Hindi ko alam kung papaano ko pakalmahin ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Ngayong nasa harap ko na siya, gusto ko na naman maiyak pero ayaw ko lumabas ng luha ko.
Sa loob ng sampung taon ay ngayon ko siya nakita. Masasabi ko na mas lalo nagmatured ang hitsura niya. He looks professional. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin, kung tatakbo nalang ako palayo sa kaniya? Pero, 'yung mga paa ko ayaw gumalaw man lang.
"Ms. Cardoso," Tawag niya.
Doon niya napukaw ang atensyon ko. Tumingin ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. Dahil siguro sa kaba at takot lalo na't papalapit siya sa akin. Umatras ako ng isa.
"Bakit parang nakakita ka ng multo? Ayos ka lang ba?" He casually asked.
Agad ko pinutol ang tingin ko sa kaniya. Bumaba ang tingin ko. Hindi ko siya maaari tingnan ang diretso sa kaniya. Delikado ako. Ang tadhana ba ang gumagawa ng paraan para magkrus ang mga landas namin? Sa puntong ito, maraming pumapasok sa isipan ko. Sa loob ng sampung taon ay marami nang nangyari. Marami nang nagbago. Maaaring kasal na siya kay Tarrah Ongpauco. Masaya na siya asawa niya ngayon. Hindi niya pwedeng malaman na may mga anak siya sa akin. Ayokong dahil sa akin at ng mga anak ko ang dahilan para balikan niya kami. Na kami ang dahilan para masira ang pamilya iya ngayon...
"I... I'm fine, Mr. Ho..." Tugon ko na kinakapos pa rin ng hininga. I need to get outta here!
"Your work starts today." He formally said.
Napaawang ang bibig ko. "H-ha?"
Mas lumapit pa siya sa akin. Walang sabi na dumapo ang mga kamay niya sa magkabilang bewang ko na dahilan para mapaitlag ako. Nagtama ang mga tingin namin. "Your going to be my secretary..." Namamaos niyang sabi
Napalunok ako. Tumindig ang balahibo ko. M-magiging sekretarya niya ako nang hindi ko inaasahan. Ibig sabihin, araw-araw ko siyang makakasama. Kung panaginip man ito, sana magising na ako.
"Pasha,"
"Finlay, bakit mo ginagawa ito?" Lakas-loob kong tanong sa kaniya.
"What do you mean?"
"I'm just your ex. Bakit kailangan mo pang lumapit ulit sa akin? Bakit.." Hindi ko na magawang dugtungan ang sasabihin ko.
"You're not just my ex, Pasha." Sagot niya. "Always remember that." Lumayo na siya saka bumalis na siya sa kaniyang desk. "Let's start to work, Ms. Cardoso."
Parang nabitin ako sa bangin. Lumabas muna ako sa opisina at nagtanong sa staff kung nasaan ang Ladies' Room. Tinuro naman sa akin ang tamang daan. Dali-dali akong sumugod doon. I lean my palms in the sink. Ilang beses na akong nagpakawala ng mga malalalim ba buntong-hininga. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaharap ko na siya. Tingin ko ay nagsisimula nang kalbaryo ko. Ginagapangan na ako ng takot sa maaaring mangyari.
Papaano kapag dumating sa puntong malalaman ni Finlay tungkol kina Sarette at Rowan? Mayaman ang mga Ho. Magagawa nila ang mga gusto nila. Posibleng kukunin din nila sa akin ang mga anak ko. Iyon ang hinding hindi ko mapapayagan. Kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko bilang ina sa kanila. Ipaglalaban ko ang mga anak ko.
Sunod kong pinuntahan ang HR. Hiningi ko ang mga gagawin. Kahit na hindi Office Management ang tinapos. Sisiguraduhin ko lang na maayos naman ang trabaho ko. Ayokong mapagalitan lalo na't first day ko palang.
"What my schedule for today?" Pormal na tanong sa akin ni Finlay habang nakatutok ang mga mata niya sa harap ng kaniyang laptop. Nagtitipa.
Agad ko binuklat ang notepad ko. "For today, wala naman po. Pero bukas, you have lunch meeting with Mr. Harold Kim and Mr. Farris Wu. That's all, sir." Pilit ko ding maging pormal sa harap niya.
Tahimik siyang tumango. "Got it. You may go back to your work."
Inilapat ko ang mga labi ko habang papalabas na ako ng opisina niya. Nang bumalik na ako sa swivel chair ay naghanap na ako agad ng gagawin. Nagkulikot ako ng computer. Binasa ko ang mga dokyumento na naroon. Tingin ko kasi may mga naging secretary siya bago man ako.
Pero mukhang wala namang iniwan na trabaho sa akin. Ano bang sunod kong gagawin?
Biglang tumunog ang telepono na nasa tabi ko. Agad ko iyon sinagot. "Yes, good morning, what can I help you?" Masigla kong bati sa kabilang linya.
"Can I ask if Mr. Finlay Ho is available at this moment?" Tanong ng babae.
"Hm, can I have a moment, please?" Saka nilapag ko ang telepono sa mesa at tumayo. Kumatok ako ng tatlong beses bago man pumasok. Bumungad sa akin si Finlay na ganoon pa rin ang ginagawa. "S-sir, may tawag po kayo..."
"Connect it to line two." Malamig niyang tugon.
Tumango ako at lumabas. Ginawa ko ang sinabi niya.
"Yes, Tarrah?" Rinig kong boses ni Finlay mula sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Tarrah ang nasa kabilang linya? Ang asawa niya pala ang tumatawag! Teka, bakit kagulat-gulat, Pasha? Huwag ka na magulat dahil alam mo naman na sila talaga ang dapat na mag-asawa!
"Yeah, I don't mind. Hindi ako makakarating. I'm busy with some clients for a week." Rinig ko pang sabi niya.
Kusang gumalaw ang mga paa ko. Lumayo ako mula sa opisina niya at maglibot-libot muna ako sa resto para maging pamilyar ako.
Buti may bench sa may bandang garden ng Resto. Ngayon ko lang napansin na ang daming puno pala dito. Kahit na medyo nagiging syudad na ang Dasmariñas, atleast hindi pa rin nawawala ang nature tulad ng mga puno at halaman.
Napabuntong-hininga ako. I need to make up my mind. Ayokong masira ang trabaho ko dahil lang sa personal ugnayan na meron sa amin ni Finlay. I need to be civil. Kung oras nang trabaho, tabaho talaga. Iyon lang at wala nang lalagpas pa doon. Kailangan din ay hindi ko mapalapit ulit sa kaniya lalo na't may asawa na siya. Paniguradong may anak na din silang dalawa.
"I'm happy for you, Finn." Mahina kong sambit. Pumikit ako.
Even though we didn't work out, I'm glad you were my first for eveything, Finlay.
"What are you doing here?" Biglang may nagsalita sa bandang likuran ko.
Napadilat ako't lumingon. Si Finlay! Teka, ang akala ko ay kausap pa niya si Tarrah sa telepono. Tapos na agad? Sandali, Pasha, bakit curious ka na naman? Nag-isip ka na kanina, ah?! "N-nag-aunwind lang." Pormal kong sagot saka tumuwid ako ng upo.
Ang akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako. Umupo siya sa mimsong tabi ko! Napalunok ako't bumaling sa ibang direksyon. Pero bakit bumilis na naman ang t***k ng puso ko?!
"Hindi mo nasagot ang tanong ko kanina..." Marahan niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka. "Kamusta ka na?"
Napaawang ang bibig ko. Kailangan ay maingat ang sasabihin ko. Hindi pwedeng madulas ako na may mga anak kami dahil iyon pa ang ikakapahamak ko! "Ayos lang." Mabilis kong sagot. "I-ikaw?"
He scoffed. "Still, devastated."
Gusto kong itanong kung bakit? Bakit wasak pa rin siya? Hindi ba kasal na siya? Dapat ay masaya na siya kasi kasal na siya. Pero pinili ko nalang na manahimik. Ang awkward pa rin kung itatanong ko pa. Ex ko siya, wala na akong karapatan sa kaniya! So, hands off na ako.
"Kasal na sina Keiran at Naya." Muli niyang sabi.
Medyo nasopresa ako sa narinig ko. "K-kailan pa?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.
"Last month pa." Mapait siyang ngumiti. "I'm happy for them though."
Parang may isang punyal na humihiwa ng parte ng aking puso. Masaya siya pero nababasa ko na may lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi ko matukoy kung para saan ba iyon.
"Masaya din ako para sa kanila." Mabilis kong sabi.
Masaya din ako para sa iyo, Finlay...
Marahan kong hinahaplos ang buhok nina Rowan at Sarette habang natutulog ang mga ito. Pinapagitnaan nila ako. Mahimbing na silang natutulog. May pasok pa kasi sila bukas sa eskuwelahan.
Maingat akong umalis sa kama. Pinapanood ko sila saglit. Naiiyak ako na ewan. Siguro dahil sa mga naiisip ko kanina, lalo na't bumalik na si Finlay.
"Papano ba kapag kinuha kayo sa akin ng papa ninyo, Sarette, Rowan? Sasama ba kayo sa kaniya?" Mahina kong tanong sa kanila.
Natatandaan ko pa noon na palagi nila ako tinatanong kung nasaan ang tatay nila. Palagi nila ako kinukulit na gusto nila makita ito. Gusto nilang mayakap at makasama. Tinatanong din nila sa akin kung bakit hindi nila kasama ito sa loob ng iisang bubong. Ilang beses na ako gumagawa ng palusot para hindi na nila ako tanungin pa.
Agad ko pinunasan ang mga takas kong luha bago man ako lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Amanda na nakasandal sa pader. Bigla niyang hinagis papunta sa direksyon ko ang isang lata ng beer. Nasalo ko ito at tiningnan ko siya na may pagtataka. "Amanda?"
"Hindi ka normal nang umuwi ka dito. Gusto mo bang pag-usapan natin?"
Napagpasyahan namin sa balkonahe kami uminom. Nakaracer back at sweat pants ang suot ko, kahit na malamig ang hangin ay hindi ko iniinda ang lamig.
"Bumalik na siya, Amanda." Panimula ko. Natigilan siya't bumaling sa akin. Inaabangan niya ang sunod kong sasabihin. "Si Finlay. Siya ang may-ari ng Resto kung saan ako nagtatrabaho ngayon."
Napasinghap siya. "A-anong plano mo ngayon?"
"Gusto ko sanang lumayo pero hindi pwede. Kailangan may pangtustos ako sa gastusin para sa mga anak ko. Kailangan ko silang buhayin. Kapag umalis ako agad sa Resto na iyon, mahihirapan na naman akong makahanap ng bagong trabaho."
"Kaya mo bang magtiis at palagi siyang nakikita at nakakasama?"
"Para sa mga anak ko, oo." Mabilis kong tugon. "At saka, hindi naman niya alam kung saan kami nakatira ngayon. Hindi rin naman niya alam na may mga anak kami."
"Pero Pasha, karapatan din ni Finlay na malaman na may anak kayo. Siya ang ama." Malumanay niyang sabi.
"Kahit na sabihin ko sa kaniya, balewala pa rin... Lalo na't kasal na siya. Baka nga may anak na din sila." Sabi ko.
I heard her tsk-ed. "Ang tanong doon, may pwerba ka na kasal nga talaga siya? Totoo ba? Kasi sa pagkakilala ko kay Finlay, patay na patay sa iyo iyon. Simulang nanligaw siya hanggang sa kinasal kayo, sinasamba ka niya."
Bumaba ang tingin ko. Iginalaw ko ang aking braso kung nasaan ang marka ng pagmamahalan namin. Tulad ng plano ko noong sampung taon nang nakalipas, nagpatattoo ako. Minarkahan ko ito ng petsa ng mismong kasal namin pati na din ang pangalan niya sa dibdib kung nasaan ang puso ko. Dahil wala na akong ibang lalaki mamahalin pa kungdi siya lang.
Pinili ko nalang na huwag nang sagutin ang iyon.