Gabi nang lumabas na kami ni Finlay. Nadtnan namin ang mga pinsan niya na nakalusong na sa swimming at nakikipaglaro sa magkambal. Sa kabilang banda naman ay abalang nag-iihaw sina Elene, Mikhail, Inez at Naya ng magiging dinner namin, si Flare ay nakaupo lang sa picnic chair at nakapangalumbaba. "Finally, gising na din ang mag-asawa." Bulalas ni Elene habang hawak niya ang plato na lamang kakaihaw lang na mga karne saka ipinatong niya iyon sa picnic table. "Nakaabot pa kayo sa dinner." Ngumiti ako at nilapitan sila para tumulong. Sumunod sa akin si Finlay. "Babantayan ko lang ang mga bata," Bulong niya sa akin saka dinampian niya ako ng halik sa sentido. Pagkatapos n'on ay sumunod na siya sa swimming pool. "Mabuti okay na kayo ni Finlay." Nakangiting sabi ni Naya nang tuluyan nang naka

