chapter 4

1591 Words
Ilang beses na akong kinukulit ni Amanda tungkol sa pagsama ko kay Finlay Ho kanina. Ilang beses ko na din tinikom ang aking bibig pero sadyang makulit lang talaga ang kaibigan ko. In the end, nasabi ko din. Kaya ang resulta, kilig at puros tili ang nakukuha kong reaksyon mula sa kaniya. "Hindi ba, heto na ang pinakahinihintay mo, Pash? Ang magkaroon ng manliligaw? Heto na iyon, oh! At huwag ka, isang Finlay Manius Ho pa ang nagkakandarapa para sa iyo!" Bulalas niya pero hindi pa rin mawala ang kilig sa kaniyang boses. Napangiwi ako. Totoo naman ang sinasabi niya. Gusto ko maranasan na ligawan kahit na ang pangit-pangit ko. Pero hindi ko alam kung bakit may pang-aalinlangan pa akong nararamdaman. Siguro ay dahil nadadalian ako sa pangyayari. Alam mo 'yong feeling na out of the blue nalang itong sumulpot si Finlay sa buhay ko? Although na konektado kami through Naya at Keiran, ay hindi ko pa rin talaga siya kilala. Tapos ngayon, sasabihin niya sa akin na manliligaw ko siya? At kung anu-ano pa! Nakakabaliw din siyang kasama minsan, eh. "Wala naman masama kung susubukan mo." Biglang sumeryoso si Amanda. "Let's see the positive side, Pash. Huwag mong isipin ang mga taong nakapaligid sa inyong dalawa. Ang importante lang doon ay kayo." Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay humiga ako sa kama at nagtakip ng kumot sa buong katawan ko. Bahala na nga kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw! Pipikit na sana ako nang biglang umilaw ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Agad ko iyon dinampot at sinilip. Isang text message mula sa kaniya. Nga pala, hindi pa pala nakaregister ang number niya dito sa phonebook ko. Ngumuso ako't naisipan ko nalang na i-save ang numero niya. FROM FINLAY : My babe is sleeping? Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya. Napalunok ako saka nagtipa. TO FINLAY : Matutulog na sana. Bakit? Then I hit send. Ilang saglit pa ay muli ako nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya. FROM FINLAY : Nothing. I'm just checking on you. You should sleep now, my babe. I'll pick you up tomorrow, aright? :) Kinagat ko ang labi ko. Bigla kasi ako nakaramdam ng kiliti kahit wala naman kumkiliti sa akin. Basta, ganoon ang nararamdaman ko. My god! Anong nangyayari sa akin? Pinili ko na huwag nalang replyan pa ang kaniyang mensahe na muli ako nakatanggap mula sa kaniya. FROM FINLAY : Goodnight, my babe. I wish I could just jump into your dream and give every happiness of your life. I want to make you so happy, Pasha. Napapikit ako ng mariin. Mabilis kong itinabi ang telepono ko sa gilid. Kainis, kinikilig na yata ako! ** Kinaumagahan din iyon ay wala na si Amanda sa dorm. Nauna na siyang pumasok, malamang. Napatingin ako sa wall clock. Sakto lang. Maaga din naman ang gising ko. May time pa ako para makapagbreakfast sa malapit na Coffee Shop dito. Agad akong naligo at nagbihis. Wash day naman ngayon kaya simpleng printed shirt at tokong ang sinuot ko. Tinerno ko din sa walk shoes ko. Kaht na pangit ako, marunong naman akong pumorma kahit papaano. Hehe. Paglabas ko ng dorm ay nadatnan ko si Finlay na naghihintay sa may Parking Lot. Sakto din na nakatingin siya dito sa may entrance. Pormado siya ngayon. o sadyang ako lang? Naka-sky blue long  sleeves polo shirt siya na talagang nakatupi ang mangas hanggang siko at kulay beige na slacks. Maganda din pagkaayos niya sa kaniyang buhok. Natigilan ako at lumunok nang makita ko na bigla siyang ngumiti nang nagtama na ulit ang mga tingin namin. Agad akong tumalikod. Napasapo ako sa aking dibdib dahil may nararamdaman na akong kakaiba—para akong hindi makahinga... Parang may sasabog! Dyusme, ano na naman nangyayari sa akin? "Babe?" Bigla kong narinig ang boses ni Finlay sa likuran ko. Lakas-loob ko siyang hinarap. "Are you alright?" Bakas na sa mukha niya ang pag-aalala. Isang hilaw na ngiti ang ibinigay ko. "A-ah... Oo. G-gutom lang yata ako." Palusot ko pa. s**t, Pasha. Bakit nauutal ka? Anong nangyayari sa iyo?! "Tamang-tama, sabay na tayo magbreakfast. They're waiting for us." Marahan niyang pinulupot ang isang braso niya sa bewang ko na ikinabigla ko. Dahil d'yan ay parang robot tuloy akong naglalakad lalo na masyado siyang madikit sa akin! And wait, ang bango niya lalo, ah. Aw s**t, Pasha! What's wrong with you?! "Ahm, F-Finlay..." Tawag ko sa kaniya habang nasa loob kami ng sasakyan niya. "Yes, babe?" Tugon niya pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa daan. Napangiwi ako. "Anong ibig mong sabihin sa 'They're waiting for us?'" Tanong ko. Sadyang nakatingin ako sa labas nang tanungin ko iyon. "Oh, my cousins." He answered. "Nag-aya sila na sabay na daw tayo sa kanila magbreakfast." Literal nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. Whatthefudge?! Agad ko siyang binalingan. "A-anong sabi mo? M-mga pinsan mo?!" Hindi ko mapigilang mabulalas iyon. Ngumuso siya. "Yeah." Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Amanda sa akin noong unang pagkikita namin ni Finlay. Kilala daw ang magpipinsang Ho. Sa oras na dumikit ka daw sa isa sa mga magpipinsan, sobrang swerte mo na. 'Yung tipong kulang nalang daw ay magpakamatay. Medyo oa na nga ang dating sa akin. ** Pinarada ni Finlay ang sasakyan niya sa Parking Lot ng Coffee Shop. Tulad ng ginawa niya sa akin kagabi ay siya pa ang nagbukas ng pinto ng passenger's seat. Talagang inaalalayan niya akong bumaba. Halos naging robot na naman ako nang naramdaman ko ang palad niya sa bewang ko! Namimihasa ka na, Finlay Manius Ho! Bumungad sa amin ang cozy feeling ng naturang Coffee Shop. Mula sa entrance ay tanaw namin ang malaking grupo na hindi naman kalayuan sa amin. Halos malaglag na ang panga ko dahil sa gulat. "Hey!" Bati sa kanila ni Finlay. Natigilan silang lahat at bumaling sila sa direksyon ko. Napalunok ako nang makita ko ang ekspresyon sa kani-kanilang mukha. Seryoso silang lahat. They looked intimidating! Arghh, narito si Keiran Ho, pero hindi niya kasama si Naya! Narito din si Flare Hoffman! Ramdam ko ang pangininginig ng aking mga binti dahil sa nerbyos. Dahil siguro sa appearance ko... Dahil pangit ako. Hindi talaga kami pwede magkasama ni Finlay. Kung ididikit man ako sa kaniya, malamang ay matuturing akong katulong o assistant niya! "Siya na ba iyan, Finlay?" Nakangiting tanong ng babae na tingin ko ay si Fae Stefanie Ho, ang nag-iisang babaeng pinsan nila! "Yes, Fae." Walang emosyong sagot niya. Bigla naman niya akong inakbayan. "Babe, meet my cousins."Sabi niya sa akin na ngayon ay nakangiti na sa akin. "Patay. Ang akala namin si Keiran lang ang madalas naming makikita ng kakornihan sa katawan!" Bulalas ng isang lalaki. I think he's Kalous Espen Ho. Pero kilala talaga siya sa pangalan na Kal. "We're glad to meet you, Pasha. Finally." Nakangiti naman na sabi ng isa pa nilang pinsan, si Suther. "Sorry kanina, mukhang natakot ka namin." Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay napilitan akong ngumiti. Hindi ko maitindihan kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanila. Parang gusto kong maiyak. Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. "Aww, she's shy, Finlay!" Si Fae naman ang nagsalita. Then she tapped the vacant chair. "Dito ka, Pasha. Tabi tayo." Kusang kumilos ang katawan ko. Sumunod ako sa sinabi ni Fae. Umupo nga ako sa tabi niya. Nasa tapat ko naman si Finlay. "Nag-order na kayo?" Tanong ni Finlay sa kanila. "Yeah." 'Yung Archie naman ang sumagot. "Inorder namin ang usual mong order plus Pasha's favorite cheesecake as you said..." Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Papaanong nalaman ni Finlay kung anong paborito kong cake eh wala pa nga akong nasasabi sa kaniya? Ni hindi pa nga niya ako lubos na kilala at ganoon din ako sa kaniya. "What time pala klase ni Pasha, Finn? Baka naman ma-late siya at kinaladkad mo siya dito." Usisa ni Fae sa kaniya. "H-hindi naman." Ako na ang sumagot. Tumingin ako sa orasan na nasa aking pulsuhan. "May dalawang oras pa naman ako..." Hindi rin nagtagal ay nakuha na namin ang mga inorder nila. Napapansin ko na masyadong maasikaso si Finlay pagdating sa akin. Inaasar na nga siya ng iba pa niyang pinsan pero parang wala lang sa kaniya. Nashare din nila sa akin na ganito din daw si Keiran kay Naya. Speaking of, namiss ko na din ang isang iyon. "By the way, where's Vladimir?" Biglang tanong ni Finlay sa kanila. "Well, he's busy with someone else." Si Kal ang sumagot na nakangisi. "May hinahabol. Alam mo naman ang isang iyon." ** Pagkatapos namin kumain ay agad na nag-aya si Finlay na ihahatid na niya ako sa University although pareho lang naman kami ng eskuwelahan na pinapasukan. Napag-alaman ko na kumkuha ng HRM si Finlay. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Halos lahat sa magpipinsang Ho, puros business course ang kinukuha. "My babe," Tawag niya sa akin nang nasa University Parking Lot na kami. Inosente akong tumingin sa kaniya. Kakatapos ko lang kalasin ang seatbelts. "Bakit?" "Did I scare you? Dahil sa biglaan kitang ipinakilala sa mga pinsan ko?" Seryosong tanong niya. Lumihis ang tingin ko at lumunok. Matik akong tumango. "M-medyo..." Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Pero nag-enjoy ako sa company nila. Nakakatuwa silang kasama." Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Pumikit siya't idinampi niya ang kaniyang mga labi ang likod ng aking palad na dahilan para matigilan ako. "Confess on me, Pasha." Halos namamaos niyang sabi. Napaamang ako. "H-ha?" "Confess everything. Your stuggles, your wishes. You are my queen. Bawat daing mo, ako ang gagawa ng paraan para punan ang mga iyon." "F-Finlay..." Tanging pangalan lang niya ang magawa kong bigkasin. Mataimtim siyang tumingin nang diretso sa aking mga mata. "Pasha, please fall in love with me. Because once I start loving someone, it's hard to stop." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD