Masayang nakipagkamay si Finlay pagkatapos ng meeting niya kina Mr. Harold Kim at Mr. Farris Wu. Ito ang masasabing major stock holder ng Cowchaster Resto. Maganda naman ang takbo ng meeting. Pilit kong aralin ang mga office terms dahil puro medical term ang mga napag-aralan ko. Ang layo talaga ng tinapusan ko sa naging trabaho ko ngayon. Malaking adjustment pero okay lang.
Nakasunod lang ako sa kanila habang palabas na. Then they parted their ways. Natigilan ako nang nilingunan ako ni Finlay. Sumulyap siya sa kaniyang wrist watch. "May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya.
Napawang ang bibig ko. "H-ha?"
Tumaas ng isang kilay niya. "I said, may gusto ka bang puntahan? Wala naman susunod na appointment or meeting. And I feel to stroll before we're going back to Cowchaster."
Lumunok ako. "W-wala akong ideya kung saan pwedeng pumunta, sir." Sabi niya.
Tumango siya. "So, I have a place to go. You should come with me." Lumapit siya sa akin at walang sabi na dumapo ang kaniyang palad sa aking bewang. Inaalalayan niya akong maglakad hanggang sa nagawa na niya akong ipasok sa kaniyang sasakyan. Ang akala ko iyon lang ang gagawin niya pero siya pa ang nagkabit ng seatbelts bago man niya isara ang pinto.
Ilang minuto pang lumipas ay pinasok niya ang sasakyan sa garahe ng isang malaki at magandang bahay. It's like an Italian Style. Nasa loob kami ng isang exclusive subdivision sa Daang Hari.
Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka. "S-sir..."
"Pasha, wala tayo sa lugar ng trabaho mo. You should call me by my name." Sabi niya habang kinalas niya ang kaniyang seatbelt bago man siya lumabas mula dito sa loob ng sasakyan. I don't think it was an order or a demand. Base sa boses niya ay seryoso siya.
Pinili ko nalang na huwag na magsalita. Nanatili kaming tahimik hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng kaniyang bahay. Wait, hindi kaya narito rin si Tarrah na asawa niya? Hindi kaya magalit sa akin iyon?
"Follow me," Muli niyang sabi bago man siya umakyat sa hagdan.
Sinunod ko siya. Maganda ang pagka-interior ng bahay niya. Modern. Parang hindi pamilyado ang nakatira sa bahay na ito. Let's say parang bachelor pa. Pero ipinagtataka ko kung bakit wala silang wedding picture ng asawa niya? O di kaya ng ng family picture?
Tumigil ako nang buksan ni Finlay ang isang pinto. Isang kuwarto ang tumambad sa amin. Black and white ang pagkapintura sa loob. Malinis at organize ang mga gamit sa loob.
"Come, Pasha." Malamig niyang utos sa akin.
Muli akong sumunod. Humakbang ako papasok sa loob. Siya mismo ang nagsara ng pinto. Humarap ako sa kaniya. "F-Finn..."
Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pagkaatras ko. Bigla ako nakaramdam ng kaba at takot. Pero nahuli niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Finn..."
"Stay still, Pasha... I just want to do this, kahapon pa." Aniya na basag ang boses. " I miss you, babe..."
Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko. Kinuyom ko ang aking kamao. Nagbabadya ang mga luha ko nang wala sa oras. Lihim ko kinagat ang aking labi. Pinipiga ang puso ko. Parang kakapusin ako ng hininga sa tagpong ito. Gustuhin ko man siyang itulak palayo sa akin, hindi sapat ang lakas ng loob ko upang gawin iyon. "Finn, p-please don't..." Nanghihinang pigil ko sa kaniya.
"I'm still devastated, Pasha... I feels like, you left me on a boat which was nowhere in the middle sea."
Mariin akong pumikit. "Napag-usapan na natin ito, Finlay."
"After ten years, You're still the one, Pash. I can't move on... I still love you."
Napaawang ako ng bibig para makahinga ako nang mas mabuti. 'Ako din, Finn...'
"I cried as my heart bled, I cried even in my dreams. You're my everything, Pasha. Please, bumalik ka na sa akin..."
Hindi ko mapigilang mapaluha.
"Ano bang dapat kong gawin, Pasha? Ano kailangan kong gawin para bumalik ka sa akin? Kung kinakailangan kong ligawan ka ulit, gagawin ko..."
Mali ito, Finlay. Huwag mo namang gawin ito. May asawa ka...
Ako na ang kusang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha at pilit kong ngumiti sa kaniya. "Alam mo namang hindi tayo pwede, diba? Ayaw sa akin ng lola mo."
"Wala siyang magagawa kung ikaw ang mahal ko. Look, babe... Keiran and Naya got married without her blessing and besides, they lived happily—"
"Iba ang sitwasyon nila sa sitwasyon natin, Finn." Huminga ako ng malalim. "And I don't deserved you."
"No, Pash. You deserved me." Naging matigas niyang sabi.
Itinikom ko ang bibig ko. Yumuko ako. Napasapo ako sa aking dibdib. "May-asawa ka. Ayokong masira ang pagsasama ninyo."
Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "What did you say? May-asawa na ako?"
Tahimik akong tumango.
Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko para magtama ang mga tingin namin. "Oo, may asawa na ako. Kasal na kami, ten years ago." He offer a small smile. "At ikaw iyon."
Parang hindi ako makapaniwala. "I... I mean, kay Tarrah Ongpauco..."
Umiling siya. "No, babe. Ikaw lang ang asawa ko." Pumikit siya at inilapat niya ang kaniyang noo sa noo ko. "Kahit anong gawin ni lola na itulak ako para pakasalan si Tarrah, hinding hindi ko babaliin ang pangako ko na ikaw lang. Ikaw lang ang asawa ko at wala nang iba pa."
Tila may humaplos sa aking puso nang banggitin niya ang mga salita na iyon.
"After ten years, I'm still inlove with you." Hinalikan niya ang noo ko. "I love you, Pasha."
_
Bumalik kami sa Resto. Pilit ko maging civil kay Finlay pero napapansin ko ang palaging paglapit niya sa akin. Tinatawag niya ako palagi para lang manlambing sa loob ng Opisina niya! Mas lalo siya nagiging maharot! Pansin ko na din ang pagtataka ng mga staff ng Resto dahil sa inaakto niya para sa akin. May isang staff na nakapagsabi sa akin na ngayon lang daw nila nakita na nagkaganoon ang boss nila. Likas na suplado at seryoso si Finlay nang makilala nila ito pero bigla daw nagbago iyon nang dumating ako dito.
"Babe, may gusto ka bang kainin? Ako na mismo ang magluluto." Sabi niya habang pinipirmahan niya ang mga iilang papeles na binigay ko.
Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Ano daw? Babe ang tawag niya kamo sa akin?!
"Babe?" Muli niyang tawag sa akin.
Napapadalas na ang pagtawag niya sa akin na ganyan!
"Baka may makarinig naman sa iyo na ganyan ang tawag mo sa akin." Suway ko sa kaniya.
He chuckled. "What's wrong with that? Eh asawa naman kita."
Napangiwi ako. "Medyo busog pa naman ako." Iba ka talaga, Finlay Manius Ho!
Itiniklop niya ang folder at itinabi niya sa gilid ng desk niya. Tumayo siya at niyapos niya ako mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata k dahil sa pagkabigla. He lean his chin into my shoulder. "I want to take you out for a date. I hope you're available." Masuyo niyang sabi.
Kinagat ko ang labi ko. Jusme, hindi ako pwede, Finn! May dalawang bata na naghihintay sa akin sa bahay! "M-medyo busy ako, Finn."
"Saan ka busy, hmm?" Hindi ko malaman kung inaakit ba niya ako o ano! Ano baaa?
"May gagawin kasi ako sa bahay..." Sabi ko.
"Anong gagawin mo?" He asked again.
Magbabantay ako ng anak natin! "M-matutulog at magpapahinga na..." At biglang tumunog ang cellphone ko! Marahan kong kinalas ang mga braso ni Finlay sa bewang ko. Dinukot ko ang cellphone at sinilip kung sino ang natawag.
Baby Rowan is calling...
Napasinghap ako't parang natataranta. Binilhan ko sila ng cellphone just in case of emergency. Mumurahin nga lang. Bumaling ako kay Finlay na kunot na ang noo. "Excuse me..." Paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas sa Opisina niya.
Dumiretso ako sa Ladies' Room bago ko sagutin ang tawag. "Hello, my little angel? Napatawag ka kay mama..."
"Mama! Excited na kasi po akong sabihin sa iyo, top one ako sa klase tapos si Sarette pang second!" Masayang sabi niya.
Napasapo ako sa aking dibdib. What a relief. Ang akala ko kung ano na ang nangyari. "Ikaw talaga. Ang gagaling naman ang mga anghel ko." Malambing ko sa kaniya.
"Maaga ka po uuwi mamaya, mama? Kasi binigyan kami ng letter ng teacher. Family Day po."
Ngumiti ako. "Oh sige, aagahan ni mama na umuwi. Bantayan mo si Sarette d'yan ha? Ikaw ang kuya."
"Opo ma! I love you!"
"I love you too. Uwi kayo agad pagkatapos ng klase. Ingat kayo." Saka pinatay na niya ang tawag. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Pinihit ko ang pinto para makalabas na nang tumambad sa akin si Finlay na nakasandal sa pader na nasa tapat ng Ladies' Room. Pakiramdam ko ay nababalutan ng itim na aura ang buong katawan niya. Seryoso at galit ang nakaukit sa kaniyang mukha.
"F-Finlay..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Nakapamulsa siyang papalapit sa akin. "Who's Rowan and why you call him baby?"
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko... Pinagpapawisan na ako yata ako...
"Pasha, I'm asking you. Sino si Rowan? Manliligaw mo? Boyfriend mo?"
Parang may ano sa lalamunan ko. Parang ayaw lumabas ang boses ko.
"Pasha..." He called me agin with his warning tone.
"Ang nagpapasaya sa akin ngayon, Finn."