni Finlay dahil sa iisang school lang kami. Nasabi na din niya sa akin na ayos na daw ang plane ticket na si Fae ang nag-asikaso n'on kaya wala na daw ako poproblemahin pa. Excited ako na kinakabahan. Papaano kasi, first time ko ito.
Kasama din naman sa goals ko na makapagtravel sa iilang lugar sa Pinas pero hindi ko akalain na mapapaaga dahil kay Finlay. Thankful na din ako.
Kinabukasan din iyon ay umalis na kami. Umaga ang alis namin kaya maaga ako sinundo. Hindi lang siya, kasama na din ang mga pinsan niya (including Naya and Flare) na nasa iisang van lang dahil hindi naman nila madadala ang mga sasakyan nila. May driver din silang kasama.
"Natext mo na ba si Mikhail?" Tanong ni Suther kay Finlay habang nasa byahe na kami papunta ng NAIA.
"Yeah, nakaready na daw ang hotel suites. Tayo na lang daw ang kulang. Nakahanda na din daw ang gagamitin din nating kuwarto sa isang hotel kapag nasa Boracay na tayo." Tugon niya na hindi niya tinitingnan ang kaniyang pinsan.
"Alright!" Malakas na sabi ni Kal na nasa likuran lang namin. Mukhang excited nga siya.
"Buti nakasama si Pasha sa atin." Bakas sa boses ni Fae ang kagalakan. "Buti naipaalam mo siya sa kanila, Ahia."
"Hindi naman kasi ako sasama sa inyo kung hindi rin siya kasama." Kumento niya. Bumaling siya sa akin. "Babe, I know you're still sleepy. Matulog ka muna."
Tumango ako. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko para humilig sa kaniyang balikat. Ang totoo niyan ay medyo inaantok pa nga ako dahil alas kuwatro palang ng madaling araw ay ginising na ako ni Amanda. Alam niya kasing tulog-mantika ako kaya ayan. Kahit na inaantok pa ako kay napilitan akong maligo ng wala sa oras.
It takes few hours bago man kami nakarating ng Bacolod. Kahit papaano ay nakabawi ako ng tulog. Hindi na ako masyado inaantok pagkalapag ng eroplano sa lugar.
Hinihintay na din daw kami ni Mikhail sa Arrival Area dahil siya ang nag-asikaso ng lahat. Tulungan daw sila ni Fae dito. Nabalitaan ko na pinsan din nila ito. Kapatid ng mga tatay nila ang mama nito but originally ay taga-Aklan ito.
"Mikhail Ahiaaaaaaa!" Tili ni Fae nang nakalabas na kami.
Isang lalaking nakasandal sa van ang bumungad sa amin. Nakasimpleng v-neck shirt at maong pants ang suot niya. Mukhang matino na animo'y hindi marunong gumawa ng masama. Inosente. Kumaway siya sa aming direksyon na nakangiti. "Kamusta kayo?" Malumanay niyang tanong sa amin.
"Medyo pagod kahit na natulog naman kami kanina." Sagot sa kaniya ni Archie. Bumaling siya sa akin. "By the way, Pasha. Si Mikhail nga pala. Isa sa mga pinsan namin."
"H-hello!"
"Sa wakas, nakilala na din kita, Pasha." Mahina siyang tumawa. "Oh siya, puntahan na natin ang hotel para makapagpahinga na kayo." Sabi niya.
Dahil kami lang ni Naya ang may jowa sa grupo na ito. Dala nina Keiran at Finlay ang mga gamit namin. Inalalayan pa nila kaming makasakay. Rinig pa namin ang kantyaw ng iilang pinsan nila dahil siguro hindi sila sanay na maging sweet ang mga ito. Lalo si Flare. Lakas mang-asar kaya mura tuloy ang inabot niya mula sa dalawa.
Sa L Fisher Chalet Hotel kami pala nagbook si Mikhail. Mabuti nalang may mga nakareserved nang mga kuwarto kaya kuha nalang ng susi.
So bale ang makakasama ko sa kuwarto ay sina Fae at Naya, obviously. Bahala na ang mga boys kung sinu-sino ang makakasama nila sa mga kuwarto.
"Ayaw talaga sa akin ni Keiran, oh." Rinig kong reklamo ni Flare habang papunta.
"May magagawa ka ba kung ayaw ko?" Sabi niya na nakasimangot. Dahil na rin sa pagod ay pinili nalang namin na balewalain nalang ang ingay nila.
Hindi ko maiwasang mamangha nang nakapasok na kami sa kuwarto. Family room ang kinuha nila para sa amin. Dahil tatlo lang kaming babae, kani-kaniyang kama lang kami. Kani-kaniyang ayos na din kami ng gamit.
"Mga ilang araw ba tayo dito?" Tanong ni Naya kay Fae.
"Mga dalawa after that, diretso na tayo sa Aklan."
Pumukaw ng aking atensyon ang Infinity Pool na nasa labas. Dinaluhan ko ang bintana saka hinawi ko ng bahagya ang kurtina.
"Oh! Balita ko may roof deck infinity pool din ang resort na ito kaya ito ang kinuha namin ni Mikhail ahia." Segunda ni Fae.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yep. So mamaya may pupuntahan tayo..." Nakangising sabi niya. "There's big event for us."
Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi niya ng huli. Ano kayang big event na sinasabi niya?
"Pero, tanong ko lang, Pasha. Mahal mo talaga si Finn?" Si Naya naman ang nagtanong na nakangiti.
Inilapat ko ang mga labi ko ng ilang segundo bago ako sumagot. "Hindi naman siya mahirap mahalin, eh." Pag-amin ko.
Hapon na din kami nagising. Pakiramdam ko, bumalik na ang energy ko pagkagising. Sakto naman na kinatok kami ng mga boys. Si Naya na ang lumapit sa pinto para buksan iyon. Tumambad sa amin ang dalawang lalaki. Sina Keiran at Finlay.
"Naku! Narito na silaaa!" Natatawang tili ni Fae nang pumasok ang dalawa.
Agad nilapitan ni Keiran si Naya habang si Finlay naman ay malapad ang ngiti habang papalapit sa akin. Hinalikan niya ang noo ko bilang pagbati. "How's your sleep, my wife?"
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ayos naman. Feeling bumalik lahat ng nawala kong energy." Sagot ko.
Tumabi siya sa akin. "Makikita mo na 'yung sinasabi kong surprise." Bulong niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko. "Talaga?"
He nodded. "Yep. And please be prepare."
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit inaayusan ako ng todo nina Naya at Fae. Nakaputing cocktail dress ako at stilettos. Habang sila ay simple ang dress. Ilang beses na akong nagtatanong sa kanila pero ni isa sa kanila ay hindi ako masagot. Ni hindi man lang sila nagbigay ng clue!
Suko na ako. Wala na akong magagawa.
Nang matapos na nila akong bihisan at ayusan ay nagpasya na kaming lumabas. Mas ipinagtataka ko kung bakit wala na ang mga kasamahan namin. Wala pa rin akong ideya kung anong nangyayari!
Lumabas na kami sa hotel nang biglang may tumigil na puting kotse sa harap namin. Lumabas mula doon si Mikhail. Napataas ang isang kilay ko nang makita kong naka-tuxedo siya!
"May party ba tayong pupuntahan?" Tanong ko sa kanila.
Imbis sagutin ako ay nginitian na naman nila ako!
"Naghihintay na sila." Sabi ni Mikhail sa amin.
Gabi na pero hindi ko madescribe ang pakiramdam ko ngayon habang papasok ang sasakyan sa The Ruins. Yes, narito kami ngayon sa Talisay. It's an abandoned structure of a mansion. Nakakatakot daw pero hindi iyon ang naramdaman ko. Dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa mansyon na ito, mas lumalabas ang ganda nito. Classic and elegant.
"Here we are, Pasha." Mahinang sabi sa akin ni Naya nang nakalabas na kami ng kotse.
Mas ipinagtataka ko kung bakit sinabitan nila ako ng belo at binigay sa akin ang isang bouquet. They told me to walk in the first set of stairs to the mansion's entrance way. So I did.
Pabilis ng pabilis ang kabog ng aking dibdib habang naglalakad sa loob. Sinundan ko ang mga nakakalat na petals.
Tumigil lang ako nang nakita ko ang mga kasamahan ko na nakatayo sa parte ng mansyon na ito. Isang bulwagan. Lahat sila ay nakapormal ang suot. Napasapo ako sa aking bibig nang humarap sa akin si Finlay. Naka-tuxedo din! Ang mas ikinagulat ko pa may isang may-edad na lalaki na nasa tabi niya. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Lahat sila ay nakangiti.
Until I reached him. "F-Finn..." Basag ang boses ko ang tawagin ko ang pangalan niya. "A-ano ito?"
"This is my surprise for you, babe." Saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. "I want to make a vow with you."
Lihim ko kinagat ang aking labi. Hindi ko magawang umangal o anuman. Naiiyak ako na ewan. Siguro dahil sa gulat na ganito pala ang gagawin niya!
"If you are ready to assume the obligations and duties before God, as I have defined them you will unite your hands and pledge your love and your lives to each other." The officiant said. "Finlay and Pasha, do you, present yourselves willingly and of your own accord to be joined marriage?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Finlay. Pareho kaming napangiti. "We do." Sabay namin tugon.
"Will you promise to care for each other in the joyus and sorrows of life, come what may, to share the responsibilty for growth and enrichment of your life together?"
"We do."
Magkaharap kaming dalawa habang magkahawak ang mga kamay namin. "Today, I promise you that though the world may change, and though we may change with it... I will always alove you, always treasure you, and will share all that I am with you. I am proud, form this day forward, to be your wife/husband." Sabay naming wika tulad ng inistruct sa amin ng officiant.
Lumapit sa amin sina Keiran at Naya para iabot sa amin ang dalawang singsing. Unang kinuha ni Finlay ang isa habang hawak niya ang isa kong kamay. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata na hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Pasha, I promise to give you the best of myself and to ask of you no more than you can give. I promise to respect you, to share with you my time and my attention and to bring joy, strength and imagination and relationship. I promise to love you in good times and in bad. Completely and forever." Saka ipinadausdos niya ang singsing sa aking palasinsingan.
Sunod ay kinuha ko ang singsing na hawak ni Naya. Hinawakan ko din ang isang kamay ni Finlay. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Finlay, I will take you as my other half. I promise that you will be my light and my everything. On this night or day, I give you my heart, my promise, that I will walk with you hand in hand. Wherever our journey leads us. Together, forever." Hanggang sa tuluyan kong isinuot sa kaniya ang singsing.
Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ng officiant dahil pakiramdam ko ay nanaginip pa rin ako. Biglaang kasal pero kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisisihan.
"You may now kiss the bride." The officant finally announced.
Marahan dumapo ang mga palad ni Finlay sa magkabilang bewang ko habang ako naman ay ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Marahan akong pumikit hanggang sa naramdaman ko nalang ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.
Rinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga taong nasa paligid namin.
"I love you so much, Pasha." Mahina at namamaos na sabi ni Finlay nang humiwalay na ang mga labi namin.
"I love you too, Finn." Tugon ko bago man niya inilapat ang kaniyang noo sa noo ko.