chapter 15

2169 Words
Masaya kong tinatanaw ang dagat habang nairito kami sa bangka. Papunta na kami sa Boracay. Syempre, katabi ko si Finlay-hindi ko masasabi kung mag-asawa na ba kami o magboyfriend pa rin kami. It doesn't matter to me dahil suportado ko din siya sa mga gusto niya. Sa Boracay Mandarin Island Hotel kami tumigil. Si Finlay pa rin ang nagdadala ng mga gamit ko. Hinayaan ko nalang siya dahil paniguradong hinding hindi niya ako papayagan na magbuhat ng mga gamit ko. "Dahil mag-asawa na sina Finlay at Pasha, I seperate the..." Sabi ni Mikhail na ikinalunok ko. Napalunok ako sa salitang 'mag-asawa!' "Oh! Bakit nga ba tayo dito? Honeymoon na nila." Rinig namin si Kal na parang nang-aasar pa. Biglang sumagi sa isipan ko na alam ba nina tita Fiorella tungkol dito? Na bigla ang kasal namin ni Finn? Hindi kaya magagalit siya? Lalo na ang papa niya? Shocks, single ako nang umalis ako sa amin, pagbalik ko, may asawa na ako! Ano ba itong pinasok ko?! "Two deluxe suite and two grand pool side ang nireserved ko." Dagdag pa ni Mikhail. 'Yung grand pool side na kinuha ko, kina Finlay at sa asawa niya then 'yung n'on para kina Fae at Naya, the rest sa inyo na." "Ayos. Galing mo talaga, cous!" Sabi ni Suther. "But, I wonder about bar or clubs here." Si Archie naman ang nagsalita. "Sus, chick hunting ka na naman." Kantyaw sa kaniya ni Kal. "Shut up." "Pero, usapan din natin na ang reception nina Finn at Pash sa bar! Drink and party all you can tayo doon." Sabi naman ni Flare na nakangisi. "Pakalunod na us." "Bahala kayo mag-usap-usap d'yan, magpapahinga na kami ng asawa ko." Malamig na sabi ni Finlay sa kanila saka inakbayan ako. "Let's go, babe." Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniyang gusto. Iniwan na namin ang mga kasamahan namin doon sa lobby hanggang sa na tuluyan na kaming nakalayo sa kanila. Kapag talaga sila ang magkakasama, ang iingay nila. Malayo sa ineexpect ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha nang nakapasok na kami sa kuwarto. Mula sa pinto ay tanaw namin ang pool at may mga sun lounger sa tabi nito! "Ang ganda!" Bulalas ko sabay lapit sa sliding door. I can feel the cold breeze within my skin. Ilang saglit pa ay ramdam ko ang braso niya na nakapalupot na sa aking bewang. "I'm glad you like it, babe." He whispers. "This is the first day as my wife and as your husband for real." Napanguso ako. Marahan kong kinalas ang kaniyang braso sa aking bewang para harapin siya. Nagtama ang mga tingin namin. "Nagtataka lang ako, Finn. Bakit hindi man lang tumutol ang mga pinsan mo sa suprise wedding na 'yon? At saka, hindi ba, ikaw mismo nagsabi kay tita Fiorella na masyadong maaga para sa atin ang magpakasal?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Hinawi niya ang takas kong buhok saka dumapo ang palad niya sa magkabilang bewang ko. Ngumiti siya habang nakatitig siya sa akin. "As what you can see, my babe, they're so supportive for us. Ni minsan ay hindi sila tumatanggi o kumokontra kung alam nilang iyon ang ikakaligaya ko. About mama, actually, she knew about this, especially dad. Ilang beses na rin ako kinulit ni mama na pakasalan na daw kita. She threaten, itatakwil daw niya ako. Well, pinakasalan kita dahil mahal kita, hindi dahil napilitan ako. Gusto kong itali ko na ang sarili ko sa iyo, Pash." Then he plant a small kiss on my forehead. I can't ablie to say words. Ngayon ang problema ko, papaano ko sasabihin sa pamilya ko na kasal na ako?! Paniguradong kurot sa singit ang aabutin ko kay mama kapag nagkataon! "I know you're tired. Let's get some sleep. Para pagkagising mo, maghahanda nalang tayo para sa party." Malumanay niyang sabi. Tahimik akong tumango at ngumiti. Nagising ako ay hapon na. Pagkadilat ko ay tulog na Finlay ang tumambad sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mukhang mahimbing pa ang kaniyang tulog pero ramdam ko na masaya siya base sa kaniyang mukha. Kusang gumalaw ang isang kamay ko at maingat kong hinawakan ang kaniyang buhok habang pinagmamasdan ko nang mabuti ang kaniyang mukha. Sa puntong ito, pinag-aaralan ko ang lahat sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang ay nakakilala kami sa hindi inaasahan na lugar at pagkakataon. Ngayon ay asawa ko na siya. Masyadong mabilis para sa akin ngunit balewala lang. Siguro dahil na din sa sobrang suporta ng pamilya at kamag-anakan niya na binibigay niya para sa relasyon naming dalawa. "Patuloy ka lang ganito, Finn, malulunod na ako..." Mahina kong sabi habang nanatili pa rin akong nakatitig sa guwapo niyang mukha. "I will, my babe." Sagot niya na namamaos. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "K-kanina ka pa gising?" Tanong ko. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. "Hindi naman... Bigla ko narinig ang boses mo." He said and he give me his sweetest smile. "Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang bumubungad tuwing dumidilat ako, Pash." Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko nalang bigla ang pagkabog ng aking dibdib sa kaniyang sinabi. May hatid na kiliti sa akin ang mga salita niyang iyon! Nakatanggap din kami ng text message mula kay Fae na 10 o'clock kami aalis sa Hotel para pumunta sa Club Paraw Boracay. Kita-kita nalang daw kami sa Lobby para sabay na daw kaming pumunta sa Club na sinasabi niya. Sa Station 1 pa daw kasi iyon. Sinabi ko din sa asawa ko ang sinabi ng pinsan niya. "You want to swim first? Going somewhere?" Malambing niyang sabi habang kahahiga siya sa kandungan ko. Ngumiti ako habang pinaglalaruan ko ang kaniyang buhok. "Pwede rin tayo magswimming. Marami pa naman tayong oras." Bumangon siya. "As my wife says, papahatid nalang ako ng dinner dito." "Hindi ba natin pupuntahan ang mga pinsan mo para sabay nalang?" Nagtatakang tanong ko. "Babe, based at Fae's message. She didn't want to disturb us. Instead, she left a message." Malumanay pa rin niyang sagot. Tumango ako na parang naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko inaasahan na binilhan pala ni Finlay ng two piece! Sa buong buhay ko, hindi ko maimagine na magagawa niya iyon! It's a plain black and white color ang naturang swim wear na iyon. Medyo nahihiya pa nga ako isuot iyon. Sigurado dahil na din sa adjustment. Hindi ako sanay na may ibang taong makakita ng katawan ko. "Don't hide, babe." Natatawang sabi niya habang yakap-yakap niya ako. "Nakakahiya sa iyo, Finn!" Sabi ko na nakangiwi. "I'm your husband, I don't it, anyway. I just wanna see how beautiful my wife is." Iyan na naman siya! Dinadaan na naman niya ako sa lambing! Kainis naman ito, eh. Napabuntong-hininga ako. Kita ko ang pagtitig niya sa aking katawan. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa tingin niyang iyon! Hindi ko malaman kung wala lang sa kaniya o may malisya ba. "Your body got improved, babe." He commented. Nagtama ng mga tingin namin. "You started few weeks but I can see your curves." Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lumapit siya sa akin at walang sabi na binuhat niya ako in a bridal style! Napatili ako sa ginawa niya. Naglakad siya patungo sa pool na katabi lang ng kuwarto at bigla siyang tumalon! "Salbahe ka!" Tili ko sabay mahina ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Tinawanan lang ako, aba! May pagkapilyo pala ang isang ito! Mas lalo niya inilapit ang kaniyang katawan sa akin. "You're so cute, babe. I want to see all of them. Your expressions and I love them." Saka hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. Isang oras lang kaming nanatili sa pool. May sumagi sa isipan ko kanina na ideya. Nag-iisip kasi ako kung ano bang pwedeng gawin habang naghihintay kami ng oras na umalis patungo sa Station 1. After dinner ay nagpasya muna kaming gumala ni Finn. Mas active ang isla tuwing ganitong oras lalo na siguro kapag gabing gabi na. Ang ganda pa ng view, lalo na ang kulay orange na langit. May mga naririnig kaming mga party songs sa paligid habang naglalakad kami. May namataan akong stall na abala ang isang babae at isang lalaki na ayusin ang mga gamit nila. Napangiti ako. "Finn," Tawag ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin na nagtataka. "Yes, babe?" "Parang gusto kong matry na magpa-tattoo..." Walang alinlangan na sabi ko. Tumaas ang isang kilay niya na tila nagulat siya sa sinabi ko. "Are you sure?" Paniniguro niya. Ngumuso ako. "Oo." Tahimik siyang tumango. Dumapo ang palad niya sa bewang ko. "Babe, it takes seven to eight hours if you can stand it." Malumanay niya. Ngumisi akong bumaling sa kaniya. "Henna tattoo nalang. Heheh." Mahina siyang tumawa at umiling-iling. "Alright, then." It takes twenty minutes ang henna tattoo session. Naisip ko din kasi kapag magpapapermanent tattoo ako, paniguradong hindi ako aabot sa party na inaabangan ng magpipinsan. Siguro kapag nakabalik na kami ng Cavite, doon ko isasagawa ng plano ko. Hahaha. Napagkasunduan naming dalawa na ipapahenna namin ang braso namin. Date ng kasal namin at pangalan namin sa dibdib kung nasaan ang puso namin. Dahil may pagkapossessive ang asawa ko, ang babae ang gumawa para sa akin. Pansin ko na nababalutan ng tattoo ang mga braso at leeg nito. "Mukhang mahal ninyo ang isa't isa, ha." Nakangiting sabi sa akin ng babaeng artist. Ngumiti ako. "Sobra." Sagot ko. "Sana tumagal pa kayo. Tulad ng hubby ko." She referring the guy artist na may hawak kay Finlay. Sana nga po... Sana talaga tumagal kami... After ng henna tattoo session namin ay masaya kaming nakabalik ng hotel. Medyo gulat pa ako dahil may damit na nakatambad sa kama. Dahil din sa kuryusidad ay tiningnan ko iyon. Two piece swim suits iyon. Medyo nasasanay na din ako dahil nasa beach kami. Alangan magpantalon at maging Maria Clara ako dito. Hehe. Off shoulder ang pang-itaas nito habang ang pambaba nito ay floral print ruffles cut out, high waist pa. The clock strikes at ten in the evening, sinuot ko na 'yung bigay na two piece ni Finn. He's toples at board shorts ang suot niya. Tanaw ko ang mga kasama namin na nagkukumpulan sa lobby. Medyo maingay po sila. Nangingibabaw ang mga boses nina Kal at Flare na parang inaasar nila ang isa sa mga pinsan nila. "Narito na sila!" Fae announced sabay turo sa direksyon namin. Napaawang ang bibig niya nang makita niya ako. "OMG! Ang ganda ng swin wear mo, Pash!" Ngumiti ako ng matamis sa kanila. Pareho silang naka-two piece ni Naya. Ang gaganda din ng mga suot nila. Mas tumingkad ang kaseksihan na meron sila! Marami na ang tao pagdating namin sa naturang club kung saan daw isecelebrate ang kasal namin ni Finn. Malakas na dumadagundong ang mga nakakaindak na kanta mula sa malalaking speaker. May mga bumabaha ding mga inumin at pica-pica. "Cheeeeerrrsss!" Sabay naming sabi habang inaangat namin ang mga braso. Mojito ang kinuha kong inumin. "Alam naming late na pero best wishes, Finn and Pash!" Bulalas ni Fae. "Kakaibang reception ito. Sinong nakaisip nito?" Tanong ni Vlad. "Sino pa ba? Eh di si Finn!" Natatawang sagot ni Kal sa kaniya. "Ayos nga ito. Hindi masyadong pormal. I mean, walang kj." Kumento ni Suther saka linagok niyia ang tequila. "Feel ko sumayaw! Let's go!" Malakas na sabi ni Fae. "Ay, wait, shot muna ulit ako." Hindi ko sukat akalain na party goer pala ang mga ito. Kay Fae palang, ang lakas pala uminom ng isang ito. Si Naya naman nakikisabay lang sa kaniya pero naroon pa rin ang pag-aalalay sa kaniya ni Keiran. Bantay-sarado. Hahaha. Nakat-tatlong shot palang ako pero ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Medyo nahihilo na din ako. Sumulyap ako kay Finn na nakikipagkwentuhan kay Archie habang nakaakbay siya sa akin. Parang wala lang sa kaniya ang ininom niya. Ang sabi sa akin kanina ni Fae, may mga kalyo na daw ang mga atay ng mga lalaking Ho. Maya-maya pa ay hinatak na ako nina Naya at Fae sa dance floor para sumayaw na. Mukhang excited na nga ang mga ito. The music switch into a sensual (medyo lang) song. Nasa gitna na kaming tatlo. Nag-umpisa na si Fae na igalaw ang kaniyang katawan. Bumaling ako sa direksyon ni Finn, nakangiti siyang nakatingin sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya pabalik. Ilang saglit pa ay nagagawa na namin ni Naya na sumayaw. Sinunsundan lang namin kung anong ginagawa ni Fae. "Pansin ko lang, Pash. 'Yung tattoo sa may braso at dibdib mo. Ngayon ko lang nakita." Puna ni Naya. "Kanina lang ito. Saka henna lang ang nakayanan dahil kapag permanent tattoo, matatagalan kami." Sagot ko saka lumagok ng s*x in the beach na cocktail habang nanatili pa rin kami sa dance floor. Maya-maya pa ay parang hindi ko na kilala ang sarili. Hindi lang mukha ko ang nag-iinit, maski ang pakiramdam ko, mainit na din. Sinubukan kong tumingin kay Finn pero wala na siya doon. Nasaan na iyon? Ramdam ko nalang ang braso na pumulupot sa aking bewang. "It seems like my wife is already drunk..." Bulong sa akin ng isang pamilyar na boses. Namamaos. Napalunok ako. Parang nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nakakatindig balahibo ang tono ng boses niya! "But I didn't expect that my wife is hot as hell..." Dagdag pa niya. "F-Finn..." I tried to be calm but I can't! Nagwawala ang kung ano sa aking tyan! "Let's leave this place. I want to be with you, alone, babe..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD