chapter 18

1558 Words
Marahas kong ipinatong ang bote ng soft drinks sa mesa ng karinderya. Marahas din akong bumuntong-hininga. Pinunasan ko ang mga namumuo kong pawis sa pamamagitan ng aking panyo. Napangiwi ako dahil sa init ng probinsya. Umuwi ako galing Maynila dahil isa ako sa mga natanggal sa trabaho bilang call center. Kapag minamalas ka nga naman, Pasha! Muli ako kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ako pwedeng mapasali sa listahan ng unemployed sa Pilipinas! Hindi talaga pwede dahil kailangan ko silang itawid sa hirap ng buhay. Tumayo na ako para umalis na nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon dinukot mula sa bulsa ng aking bag. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Amanda sa screen. Hindi ako nag-atubiling sagutin iyon. "Hello, Amanda?" "Pauwi ka na ba, Pash? Hinahanap ka na sa akin." Masaya niyang tanong sa akin. "Oo, pauwi na ako. Pasensya na talaga sa abala, ha?" "Sus, wala iyon. Kahit gaano pa kayo katagal dito, walang problema sa akin." Sabi niya. "Ingat ka sa pag-uwi." "Oh sige." Saka pinutol ko na ang tawag. Ibinalik ko din iyon sa bag. Nag-umpisa na din akong maglakad pauwi. Pagdating ko sa apartment ay si Amanda ang nagbukas ng pinto. Ngiti ang bungad niya sa akin. Napangiti din ako. "Nasaan sila?" Iyon ang tanong ko sa kaniya. "Nasa Salas, nanonood sila ng tv." Sagot niya na lalo pa niya nilakihan ang awang ng pinto. Dumiretso ako sa Salas. Tama si Amanda, nasa harap na naman ng telebisyon ang mga bata. Nagsasayaw at nagkakanta. Mukhang aliw na aliw sila sa pinapanood nila. Minsan pa nga ay ginagaya nila ang cartoon character. "Mali naman gawa mo, Rowan!" Sabi sa kaniya ng batang babae. Dahil sa presensya ko ay napatingin siya sa akin. Gumuhit ang saya sa mukha nito. "Mama!" Malakas na tawag niya sa akin saka umaribas ng takbo palapit sa akin. Sumunod sa kaniya si Rowan hanggang sa niyakap niya ako. "Ayos lang ba ang mga anghel ko dito?" Masaya kong tanong sa kanila. Kumalas sila ng yakap sa akin at sabay silang tumango. "Opo, mama! Ang bait po talaga ni ninang Amanda!" Si Rowan ang sumagot. "Binigyan niya po ako ng chocolate cake tapos strawberry cake para kay Sarette." Magiliw niyang sagot. Hindi ko mapigilang mapangiti. Yes, kambal pala ang ipinagbubuntis ko. Kambal ang anak namin ni Finlay. Ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa ay sina Frendel Rowan at Faylinne Sarette. They're both 9 years old. Kahit kailan ay hindi ko sila sinisisi dahil sa pagkakamali ko. Noong umuwi ako sa amin, sinamahan ako nina Amanda at Nolan para sabihin sa kanila na wala na kami ni Finlay lalo na't nagdadalang-tao ako. Ang buong akala ko ay itatakwil na ako ng mga magulang at pamilya ko ngunit nagkakamali ako. Tinanggap pa rin nila ako. Tumigil ako sa pag-aaral para maayos ang pagbubuntis ko hanggang sa manganak na ako. Cesarean Section ang nangyari noong ipinanganak ko ang kambal. Nang kaya ko na ay humingi ulit ako kina mama at papa ng isa pang pagkakataon para magtapos. Pinagbigyan nila ako. Tutok na tutok ako sa pag-aaral ako. Ang tanging inspirasyon ko ng mga panahon na iyon ay ang mga anak ko. Sila ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa agos ng buhay. Nang grumaduate na ako ay nagpaalam ako sa bubukod na ako sa kanila. Noong una ay ayaw nila dahil nag-aalala sila para sa amin. Pero dahil kilala nila sina Amanda at Nolan ay sa huli ay pumayag din sila. Ginusto ko ito kahit mahirap pero hindi ko ininda ito. Basta para sa mga anak ko, gagawin ko. Ako ang tumatayong ama't ina para sa kanila. "Siya nga pala, Pasha, mamaya ay dadating ang magiging baby sitter ng kambal mo." Sabi ni Amanda nang nasa Salas na din siya. Tumayo ako saka niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you talaga, Amanda. Hindi ko na alam ang gagawin ko..." Sabi ko na parang maiiyak na. "Sus, wala iyon! Ikaw pa ba?" "Maghahanap ako mamaya sa online ng bagong trabaho." Sabi ko. Nasabi ko din sa kaniya kanina ang sitwasyon ko nagsend na din ako ng resume sa mga target companies. "Ang tanong, anong trabaho naman? Eh ayaw mo naman sa mga Ospital." Napabuntong-hininga ako. Ayoko talaga magtrabaho sa Ospital dahil kailangan ko pa rin antabayanan ang mga anak ko. Gusto ko sana sa tuwing gigising at matutulog sila ay makikita nila ako. Natatakot ako na baka dumating ang panahon na biglang lumayo ang mga loob nila sa akin. Bago magdinner ay pumunta ako ng grocery para bumili ng mga sangkap na lulutuin ko ngaying dinner. Iniwan ko muna si Sarette kay Amanda at si Rowan ang kasama ko. "Bawal muna magturo anak, ha? Wala pang budget si mama." Bilin ko sa anak ko habang papasok na kami. "Opo, mama!" Masigla niyang tugon. Nagtatalon-talon pa habang hawak ko siya. Malaking pasasalamat ko kahit na sa murang edad palang sila ay malawak na kanilang pag-unawa. Lalo na sa trabaho ko, naiitindihan nila. "Pasha?" Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Sa loob ng sampung taon ay ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kaba. Napalunok ako. Gusto ng isipan ko na huwag lingunin iyon pero mukhang naging traydor naman ang katawan ko. Lumingon ako! "Oh my! Ikaw nga!" Bulalas niya sabay hawak niya sa mga kamay ko. "Kamusta ka na?" Hindi agad ako makapagsalita. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon si Fae! Ang pinsan ni Finlay! Bumaba ang tingin niya. Oh s**t, kasama ko nga pala si Rowan! "Hi, little boy. What's your name?" Nakangiting tanong niya. "Frendel Rowan H-" Hindi na naituloy ang sasabihin niya nang inilipat ko siya sa mismong likuran ko. Taka tumingin sa akin si Fae. "Kaninong anak siya, Pasha?" Muli ako napalunok. PIlit kong ngumiti. "A-anak ng kuya ko." Kusang lumabas iyon sa aking bibig. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Talaga? But he looks like him. Parang si kuya Finlay noong bata pa-" "Fae, sorry pero medyo nagmamadali na kami. Kailangan ko nang bumili ng mga kailangan sa pagluluto." Sabi ko. Napaawang ang bibig niya na parang nabigla siya sa inakto ko. "O-okay... Sorry. Sana, magkita ulit tayo, Pash. Bye!" Then she waved at us wearing her sweetest smile. Nang nawala na siya sa pangingin ko ay nakahinga ako ng maluwag. That was close... Hindi ko talaga inaasahan na dito ko pa makikita si Fae. Pero posible na malalaman din ni Finlay na narito ako sa Cavite! s**t. Sana ay hindi niya mabalitaan iyon. Cross fingers! "Sino po siya, mama?" Biglang tanong ni Rowan. Isang pilit na ngiti na iginawad ko sa kaniya. "Kakilala lang ni mama, anak." Sagot ko. I'm sorry, anak. Alam kong bad ang magsinungaling but I did this just to protect you and your twin sister. Pagdating namin ng Apartment ay agad namin inihanda ni Amanda ang mga sangkap para sa lulutuin. Hinahayaan ko lang na maglaro ang dalawang bata. Bigyan mo lang ng laruan ang mga iyan ay mananahimik na sa isang tabi at hindi ka na iistorbohin. Habang naghihiwa ako ng karne ay biglang tumunog ang telepono mula sa Salas. Dahil ako ang pinakamalapit sa aming dalawa ni Amanda ay ako na ang sasagot. "Hello?" "Hello, good evening. May I speak to Ms. Pasha Cardoso?" Boses ng isang babae. Medyo kumunot ang noo ko. "Yes, speaking. What can I do for you?" "This is Cowchaster Resto. I have received your resume thru email, Ms. Cardoso." Pormal niyang sabi. "And you're applying for a position of Secretary..." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Parang wala akong natatandaan na may inaapplyan akong Restaurant. Puros mga kompanya iyon. Anong Cowchaster? Wala akong naiitindihan. At saka, bakit ganitong oras siya natawag? "It is possible to meet you tomorrow morning for an interview, Ms. Cardoso?" She asked. "Y-yes, ma'm. I will po..." Binigay niya sa akin ang address ng naturang resto. "Alright. Schedule for tomorrow morning is now fixed. The owner will expecting you. Thank you and have a nice day." Saka binaba na niya ang tawag. Taka kong binaba ang telepono. Iniisip ko kung may pinagsendan ba talaga ako ng resume ko sa isang resto? Kahit anong gawin ko talaga, wala. "May problema ba?" Puna ni Amanda sa akin pagkabalik ko ng Kusina. "'Yung tumawag, mukhang taga-HR. Nagbigay daw ako ng resume ko eh taga-resto sila. Wala akong natatandaan na may target akong ganoon para mag-apply." Sagot ko. "Sigurado ka?" Paniniguro niya. "Pero grab mo na din 'yan para may trabaho ka na agad. Akalain mo 'yon, trabaho na mismo ang lumalapit sa iyo? Blessings with disguise pa." Hilaw akong ngumiti. "Sana nga matanggap ako. Sana swertihin ako." Sagot ko. Kinaumagahan din iyon ay pumunta nga ako Resto na iyon. Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang pumasok ako. Pang mayaman ang resto na ito, ah? "You must be Ms. Cardoso, right?" Nakangiting sabi sa akin ng babae. Siya yata ang kumausap sa akin kagabi. "Please follow me. He's expecting you." Tinalikuran niya ako at sinunod ko lang siya. Hanggang nasa tapat na kami ng pinto. Marahil ay opisina ito ng may-ari. Nagpaalam na din ang babae. Nagpasalamat pa ako sa kaniya bago niya ako tuluyang iwan. Kumatok ako ng tatlong beses saka maingat ko iyon binuksan. Maingat din akong pumasok hanggang sa isinara ko ang pinto. Halos manigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki. Ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko dito! "F-Finlay..." Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang inaasahan nga niya ang pagdating ko. "Hello, Ms. Cardoso. So, how are you?" Parang umurong ang dila ko. Wala akong makapang salita na maaari kong magamit para sagutin ang tanong niyang iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD