Naalimpungatan si Venus dahil may naririnig siyang ingay. "F–ck you!" Napabalikwas siya ng bangon nang marining ang malakas at galit na galit na boses ni Juan. Parang dumagundong sa buong paligid. "Ano ang nangyari?" tanong niya kay Bebe na ngayon ay nakatayo na, nakatanaw kina Juan at Luis na nagrarambulan sa damuhan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Napansin niya rin ang jacket na nakapatong sa katawan niya na nagsilbing kumot niya. Sa amoy pa lang ay alam na niyang kay Juan galing ito. Tumayo siya sa tabi ni Bebe na parang hindi man lang na bahala sa dalawang nag-aaway. Nakahalukipkip pa ang dalawang braso nito sa dibdib. Malayo nga ang distansya sa kanila nina Luis at Juan pero kitang-kita niya pa rin ang pagpapalitan ng suntok ng mga ito. Nag-alala siya at gus

