Ilang beses ko na pinakalma ang sarili ko habang papunta na kami sa hotel and resort kung saan gaganapin ang birthday ng papa ni Finlay. It's also located somewhere in Cavite. I'm wondering, kamusta na kaya si tita Fiorella? Nasabi sa akin ng ibang pinsan ni Finlay na gustong gusto makilala nina tita Fiorella ang kambal. Pero kinakabahan din ako kapag nakilala ko na ang papa ni Finn. They said, this man, Kyros Ho is dominant and serious, same as Keiran's father—Damien Ho. Base palang sa kwento nila, kinikilabutan na ako. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o hindi. "Relax, babe. Hindi ka naman kakagatin ni papa." Masuyong sabi ni Finlay habang naglalakad na kami patungo sa bulwayagan ng Hotel kung saan gaganapin ang party. We're both wearing a fomal attire, gayon din ang mga bata. Ang cute

