Hindi pa rin ako makapaniwala. Boyfriend ko na si Finlay. Boyfriend ko na ang isang guwapong nilalang! Ngayon palang ay kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga anumang mangyari. Sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Sa lahat! Dapat ay physically and emotionally prepared ako!
Sinabi ko na din kay Amanda na kami na ni Finlay. Mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. Panay hampas niya sa pader habang tumatawa na parang nababaliw na. And guess what, palagi niyang sinasabi na magiging blooming daw ako kapag si Finlay ang boyfriend ko. Paniguradong mahihiyang daw ako. Parang sinabi na din niya sa akin iyan tungkol sa bagay na iyan. Hmm.
Hindi lang si Finlay ang tumutulong sa akin para sa make over na iyan. Pati ang kaibigan ko. Sagot na daw niya ang mga kailangan ko lalo na sa pagligo. Para naman daw may pang-orasyon naman daw ako. Papaano kasi, mabilis ako maligo. Wala pang kinse minutos, tapos na ako. Hindi tulad sa kaniya na inaabot pa ng mahigit trenta minutos. Kaya tinatanong niya sa akin kung tomboy o lalaki daw ba ako. Hay, ewan. Haha.
"Aalis na ako." Paalam ko kay Amanda habang palapit na ako sa pinto. Siya naman ang walang klase ngayon kaya mauuna na ako sa kaniya.
"Sige. Ingat ka! I mean kayo." Saka tumawa siya. Nababaliw na naman siya.
"Baliw ka talaga." Kahit ako natawa na din.
Pinihit ko ang pinto at lumabas. Sinara ko din agad ang pinto. Tumambad sa akin si Finlay na nakasandal sa kaniyang sasakyan at nakahalukipkip. Tila hinihintay niya ang pagdating ko. Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti. Umalis siya mula sa pagkasandal niya sa sasakyan saka lumapit sa akin.
"Good morning, my babe." He greeted me then he snake his arm on my waist.
"G-good morning din..." Bati ko sa kaniya pabalik. "Kanina ka pa ba?"
Ngumuso siya. "Hindi naman." He lead me into his car. Tulad ng kinagawian niya ay siya ang nagbukas ng pinto para sa akin at inaalalayan niya akong makapasok doon. "Saan mo ba gusto magbreakfast, babe?" Tanong niya habang pinapasuot niya sa akin ang seatbelts.
"Hmm... Kahit sa fast food nalang." Suhesyon ko.
"Alright, babe." Then he plant a kiss at the tip of my nose bago man niya sinara ang pinto!
Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong mapangiti. Nahihiya akong kiligin sa harap ni Finlay. Juskolord, masyado ba akong mabait para ibigay mo sa akin ang tulad ni Finlay? Grabe, ngayon palang, sobrang nagpapasalamat na po ako sa grasyang ibinibigay ninyo. The best po talaga kayo!
*
Pinark niya ang sasakyan sa isang Fast Food Resto. Sabay kaming naghanap ng magandang pwesto. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin. Eh di sinabi ko. Basta breakfast meal okay na ako doon. Iniwan niya ako sa pwesto dahil siya daw ang mag-oorder ng kakainin namin. Wala pa naman masyadong tao dito sa loob kaya alam kong saglit lang din ay babalik si Finaly.
At hindi nga ako nabigo. Tinulungan ko siyang ihanda ang pagkain sa mesa then tinabi namin ang tray sa kabilang mesa.
"Babe, I set an appointment in derma. So Saturday afternoon ang appointment natin sa kaniya." Sabi niya habang kasalukuyan kaming kumakain. "And Sunday morning, magpapamember na tayo sa gym..."
Lumunok ako. "Hala, Finlay. Grabe naman. Ikaw talaga umasikaso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Kita ko ang pagngiti niya. "Yes, my babe. What did I tell you? Sabi ko, ako ang bahala sa lahat. Trust me. Wait, may nakaligtaan ba ako sa make over mo?"
Ngumuso ako. "Parang wala naman."
"How about shopping? You want to buy brand new clothes? Sasamahan kita." He offer.
Napangiwi ako. "Naku, masyado nang magastos pala ang ganito."
"Babe, you're my girlfriend. I'll provide everything just to make you happy." Masuyo niyang sabi.
Hindi na ako makapagsalita. Ramdam ko ang pag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kilig na aking nararamdaman. Dahil diyan ay naisipan kong yumuko nalang para hindi niya mahalat ang pamumula kong mukha. Hindi ko sukat akalain na ganito pala kapag nagkaboyfriend ka ng Finlay Manius Ho!
*
"Are you sure you'll be okay?" Paniniguro niya nang nasa loob na kami ng campus.
Ngumiti ako. "Oo naman. Don't worry. Kapag may problema, text nalang kita." Sabi ko.
Tumango siya. "Alright. I love you, babe." Ilalapit sana niya ang mukha niya sa akin na paniguradong hahalikan niya ako na agad naman akong lumayo. Nagtataka siya tuloy.
"Finlay, nasa school tayo. Huwag kang masyadong PDA, please?" Nahihiyang sabi ko.
He chuckled. "Oh. I'm sorry, babe." Instead, hinalikan nalang niya ang kamay ko. "Huwag kang masyadong magpakastress sa school works. See you later, babe." Sabi niya.
Tumango ako't agad ko siyang tinalikuran. Agad akong pumunta sa building kung saan ang first class ko. Yakap-yakap ko ang dalawang medical books habang nakasublit ang back pack sa aking balikat. Inilapat ko ang mga labi ko. Bakit napapangiti ako ng wala ako sa oras?
*
Concentrated ako habang nasa klase. Two weeks from now, exam na namin. Hindi ako pwedeng bumagsak dito dahil patay ako sa nanay ko. Grabe pa naman manermon iyon. Tapos aasarin lang ako ng kuya ko.
After ng klase ko ay agad akong pumunta sa library para magreview. May quiz sa minor subject. Kahit na sabihin nating madali, hindi ako puwedeng pabangjing-banjing. Mahirap na. Marami nang nabiktima sa ganyan.
"Hindi ba si Pasha 'yon?" Rinig kong boses ng isang babae sa may bandang likuran ko.
"Ay, oo. Nababalitaang dumidikit kay Finlay Ho." Sagot ng kausap niya.
"Duh, seriously? Anong meron at bakit kay Finlay pa siya dumidikit? My gosh, kanina nang makita ko silang dalawa para akong nasusuka habang magkaharap silang dalawa. Kapag talaga nalaman ko na sila na, so eww talaga!" May halong arte sa boses niya nang sabihin niya iyon.
Sabay silang bumungisngis.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napakagat ako sa aking labi at yumuko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
Huwag kang magpaapekto, Pasha. Huwag na huwag. Isipin mo nalang, hindi mo sila deserve. A girl like you can't fit in this god damn society. Nobody in this f*****g world will please you. You can't please them.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko iyon sinilip. May text message si Finlay! Hindi ako nag-atubiling basahin ang nilalaman n'on.
FROM FINLAY :
My babe, where are you?
Napalunok ako. Agad akong nagtipa para replyan siya.
TO FINLAY :
Nasa college library ako. Bakit po?
FROM FINLAY :
Nothing. I'm just missing you, babe.
Kahit papaano ay naibsan ni Finlay ang sama ng loob ko. Basta kasweetan niyang taglay ay nababawasan ang stress ko.
*
Usapan namin ni Finlay ay magkikita kami sa Parking Lot pagkatapos ng klase ko. Since siya ang nauuna na natatapos ang klase ay siya ang naghihintay sa akin. Pilit kong maging okay sa harap niya. Ayaw ko lang ng gulo sa oras na malaman niya na ang totoo. Nakita ko na kasi kung papaano niyang patulan sina Becca at ang kasama niya nang binubully ako sa harap ng maraming tao.
"How's study, babe?" Tanong niya habang nagmamaneho siya.
"Okay lang." Pilit kong ngumiti. I'm sorry, Finlay. Magsisinungaling muna ako sa iyo ngayon...
"Glad to know. By the way, saan mo gusto mong pumunta?" Tanong niya.
Agad ko siyang tiningnan. "H-ha?"
Kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay kita ko pa rin ang ngiti niya.
"I-ikaw ang bahala... Wala akong alam kung saan pwede, eh." Sagot ko.
"Well, I have an idea..." Then he step the accelarate pedal.
*
Napagtagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa Kadiwa Park kaming dalawa ni Finlay. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala. Wala akong ideya.
"Finlay?" Nagtatakang tawag ko sa kaniya.
Bumaling siya sa akin. "Hmm?"
Pilit kong ngumiti. "B-bakit tayo nandito?" Tanong ko. May mga taong dumadaan din dito.
"Babe, kahit anong tago mo, malalaman ko na may problema ka." Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko at ipinatong niya iyon sa kaniyang kandungan. Nagtama ang mga tingin namin. "Tell me, wha's bothering you?"
Napalunok ako. Sasabihin ko ba sa kaniya kung ano ang narinig ko kanina habang nasa Library ako?
"Babe, hindi mo lang ako boyfriend. I'm also your bestfriend. Kapag problema mo, problema ko na din. Nangako ako na tatanggalin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo."
Yumuko ako. "Nasa Library ako kanina..." Panimula ko. Wala akong narinig na kung ano mula sa kaniya. Pinapakinggan niya ako. "N-narinig ko na k-kung sakaling malaman nila na tayo na... H-hindi katanggap-tanggap para sa kanila, Finlay... Makita lang nilang na magk-kasama tayo, hindi nila masikmurahan... K-kasi..."
Ilang segundo kaming tahimik. Maya-maya pa ay rinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "Babe," Malumanay niyang tawag sa akin. Inangat ko ang tingin ko. Nagkatitigan kaming dalawa. "Wala akong pakialam sa kanila, Pasha. Hindi nila hawak ang katawan at isipan ko para diktahan kung sino ang gusto kong mahalin. All I care is you." Hinawi niya ang takas kong buhok. "Babe, you're beautiful. And I never stop trying to show you how much you means to me."
"Finlay..."
"Kahit ilang babae pa ang haharang sa dinadaanan ko, sa iyo at iyo pa rin ako uuwi, Pasha. Mark my word. I love you."