Pagkasabi ko ng sagot na iyon ay walang sabi na tinalikuran na niya ako at tahimik siyang naglakad palayo. Nasapo ako sa aking dibdib. Ang akala ko kanina ay katapusan ko na. Ang akala ko ay malalaman na niya ang lahat ngunit nagkakamali ako. Nakahinga din ako ng malalim kahit paano. Ilang saglit pa ay bumalik na ako sa desk. Hindi ako sigurado kung nasa loob na ba ng Opisina si Finlay. Wala akong naririnig na may kausap siya sa telepono o sa cellphone. Ilang oras pang lumipas ay walang Finlay Ho na lumabas mula sa Opisina. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong tanungin ang isa sa mga staff, nagbabakasakaling may nakakita sa kaniya na lumabas o saan man lang nagpunta. "Nakita ko pong dumiretso siya sa Parking Lot at sumakay sa sasakyan niya, Ma'm Pasha." Sagot sa akin ng staff na pagtan

