Tulad ng pinag-usapan namin ni Finlay, inuna muna namin na pumunta sa isang clinic na nasa loob lang ng mall—Sa SM Dasmariñas. Babae ito at kakilala niya ang esthetician. Pinafill-up kami ng consultation form. After non ay pinapasok na kami sa opisina nito.
"Hi! Nakangiting bati niya sa amin nang nakapasok na kami sa loob. Nilhad niya ang kaniyang palad sa akin. "You must be Pasha, right? Finlay's girlfriend."
Hindi ko alam kung anong irereact ko, instead, tinanggap ko nalang ang palad niya ng ilang segundo pagkatapos ay binitawain ko din iyon.
"Glad to meet you finally, Pasha. Let's have a seat?." Alok niya. "By the way, I'm Pia."
Pagkaupo ko ay agad ko din binigay sa kaniya ang consultation form. Tinanggap niya iyon at binasa niya ng ilang saglit. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Can I ask what is your life style? Nagpupuyat ka ba?" Tanong niya.
"Ah.. Oo, dati. Dahil sa studies..." Sagot ko.
Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Pati iyon ay sinuri niya. "I see. Gaano ka kadalas uminom ng tubig? I can see your skin is also dry." She explained.
Napangiwi ako. "Hindi ako mahilig sa tubig..." Pag-amin ko.
"Oh, so dapat ngayon ay matuto ka nang uminom ng tubig, Pasha. Bukod sa hindi na magdadry ang balat mo, kakakatulong din siya na mawala agad ang mga pimples natin. Madalas din kasi sa mga iniinom at kinakain natin ay nagkocause ang acne. I mean, through this stuff, nagrereflect kung ano ang lagay ng katawan nayin especially internal organs..."
She suggested na mag-green tea din daw ako para mawala ang toxic sa internal organs ko. Tinatanong din niya ang menstrual cycle ko. Kung regular daw ba o hindi. She's also ask about if I take any medications—whether they're for the skin or not.
Sunod niyang sinuri niya ang mukha ko. I was suffering severe acne kaya naman agad isinagawa ang acne surgery or treatment sa clinic niya.
"Is she gonna be alright?" Tanong sa kaniya ni Finlay.
Mahinang tumawa ang doktora. "Of course, she is. Hindi naman siya ooperahan kung saan, okay? Sa mukha lang. Huwag kang ano." Sagot nito sa kaniya.
Hindi na sumagot si Finlay. Sa halip ay bumaling siya sa akin. "I'll wait for you, babe." Then he kiss my hand.
"Uhm, pwede ka naman gumala muna kung saan."
"Nope. Dito lang ako." Sabi niya saka ngumiti.
Tahimik akong tumango at ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti bago ko man siya talikuran at pumasok sa isang silid kung saan isasagawa ng operasyon sa akin. The esthetician escort me back to the treatment room. May inabot siya sa akin.
"You have to change, Pasha. Labas lang ako then I'll be back once you are done." Nakangiting sabi niya. "Take off your your shirt and your bra as well to feel comfy."
Ngumiti ako saka tumango. Lumabas muna siya. Ginawa ko ang instruction niya. The gown is long, hindi ko inexpect. Ilang saglit pa ay bumalik na siya. She instruct me to lay down in the treatment bed, cover myself with the sheets and ready to begin my first ever facial!
She do a deep cleansing. Nilinis niya ang buong mukha ko. Hindi lang iyon, pati ang leeg, dibdib at mga balikat ko ay kasama sa deep cleansing. Sunod naman ay steam treatment. Sinabi sa akin ni Pia na most people love this part of facial. There's a special steamer machine will billow warm steam over my face. Panay tanong nito sa akin kung masyado bang mainit. Kailangan daw niyang malaman para maging komportable ako.
Exfoliation procedure, blemish extractions, mask application, toner. Hindi ko alam na medyo matagal pala ito. Pero hindi naman ako nabobored dahil habang nasa treatment ay dinadaldal ako ni Pia. Tinatanong niya mula kung taga-saan ako hanggang sa paano naging kami ni Finlay!
Naging magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko tuloy ko mapigilan ang sarili ko na iopen sa kaniya tungkol sa insecurites ko. Na naging biktima ako ng discrimination.
"Just remember this, Pasha. If people are trying to bring you down, it only means that you are above them." Sabi niya. "Don't let insecure thoughts ruin something amazing. See the positive side, you have Finlay Manius Ho. So what kung girlfriend ka niya? Wala silang magagawa kung ikaw ang gusto niya at hindi sila. Alright?"
"Thank you, Pia." Masaya ako dahil naiitindihan niya ako.
"You're welcome. Finlay is a good friend of mine, masaya ako para sa kaniya dahil sa wakas nahanap na niya ang taong makakapagpasaya sa kaniya."
And at last, moisturizer and sun protection!
Isa pang paalala sa akin ni Pia, sun protections is important daw everyday. Daily sunscreen use will protect from premature aging, dark spots and uneven skin tone skin cancer.
Pagkatapos ng skin treatment, nagpalit na ako ng damit. Binigay ko sa assistant 'yung gown. Unang lumabas si Pia at sumunod ako. Lumapit sa amin si Finlay at dinaluhan ako.
"How is it?" Nakangiting tanong niya.
Ngumuso ako. "Medyo masakit pero okay lang. Worth it naman." Nakangiting sagot ko.
Binigyan kami ng ilang tips para mamaintain ang treatment. Kumuha pa si Finlay ng ilang produkto tulad ng sun screen at moisturizer. Huwag din daw ako maghilamos within twenty hours. Hayaan ko lang daw. Ipinakita rin sa akin ni Pia na namumula ang buo kong mukha pero nawala ang mga tighiyawat na kinaiinisan ko. Ang galing!
"Thank you for your help, Pia." Sabi ko sa kaniya. Ganoon din si Finlay.
"You're welcome. I'm glad to help and give a hand."
**
Pagkatapos ay naisipan na namin kumain ng lunch. Tamang tama, gutom na din ako. Sa Yaki Mix kaming pumunta. Eat all you can ang resto na ito. Matao na din dito.
"Habang nasa treatment ka, nagpabook na ako dito." Malumanay niyang sabi sa akin sabay hawak niya sa aking bewang. "Gutom na ang girlfriend ko kaya dito kita dinala."
Lihim ko kinagat ang aking labi at sabay na kaming pumasok doon.
Mouth watering nga talaga dahil maraming raw food ang tumambad sa amin. Puro asian dishes like Japanese, Korean and Chinese Cuisine. Ramdam ko tuloy ang pagkalam ng sikmura ko. Lalo ako ginutom!
So we choose a japanese dishes (may smokeless grill din sila dito kaya ayos sa akin) and some dessert. Sabay kaming pumunta sa sweet area.
And tada! Magluluto-lutuan na kami! Lol! Panay kwentuhan lang kaming dalawa habang siya ang nag-aasikaso ng pagkai basta sagot ko ang kwento.
"Finlay? Pasha?"
Sabay kaming napatingin sa gilid nang may tumawag sa aming dalawa. Halos maglaglag ang panga ko sa sahig nang makita ko kung sino ang tumawag. Hindi lang isa ang naroon, marami sila!
"Sila nga, baby!" Bulalas niya habang nakaakbay sa kaniya ang pamilyar na lalaki.
"N-Naya..." Mahina kong tawag sa kaniya.
"Kita mo nga naman ang pagkakataon, sa dinadami-dami ng lugar, dito pa natin nakita si Finlay." Natatawang sabi ni Kal saka nakipag-apiran siya kay Suther, balak asarin ang pinsan niya.
Yes, nasa harap namin ngayon ang magpipinsang Ho.
Biglang tumabi ni Kal kay Finlay. "Dito na rin tayo pumuwesto. Narito din naman sila." Sabi niya sa mga pinsan niya.
"Ano bang ginawa ninyo dito?" Pasupladong tanong ni Finlay sa kanila.
Tumawa sina Archie, Kal at Suther. "San, hindi ba obvious? Malamang kakain din kami." Si Suther ang sumagot na malapad ang ngisi.
Napangiwi ako habang si Finlay naman ay napabuntong-hininga lang, mukhang wala na siyang magawa.
Ang ending, sama-sama na nga kami. Medyo nahihiya pa ako sa kanila, maliban kay Naya na kinakausap ako habang si Keiran na boyfriend niya ay kinakausap ang isa nitong pinsan na si Vladimir.
"Parang may nagbago sa mukha mo, Pasha." Puna ni Naya habang nakatitig sa mukha ko. "Namumula. Anong nangyayari?"
"Nagpatreatment ako." Mahinang sagot ko.
Napaawang ang bibig niya. "Oh?" Saka ngumisi siya. Isang makahulugang ngisi. "Nagpapaganda ka, ano? Para kay Finlay?"
Naku, Naya. Kung alam mo lang...
"Nasaan pala si Fae?" Pag-iiba ko nalang ng usapan habang iginagala ko ang aking tingin sa paligid.
"Nasa Manila siya ngayon. May inasikaso siya. School matters." Nakangiting sagot niya.
"Alright, celebration na ito!" Biglang sabi ni Kal sabay inangat niya ang hawak niyang juice. "Para sa isa pa nating pinsan na nakatali na."
"Shut up, Kal." Iritadong sabi ni Finlay sa kaniya.
"Pasha," Tawag ni Keiran sa akin. Agad ko siya tiningan na may pagtataka sa aking mukha. "I want to invite you in my li'l brother's birthday party next week in Viewfort. Sa Carmona."
"A-ah... Nakakahiya naman..." Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko.
"Sumama ka na, babe." Biglang sabi ni Finlay. Sa kaniya ko naman inilipat ang tingin ko. "Mabait si tita Miranda."
"Oo nga, Pasha." Dagdag pa ni Naya. "She won't harm you."
"And, another thing is..." Si Suther naman ang nagsalita. "Next month, we're planning to go in Bacolod tutal pasara na din ang sem! Alright!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "B-Bacolod?" Ulit ko pa. "Ang layo."
Masuyo akong inakbayan ni Finlay. "Matagal na nilang planong pumunta doon, babe. Lalo na si Fae ang gumagawa ng itinerary namin." Paliwanag niya.
"Sumama ka, Pasha, ha? Para naman may kasama sina Naya at Fae." Sabi ni Kal.
Napalunok ako. "M-magpapaalam muna ako."
"Samahan kita."
"Wala sila dito sa Cavite, Finn. Taga-Laguna naman kasi kami."
"It doesn't matter. Para na din maipakilala ko na din ang sarili ko sa kanila."
I choose to bite my lower lip. Ramdam ko ang pagpugto ng aking hininga. May halong nerbyos at saya.