chapter 17

1801 Words
Isang buwan nang nakalipas buhat ng insidenteng iyon. Nalaman ko nalang na wala na din sina Keiran at Naya. Wala rin akong natatanggap na balita mula kay Finlay. I decided to deactivate my account. Ayoko lang maging trend ako o ang relasyon naming dalawa. Alam ko, sa oras na malaman ng ibang tao tungkol dito, pagpipyestahan nila iyon. Ang tanging tao lang ang napagsabihan ko ay si Amanda. Siya ang sandigan ko sa tuwing naalala ko ang mga sinabi sa akin ng lola ng magpipinsang Ho. Wala rin ako natatanggap na text message o pagbisita niya dito. Bakit naman niya ako maaalala, kung may iba na ang nagpapasaya sa kaniya? Maybe his fiancee named Tarrah Ongpauco. Kahit na hindi ko pa ito nakikilala, paniguradong bagay silang dalawa. "Pash, gusto mo bang sumama sa akin?" Biglang tanong ni Amanda ng gabi ding iyon. Nakabihis na siya na parang aalis. Napaamang ako. "Huh? Saan pupunta?" Tanong ko na nagtataka. "Sa Bar. Kikitain ko 'yung photographer saka mga kasamahan ko na kapwa ko ding model." Napangiwi ako. "Kahit dito nalang ako-" Bigla niyang inangat ang kaniyang kamay para pigilan ako sa pagsasalita. "Heeep! Hindi, sasama ka sa akin. Hindi kita pwedeng iwan dito dahil baka pag-uwi ko mamaya eh matagpuan nalang kitang nakahandusay diyan sa sahig. Kaya mag-ayos ka na. Sandali, pahiramin kita ng damit." Tatanggihan ko sana siya pero tinalikuran niya ako at dinaluhan ang closet niya para maghanap ng damit na ipapasuot sa akin. Ang bilis niyang makahanap. Wala pang limang minuto ay binalikan niya ako na may mga dala na siyang damit. "Heto, suot mo mga ito. Desente na iyan, don't worry." Saka ngumiti siya. "Ayokong magkulong ka lang dito, Pash. Kaibigan kita. Hinding hindi kita iiwan. Okay?" Napabuntong-hininga ako. Wala na rin ako magawa kungdi pumayag na din sa huli. Simpleng black dess at white stilettos ang pinasuot sa akin ni Amanda. Siya din ang nag-ayos ng make up at buhok ko. Dahil may kaya siya sa buhay, malamang may sasakyan siya. Pareho kami sa front seat at syempre siya ang nagmamaneho. Papunta kami ng Maynila ngayon. _ I heard Woman by Kei$ha from here outside. Mabangong usok na nalanghap ko na tingin ko vape iyon, neon lights, at maraming tao ang tumambad sa amin dito sa loob. "Nasa mga cubicle sila, be. Leggo." Malakas na pagkasabi ni Amanda sabay hatak niya sa akin. Wala akong ideya kung saan man niya ako dalhin. Kahit medyo madilim ay tanaw ko pa rin na may isang grupo sa may cubicle. May mga babae, lalaki at bakla sa puwesto na iyon. Napatingin sila sa direksyon namin. Masaya nila kaming nilapitan. Nakipagbeso-beso si Amanda sa kanila. Paniguradong sila ang tinutukoy niya na mga kasamahan nito sa trabaho o pagmomodel. Ipinakilala din niya ako sa mga iyon. "Ay siya, ang ganda pala kasama mo, Amanda!" Bulalas ng isang bakla pagkatapos niyang makipagbeso dito. "Anong pangalan?" "Her name is Pasha. Pasha Cardoso. Schoolmate ko siya at the same time, dorm mate." Saka may binulong siya. Nanlaki ang mga mata nito sabay tingin sa akin. Ganoon din si Amanda na nakangisi. "Single ka na?!" Bulalas niya. "Sa ganda mong iyan, dapat may jowa ka na!" Hindi ko maitindihan. Ano bang pinagsasabi nila? Naguguluhan ako. "Nolan!" Malakas na pagkatawag ng bakla sabay tingin sa kinaroroonan n'on. Sinundan ko naman. May isang lalaki na napatingin sa direksyon namin. He must be Nolan na tinatawag. Lumapit siya sa amin. He looks like Caucasian, base on his features. Hindi maitanggi na guwapo ito. "Here, Pash, this is Nolan, the photographer. Nolan, this is Pasha or Pash, friend ni Amanda." "Oh, hi, Pash." Magiliw niyang bati sa akin sabay abot niya sa akin ang kaniyang palad. "It's nice to meet you." Pilit akong ngumiti. "S-same..." "Tara, sayaw tayo!" Bigla aya ng bakla sa amin. Muli ako hinatak ni Amanda patungo sa dance floor. Mas lumakas ang kanta sa nang nasa dance floor na kami. Binulong sa akin ni Amanda kung anong pangalan ng bakla na iyon. Roma Alejandro daw. Tingin ko ay mabait naman si Nolan dahil inaalalayan pa niya ako habang papunta kami kanina sa dance floor. Kahit na sumasayaw ay kinakausap niya ako. Hindi siya maangas para sa akin, sa katunayan pa nga ay magaan ang loob ko sa kaniya. Natigilan lang kami nang tumigil din ang kanta. "Tang ina ka!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Agad ko sinundan kung saan nanggaling iyon. Hindi ko alam kung anong humatak sa akinpara puntahan ang pinanggalingan n'on. Napasinghap ako nang makita ko si Keiran na nakaupo sa sahig habang pinupunasan ang kaniyang labi na may dugo. Bumaling ako sa lalaking may gawa n'on sa kaniya. Napaawang ang bibig ko nang makita ko doon si Flare! Bakas sa mukha niya ang galit. "Dinala ko na siya para sa iyo pero putang ina, heto pa ang madadatnan ko, ha?!" Sigaw pa niya sa pagmumukha ni Keiran. Anong pinagsasabi ni Flare?! Naguguluhan ako! "At talagang kahalikan mo pa ang isang ito?!" Sabay turo niya sa isang babae na daring ang pananamit. Napasapo ako sa aking bibig. Kasabay na may pumulupot na braso sa aking bewang. Hindi ko agad makita kung sino ang may gawa n'on sa akin dahil mabilis ang kilos niya para makalayo ako sa lugar na iyon. Nang mapadpad na kami sa back door ay doon ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang taong kumaladkad sa akin palabas ng bar! "F-Finlay..." Mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan. "What are you doing here?" Mariin niyang tanong sa akin. Agad ako umiwas ng tingin. Inilapat ko ang aking labi. Bumilis ang pintig ng aking puso. Sa dinami-dami ng lugar ay dito pa kami nagkita. "I'm asking you, Pasha. What are you doing here?" Ulit pa niya ngunit mas ramdam ko ang galit sa boses niya. "And who's that f*****g guy?" Sinubukan ko siyang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata. "D-dinala ako ni Amanda dito... 'Yung lalaki, s-siya ang photographer-" "Ilang linggo lang ako nawala, Pasha." I can feel my heart clenched. Parang hindi ako makahinga. "Ang akala ko, tinanggap mo na ang... Engagement." Sabi ko. "Bakit ko gagawin iyon? Anong dahilan para gawin ko 'yon?" Matigas niyang tanong. He came to me closer. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Nakatali ako sa iyo, Pasha at kahit kailan, hinding hindi ko tatanggapin ang engagement na iyon." Kahit papaano ay naging kalmado ang boses niya. I clenched my fist. "Accept it, Finn." Buong-loob kong sambit. "W-what?" Namamaos niyang sabi. Gusto nang kumawala ang mga luha ko ay pilit kong pigilan iyon. "I think we can't save something that has already died. Our hopes, Finn." Nanginginig ang boses ko. "Hindi sa lahat ng oras, ako palagi... Hindi pwedeng ako ang unahin mo. You should listen to your family." Pumikit ako ng mariin at yumuko. "She's right, we're completely different. Wala akong dugo na chinese, hindi rin ako anak ng mula sa mayaman at kilalang pamilya. I'm just an ordinary girl and a student who has been bullied for a long time, a girl you saved from her nightmare." "Bakit sinasabi mo sa akin ito, Pasha?" Mas lalo siya nanghihina. "Mahal kita, Finn pero sa maling pagkakataon lang. T-they say if you love someone, set this person free. I want you to be truly happy with someone who's better than me. I... I don't want that this difficult situation will made you suffer... Ayokong mamili ka... So I want it to stop..." Hindi ko mapigilan pa ang sarili kong mapaluha sa harap niya. Muli ko siyang tiningnan at pilit na ngumiti. "Please, Finn... Be happy without me." Pumikit siya ng mariin at yumuko. Rinig ko ang pagsinghot niya. Isinandal niya ang kaniyang noo sa balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang mga balikat. Nanatili kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon. Mas masakit ang makita ko siya na ganito. Parang nadudurog ako. "Do you still remember what I have told-you?" He suddenly asked. "Kung ano ang gusto mo ay gusto ko na din. Kung ano ang desisyon mo ay magiging desisyon ko na din." Kinagat ko ang labi ko para pigilan kong mapaiyak na naman. Oo, Finn. Natatandaan ko pa... "Kapag sinabi ko, ginagawa ko..." Dagdag pa niya. Inalis niya ang kaniyang ulo mula sa aking balikat. Hinawi niya ang takas kong luha. "Kahit masakit, gagawin ko ang gusto mo, Pasha... But please, promise me one thing..." Kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha ay nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Inaabangan ang mga susunod niyang sasabihin. "Remember to eat, to drink and to sleep. I'll not be there to telling you this and... take care of you." Doon ay muli akong umiyak. Pilit kong tumango bilang tugon. Ramdam ko nalang ang mga labi niya sa noo ko hanggang sa hinalikan niya ang mga labi ko. Nang humiwalay na ang mga labi namin ay tinalikuran na niya ako. Laylay ang mga balikat niya habang papalayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin. Napasapo ako sa aking bibig. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang ilang beses akong pinapatay habang pinapanood ko ang pinakamamahal ko na lumayo. I will miss him terribly... "Pasha!" Rinig kong boses ni Amanda. Kasama niya si Nolan. Papalapit sila sa kinaroroonan ko. "Oh my, what happend to you?" Iling lang ang naisagot ko. "Umuwi nalang tayo para makapagpahinga ka na. Nolan, pasuyo naman..." Hinawakan ni Nolan ang isang kamay ko at inaalalayan niya akong makatayo ng ayos. Pero mas umiba ang pakiramdam ko. Nahihilo ako at mas lalo ako napapagod na dahilan para bumagsak ako't nanghihina. Buti nalang ay hawak na ako ni Nolan. "Pasha! Anong nangyayari sa iyo?!" Rinig ko na natataranta si Amanda. "Namumutla siya, Amanda. Ihanda mo ang sasakyan mo. Dadalhin natin siya sa Ospital...." Hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi nila dahil itim nalang ang nakikita ko. My sense of hearing were also faded... _ Nagising ako nang may narinig akong iyak. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tinagilid ko ang aking tingin ay bumungad sa akin si Amanda. Nasa tabi lang niya si Nolan at pinapatahan siya. "Pasha..." Tawag sa akin ni Nolan. Amanda instantly stopped. "Thank God you're awake!" Sabay hawak niya sa aking kamay. Pilit kong bumangon. "A-anong nangyari?" Tanong ko. "Uuwi na sana tayo nang bigla kang hinimatay." Si Nolan ang sumagot. "Nasa Ospital ka ngayon para ipinatingnan ka and the doctor found something." Kumunot ang noo ko. "A-anong sabi niya? May sakit ako? O...?" Nagtinginan silang dalawa bago nila ako tingnan. Parehong seryoso ang mga mukha nila. "Buntis ka, Pasha. Four weeks pregnant ka na daw... Sabi ng OB na tumingin sa iyo." Natigilan ako. Parang tumigil din ang ikot ng mundo ko nang malaman ko iyon. B-buntis ako... "Pash, sasamahan kita kahit anong mangyari." Dagdag pa ni Amanda. Bumaba ang tingin ko saka dumapo ang palad ko sa aking tiyan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Saya at takot ang nangingibabaw. Naguguluhan din ako. "You should tell him. Kay Finlay." "Don't." Mabilis kong tugon. "Pash..." "Kakayanin kong harapin ang galit at parusa sa akin ng pamilya ko..." Hindi rin maaaring malaman ni Finlay na magkakaroon kami ng anak. Ayokong dahil lang sa anak namin ay mahihirapan kami pareho. Ayokong madamay ang anak ko sa galit sa akin ni Eufemia Ho, ang lola ni Finlay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD