chapter 5

1771 Words
It's Sunday. Wala si Amanda dahil may shoot daw siya sa isang beach resort. Kinuha din daw niya ang opputunity na iyon para kumita kahit hindi naman niya kailangan dahil maykaya naman sila sa buhay. So ako lang ang mag-isa dito sa dorm. Sinabi ko na rin sa kaniya na aalis ako. Inaaya ako ni Finlay kaya naman payag siya agad. Siya pa nga ang mas excited kaysa sa akin. Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast nang bigla ako nakatanggap ng text message mula kay Finlay. FROM FINLAY : Good morning, my babe. Can't wait to see you later. I scoffed. Hindi ko rin maexplain ang pakiramdam ko nang mabasa ko ang mensahe niya. Dahil ba iyon sa tuwa o ano. Binitawan ko muna ang hawak kong kutsara saka kinulukot ko ang cellphone ko. Ngumuso ako habang nagrereply sa kaniya. TO FINLAY : Grabe ka naman. Haha. Twelve sharp. See you. Then I hit send. Ibinalik ko sa mesa ang aking telepono pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang aking kinakain. After n'on ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Dumiretso ako sa closet para maghanap ng maisusuot. Halos lahat na yata ng damit ko inilabas ko na. Kailangan kong ihanda ng sarili ko sa oras na nasa harap ko na ang isang Finlay Manius Ho! Talagang nagpatulong pa ako kay Amanda kung papaano mag-ayos dahil first time ko ito. First time kong makipagdate lalo na sa isang guwapong nilalang! Mabuti nalang talaga, marunong sa mga ganitong bagay si Amanda since model naman siya at ganda ang kaniyang punuhan sa kaniyang trabaho. Simpleng damit lang naman ang isusuot ko. I don't wear dresses o 'yung mga hapit na damit. May komportable ako sa mga maluluwag na damit at pantalon. I don't even wearing heels dahil natatakot akong matapilok. Ang huli kong suot ng mga ganoong sapatos ay noong graduation ko ng High School. Ang sakit sa paa kaya ayaw ko nang ulitin. Habang naliligo ako, minsan natetempt akong gumamit ng mga gamit ni Amanda tulad ng shower gel at ng body scrub. Teka nga, bakit todo handa ko eh si Finlay lang naman ang makakasama ko sa buong maghapon? Pinakailaman ko pa ang lotion ng kaibigan ko, hindi na bale, sasabihin ko nalang sa kaniya pagdating niya. In fairness, ang bango ha. Hehe. * Sumapit na ang alas dose ay rinig ko ang katok mula sa pinto ng dorm. Saktong nakabihis at naka-ayos na ako. Agad ko iyon dinaluhan at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang guwapong nilalang. Mas nagiging guwapo siya sa paningin ko and I can't believe I was stunned... "Hi, beautiful." Matamis siyang ngumiti sa akin. Parang tuwang-tuwa talaga siya na makita niya ako. Hilaw akong ngumiti. "H-Hello..." "So, are you ready?" He asked. Inilapat ko ang mga labi ko at tumango bilang tugon. Sinara kong mabuti ang pinto at nilock ko iyon. "Okay na." Agad niya akong hinawakan sa bewang habang naglalakad kami palabas ng dorm. Pinagtitinginan na nga kami sa totoo lang. Karamihan sa kanila, nagulat. Ang mas masaklap pa ay parang nandidiri dahil nakadikit ako kay Finlay. Sino nga bang matutuwa ang ang isang pangit na katulad ko ay nakadikit sa isang guwapo at kilalang Finlay Ho. "Don't mind them, Pasha. Naiinggit lang sila sa iyo dahil ikaw ang pinili ko." Biglang bulong ni Finlay sa tainga ko. Biglang may nagwawala na kung ano sa aking tiyan nang marinig ko ang mga salita na iyon mula sa kaniya. I won't able to say something or answer it. Habang hawak niya ako ay siya pa ang nagbukas ng pinto. Inaalalayan niya akong pumasok sa kaniyang sasakyan. Parang ingat na ingat siya sa akin. Siya pa ang nagseatbelts sa akin. Nang sinara na niya ang pinto ay sinundan ko lang siya ng tingin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang ganda ng tindig niya. Manly and intimidating. Pero bakit sa tuwing ako ang kaharap niya ay kusa nalang iyon naglalaho? "Saan gusto mong pumunta, babe?" Tanong niya nang nasa driver's seat na siya. Tila nanumbalik ang ulirat ko sa tanong niyang iyon. Agad ko inayos ang aking upo at tumingin sa labas. "A-ah... W-wala akong maisip na lugar..." Marahan niyang hinawakan ang kamay ko saka hinalikan iyon na ikinagulat ko. Bakit ang hilig niyang halikan ang kamay ko?! "Tagaytay lang naman ang pinakamalapit dito. Baka may gusto kang puntahan doon na resto or something then didiretso tayo sa rest house namin doon." "H-ha? Resthouse?" Hindi ako makapaniwalang ulit ko. Hindi mawala ang ngiti niya at tumango. "Yeah, I want something to do in front of you." He said. Then he started the engine. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang dumaldal. Bawat tanong ko ay sinasagot niya kahit na nanatili siyang nakatingin sa highway. Napag-alaman ko na nag-iisa siyang anak. Parehong negosyante ang mga magulang niya at parehong nasa Maynila dahil sa negosyo. Sadyang nagpaiwan lang siya dito sa Cavite dahil gusto niya daw maging independent para na din daw kasama niya ang mga kasama niya ang mga pinsan niya. Kaya pala close sa isa't isa ang magpipinsang Ho. Magpipinsan daw sila sa father side. Lahat daw ng mga tatay nila ay magkakapatid. May pinsan din daw sila na dalawa pang babae, sa first wife ng tito niyang si Damien Ho, ang tatay ni Keiran. Meron ding isa pang lalaki, Mikhail Chua ang pangalan. Basta, mahabang istorya daw. Pero hindi nila masyadong close ang mga pinsan niyang babae dahil palaging nasa Maynila ang mga iyon, maliban kay Fae. Pero hindi ko akalain na magagawang niyang ishare sa akin ang mga ito. I thought suplado siya? Tahimik? Reserved? Tulad ng mga sinasabi sa akin ni Amanda at ng source ng research ko? O sadyang hindi ko pa talaga siya kilala? Hm, kumsabagay, igagrab ko na din ang chance na ito para mas lalo ko pa siya makilala... Tumigil ang sasakayan ang sasakyan sa isang maganda at malaking bahay. Nasa Highlands na kami ngayon. Jusko, hindi ko alam na narito ang resthouse nila. Ang mamahal kaya ng mga bahay dito! Well, bakit pa ako magtataka eh mayayaman nga naman talaga ang mga Ho! Maingat pinark ni Finlay ang sasakyan sa garahe ng bahay. Una siyang lumabas. Umikot siya sa harap para pagbuksan niya ako ng pinto. Ako na din ang kumalas ng seatbelts. "Here we are, babe." May halong lambing niyang sabi sabay lahad ng palad niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Tinanggap ko ang kaniyang kamay hanggang sa tagumpay niya akong ibinaba mula sa sasakyan. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok na kami sa loob. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang loob. Ang ganda at organize ang mga gamit dito! "Feel at home, babe." Sabi niya nang makarating kami sa Kusina. "Magluluto ako. Anong gusto mo?" "T-talaga? Magluluto ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Yep. Anong gusto ng babe ko?" Hindi maalis ang labing sa boses niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. "Pasta!" Mabilis kong sagot. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Alright, for my babe." "Tutulong ako!" Sabi ko. Pinaupo niya ako sa high stool. "Dito ka lang, hmm? Hintayin mo lang maluto ang request mo." Sabi pa niya habang mataimtim niya akong tinititigan sa mga mata. Para akong nahihipnotismo sa mga tingin niya. Hindi ko magawang makipagtalo sa kaniya o ano. Pinapanood ko lang siya kung papano magluto. Nagpangalumbaba ako. Hindi ko maitanggi na ang hot niyang tingnan habang seryoso siyang nagluluto. Base din sa nakikita ko, he has skills in cooking. Alam mo 'yung ang bilis niyang kumilos pero hindi siya makalat sa Kusina? Ganoon ang nakikita ko. Bakit parang nag swerte ko nang makita ko ang mga bagay na ito? After few minutes, the pasta is done. Of course made by Finlay! Ganda pa ng plating! Sabay na kaming kumain dito sa counter. Ang sarap! Pakiramdam ko sa isang high-class restaurant kaming kumakain. "How is it?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Ang sarap mo pala magluto." Masayang kumento ko. Hindi ko tinigilan ang pagkain an ito. Mahina siyang tumawa. "Glad to hear, my babe." He paused for seconds. "Kailangan kitang pakainin ng marami." Natigilan ako. "Bakit?" Takang tanong ko. Nagpangalumbaba siya habang nakatitig sa akin. "Ang sabi nila, kapag nanaba daw ang boyfriend o girlfriend, ibig sabihin hiyang siya." Napalunok ako. Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay nakatitig lang din ako sa kaniya pabalik. Napapansin ko pa noong nakaraan pa na habang tumatagal ay mas lalo nagiging sweet sa akin si Finlay. Part din ba na nililigawan niya ako o ano? Marahan kong binitawan ang tinidor at humarap sa kaniya. Umiba ang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Siya na ngayon ang nagtataka sa kinikilos ko. "Pasha..." Mahinang tawag niya sa akin. "May mali ba sa niluto ko?" Yumuko ako. "Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ito, Finlay." Seryoso kong panimula. "Ni minsan ko akalain na mangyayari ang bagay na ito. Oo, nangangarap din akong ligawan pero alam kong wala akong pag-asa dahil wala namn papatol sa akin. Sa totoo lang, kahit na mabait sa akin si Amanda, hindi ko maiwasang mainsecure sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin n'on, sinasaksak ko siya patalikod..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil naiiyak na ako. "Araw-araw, palaging ako ang laruan nila sa umaga hanggang sa gabi... Dahi sa pangit ako? Dahil ka katawa-tawa ang hitsura ko? Dahil ba sa hindi ako maganda? Kasalanan ko ba 'yon?" Umalis siya mula sa kinauupuan niyang high stool at mas lumapit pa siya sa akin. Marahan niya akong niyakap. Hinaplos niya ang aking buhok. "Nandito na ako, Pasha. Wala nang gagalaw sa iyo. Wala nang kukutya sa iyo." Kumalas din siya ng yakap sa akin. Ikinulong niya ang mukha ko sa pamamagitan ng mga palad niya upang magtama ang mga mata namin. "I love everything about you. Even your flaws and imperfections, I love them." "F-Finlay..." Ginawaran niya ako ng isang maliit na ngiti. Hinawi niya ang takas kong buhok. "Tell everything, Pasha. Ano ang gusto mo? Gagawin ko para hindi ka na masaktan ng ganito. Confess everything... Everything inside of your heart." Pumikit ako. "Gusto ko nang tapusin ang bangungot na ito, Finlay." Halos mapiyok na ako nang sambitin ko ang mga salita na iyon. Pero isang bagay na hindi ko inaasahan. May naramdaman akong malambot na bagay sa aking mga labi. Sa pagdilat ko ay nanlalaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Finlay. Nakapikit at mas malapit pa siya sa akin... H-He kissed me! Nang humiwalay na ang mga labi niya sa labi ko ay nagtama ang mga tingin namin. Namumungay ang mga mata niya. "You are now mine and I'll forever be yours, babe. Sasamahan kita sa bawat desisyon na gagawin mo. Gusto mong gumanda? I'm fine with it. But promise me, ako lang." Kusa akong tumango. "Let me have your schedule. After class, let's look a perfect gym and instructor for you. I'll make an appointment to a dermatologist." Hinalikan niya ang kamay ko ngunti nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. "I want to be your best boyfriend, Pasha." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD