chapter 8

1637 Words
Sunday morning ay sinundo ako ni Finlay dito sa dorm. Nakasuot ako ng simple printed shirt, leggings and pair of rubber shoes. Nakapusod pa ang buhok ko. Back pack din ang dala ko kung saan nakalagay ang mga gamit at damit ko pamalit. While Finlay wearing grey sweat pants and black hood jacket. Ngayon na kami magpapamember sa gym. Kinakabahan na naman ako. Lahat na ginagawa at pinupuntahan ko, first time. Nangyari ang mga ito buhat nang nakilala ko si Finlay. Medyo maraming tao dito sa loob ng gym. Busy sila sa kanilang ginagawa. May isang babae na lumapit sa amin na nakangiti. "Hi, what can I do for you?" Tanong niya sa amin. "Magpapamember." Sagot ni Finlay sabay akbay sa akin. "And please give an instructor for her. Babae dapat." Bumaling sa akin ang babae na tila hindi siya makapaniwala. Maya maya pa ay muli siyang ngumiti. "Oh, sure. This way po." Sumunod kami sa kaniya. May inilabas siyang dalawang papel. Pinafill-up niya sa amin ang mga iyon. Habang ginagawa namin iyon ay umalis siya saglit para hanapan ako ng instructor. Bumalik ito na may kasama na. "Oh, Finlay! Biglaan ang punta mo dito." Sabi ng instructor. "Yeah, I'm with my girlfriend. Babe, this is Rosette, she's gonna be your instructor. She's a good friend." Pakilala niya ito sa akin. Sa akin tumingin ang Rosette na nakangiti. She's has a genuine smile. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "Hi, Finlay's girl. It's nice to meet you." Walang alinlangan na tinanggap ko ang palad. "Pasha." Pakilala ko sa aking sarili. Ilang saglit pa ay inumpisahan na namin ang work out. Lumayo muna sa amin si Finlay. Dumiretso siya sa locker para daw magbihis. Wala pang limang minuto ay bumalik siya na naka-itim na sando at ganoon pa rin ang pambabae niya. Ngumiti siya sa akin saka dumiretso na siya sa trendmill at tumakbo doon habang nakasalpak ang earplugs sa tainga niya. Tinanong ako ni Rosette kung anong klaseng katawan daw ba ang gusto ko. Goal daw kumbaga. Sinabi ko na ipapatone ko lang ang katawan ko dahil nga sa sobrang payat ko na daig ko pa ang kalansay. Then binigyan niya ako ng ilang stunts para lumaki ang palakang at dibdib ko. Iyon lang daw ang mas maganda para sa akin. Iniimagine palang daw niya, ang sexy ko na daw. What? So I did squats three sets and fifteen repetitions. So on and so forth. Binigyan niya din ako ng ilang tips like work outs kapag nasa bahay lang daw ako. Minsan daw kasi tinatamad daw ang tao na pumunta sa gym. Okay lang daw na ganoon pero dapat ay imaintain pa rin daw ang work out hanggang sa makuha daw ang achivement o ang goal. Binigyan niya din ako ng tamang diet. Kung ano ang dapat at hindi kakainin. Malaking tulong daw iyon sa pagdadiet ko. Sabay pa rin kaming pumasok ni Finlay sa school. Hindi pa rin ako pinapalagpas ng mga mapanuring mga mata sa tuwing magkasama kami. Pero pilit kong balewalain ang mga iyon. At saka, tinatandaan ko 'yung mga sinasabi sa akin ni Finlay. Ayokong mastress o madown ako sa mga sinasabi nila. May mga nagsasabi naman na parang nagiging blooming daw ako. Syempre, humble ako. Hindi ko sinabi sa kanila na tinutulungan ako ni Finlay sa make over na ito. Para sa akin, privacy ko na iyon. Hindi naman din nila kailangan na malaman iyon. "Babe, sa Sunday gaganapin ang birthday ni Russel." Sabi niya sa akin habang naririto kami ngayon sa Cafeteria. Pass muna kami sa mga fast food, hindi kasi namin feel. Pareho kaming may topak. "Okay lang ba talaga na pumunta ako?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "Of course, my babe. You're my girlfriend. All of my cousins already know about you. Especially my parents." Napalunok ako bigla nang banggitin niya ang parents niya. "P-parents mo?" Ulit ko pa. Tumango siya habang nakangiti. "Yeah, and they can't wait to meet you." Sagot niya. Bigla ako ginpangan ng kaba sa sinabi niya. Shunga ka rin, Pasha! Malamang pupunta rin ang mga magulang ni Finlay sa birthday ng pinsan niya. Kamag-anakan niya ang mga iyon, eh! "My babe, are you alright?" Nag-aalalang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango. "O-okay lang ako. Ano kasi..." Napangiwi ako at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "Medyo kinakabahan ako, Finlay." Marahan niyang hinawakan ang aking kamay saka hinalikan niya iyon. "Are you scared? Huwag kang matakot kina mom at dad. I'm sure they will like you." Lihim ko kinagat ang aking labi. Sana nga ay magustuhan nila ako. My goodness. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniimagine ko nga lang, parang sasabog na nga ang puso ko. Papaano pa kaya kapag nasa mismong harap ko na sila? Mabait kaya sila? Istrikto ba sila? Ano? Pagkahatid ni Finlay sa akin sa dorm ay agad kong nilapitan si Amanda para magpatulong. Hindi ko alam kung anong isusuot ko para sa birthday party. Kung formal ba o casual. Ahhh! Bigla akong naistress! Siguro dahil sa ipapakilala ako ni Finlay sa parents niya! "Pasha, huwag kang masyadong kabahan. Ipapakilala ka lang naman." Natatawang sabi ni Amanda sa akin habang mahina niyang tinapik-tapik ang likod ko. Hindi ko nga malaman kung pinapagaan ba niya ang loob ko o nag-aasar! "Natatakot talaga ako! Papaano kung hindi ako gusto ng parents niya?" "Ano ka ba? Hindi mo naman kailangan maging stiff sa harap nila. You're a nice girl, kaya siguradong magugustuhan ka din nila." Wika niya habang hinahalukat niya ang kaniyang closet para pahiramin niya ako ng damit. May inilabas siyang knee-length vintage dress at isang pares ng white round top pump doon saka inabot niya sa akin. "Heto, bagay sa iyo ito." Sabi niya. Napabuntong-hininga ako saka tinanggap ang dress. Maganda ang design. Masyadong pambabae nga lang. Sumapit na ang araw na kinakataakutan ko. Ang birthday ni Russel. Inayusan ako ng todo ni Amanda. Buti nalang wala siyang trabaho ngayon kaya malaki ang tulong niya sa akin para sa araw na ito. Dahil wala akong alam sa make up ay hinayaan ko nalang siya kung ano ang nababagay na look. Mabuti nalang din ay hindi na ako tinutubuan ng tighiyawat sa mukha. Effective ang mga tips ni Pia sa akin. Gumagaling na din ang mga pimple scars ko kaya madali takpan ang mga iyon sa pamamagitan ng concealer o anumang make up ni Amanda. Inayos din ang buhok ko. Medium curls. Inaaya nga niya ako na minsan daw ay mag-spa daw kami o magparlor. "Amanda?" Tawag ko sa kaniya. "Yes, Pasha?" Parang hindi ako makahinga sa nakikita ko. Nanatili ang tingin ko sa salamin. "Ang galing mo..." "See? Ang ganda mo talaga! Nangingibabaw ang pagiging mala-kastila mong features! Thanks to tito Paulo's genes." She said and released a small laughs. Totoo, may halong Spanish si papa habang si mama naman ay puro Filipina pero mala-Imelda Marcos ang ganda niya noong kabataan nito. "Paniguradong hinding hindi ka na papakawalan ni Finlay kapag makikita ka niya." Dagdag pa niya. Ilang saglit pa ay rinig namin ang katok sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa ni Amanda. Lumapad ang ngisi niya na tila may ibig sabihin iyon. Pinatayo na niya ako't agad niyang pinasuot sa akin ang pinahiram niyang shoulder bag. Napalunok ako. Kinakabahan din ako sa maaaring reaction ni Finlay. Si Amanda na ang lumapit sa pinto para buksan iyon. "Hi, Finlay!" Masayang salubong niya. "Nakaready na ba si Pasha?" Tanong niya sa kaibigan ko. "Oo naman yes! Ready na ready na siya." Saka umalis siya sa harap ni Finlay para makita na ako nito. "Here she is!" Nagtama ang tingin naming dalawa. May hawak siyang bouquet. All of them are white roses. He's wearing a black suit (hindi niya binutones) and slacks. Itim din ang kaniyang sapatos. Pero ang panloob niya sa suit niya ay v-neck black shirt! Maganda din ang pagkaayos niya sa buhok niya. Nagtama ang mga tingin namin. A-ang guwapo niya... Muli ako napalunok. Ako ang unang bumawi ng tingin. Inilipat ko iyon sa sahig. Nahihiya ako! I heard his steps until he's in front of me! "For the most beautiful woman... In front of me..." Mahina at masuyo niyang sabi nang inilahad niya sa akin ang hawak niyang mga bulaklak. Nahihya peor hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang tanggapin ko iyon. "T-thank you..." Mahinang sagot ko. "Oy, tama na iyan. Baka malate na kayo!" Biglang sabat ni Amanda sa may pinto. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Pumikit ako ng mariin dahil sa kahihiyan. Rinig ko pa ang pagtawa niya. Alam kong nababaliw na naman ang isang ito. "Ingat kayo!" Malakas na sabi ni Amanda na may kasamang kaway pa nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Finlay bago man ito umusad. "Enjoy the party, Pash! Yie, ganda!" Kaloka ka talaga, Amanda. Nakakahiya! Ilang saglit pa ay umandar na ang sasakayan hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa harap ng dorm. Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana. The song First Kiss by A Rocket to the Moon was kicking in the stereo. "Wow." Bigla niyang sabi na dahilan para makuha niya ang aking atensyon. "B-bakit?" Tanong ko. He just nod and say, "Nothing, babe." Ngumuso ako. "Ano nga?" Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. He look straight into my eyes. He gently hold my hand and he bring himself close at me. He smiled. "You look beautiful, babe. I don't know but I think God was showing off when he created you." Napaawang ang bibig ko. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Umiinit na naman ang magkabilang pisngi ko. "F-Finlay..." Ang pangalan niya lang ang magawa kong sabihin. Mas lalo pa niya inilapit ang mukha niya sa akin. Halos maduling-duling na ako. Oh shete, ang bango niya! Marahan niyang ipinikit ang mga mata niya. Dahil diyan ay mariin akong pumikit. Hindi niya ako sa labi hinalikan kungdi sa noo. Napadilat ako at muli nagtama ang mga mata namin. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. "Mas lalo ako binigyan ng dahilan para hindi ka pakawalan, Pasha. Always remember this, mahal na mahal kita." Kung kanina natatakot ako, ngayon sa mga sinabi niya, kusang nawawala ang mga iyon!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD